"Patingin!" sabat ni Kuya at kinuha ang camera na dala ni Ate.

Pinagtatawanan nila ito.

"Ok ladies and gentlemen...pls. clap your hands for the dance performance of the completers!" masayang sabi ng P.E teacher namin. Siya kasi yung nag host.

Agad kaming nagsitakbohan lahat patungo sa gitna. At pumpwesto. Nagkatinginan kami ni Kim at may sinabi siya pero di ko maintindihan. Kumunot ang noo ko. At sinenyasan ko siyang di ko alam ang sinasabi niya. Magsasalita sana siya ng biglang tumunog ang music at sumayaw na kami lahat.

Pagkatapos naming sumayaw. Ay nagkayapan ang lahat at nag-iyakan. Dahil maghihiwalay na raw sila. Kami lang sigurong mga kaibigan ko ang tumatawa. Niyakap ko ang mga kakilala ko. At nag congratulate.

Hanggang sa nagtagpo kami ni Kim. Sobrang gwapo niya talaga. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Mas lalong akong humaling sa kanya.

"Congratulations....Zaya Rosevelle Delfino!" malambing niyang sabi at ang tamis ng ngiti niya.

Nanginig ang binti ko sa sinabi niya. Binanggit niya pa ang buong pangalan ko ha? Uminit ng todo ang pisngi ko.

"Congratulations too....Kim... Betelgeus Mirafuentes" sabi ko sabay pasada ng tingin sa mga medals niya."I'm so proud of you" nanginig ang boses ko pagkasabi non.

Agad niya akong niyakap. Nanlaki ang mata ko at naestatwa sa ginawa niya. Pero di nagtagal ay niyakap ko rin siya.

"Thank you....thank you for making me happy when I'm not in the mood Zay" sabi niya habang yakap niya ako.

"Anything for you Kim" sagot ko rin.

Kumalas siya at inayos ang hibla kung buhok. At nilagay niya sa aking tainga.

"Oohh so sweet look at the picture!" sigaw ng Mommy niya.

Kaya napalingon kaming dalawa sa Mommy. Niya at nagulat.

"Mom! Katey!" sigaw ni Kim. At galit silang tinitigan.

"Mauna na kami sa kotse Kuya!" asar nito sa kanya.

At tinalikuran na kami.

"Ahm Kim...I have to go now. Baka naghintay na sila Papay sa labas. Graduation pa ni Ate mamayang 1 pm..." paalam ko sa kanya.

"Sabay na tayo. Lalabas na rin ako" tumango lang ako.

Tahimik kaming naglakad palabas ni Kim. May iilan kaming mga ka batch na bumati sa kanya. Binati niya rin ito pabalik at nginitian.

Sa di ko inaasahang may dumating higad. At binati si Kim. Inirapan niya ako bagi bumaling kay Kim. Napangiwi ako sa presinsya niya. Maka allergy ako nito sa babaeng to. Masyadong makati.

"Uh...uhm Kim mauna mo na ako ha? Sila Papay kasi-" di niya ako pinatapos.

"Ok you can go now Zay" malamig niyang sabi.

Kaya tinalikuran ko na sila. So ganon nalang yon? Nagkita lang sila nong Clyree na yon. Maging cold na siya sa akin? How DARE him! Nang makalabas ako ay itinigil ko ang pag-iisip sa kanya dahil tinawag ako nila Ate. At agad kaming sumakay ng trycicle.

Pagdating sa amin. Ay kumain na mo na kami bago mag bihis. Para sa graduation naman ni Ate.

Kakatapos ko lang magbihis ng simple na dress at close shoes na kulay grey. Na bumagay sa kulay Krema kong dress. Minake-upan pa si Ate. Ng pinsan naming bakla. Kaya umopo mo na ako sa sofa. At nanood sa kanila.

"Anong oras nga mag start ang completion ball mo Zay?" tanong ng pinsan kung bakla na si Liam habang nagme-make up kay Ate.

"6 pm Kuya" sagot ko naman.

Tumango siya."Babalik ako rito mga alas 4 ok?"

"Ok Kuya Liam"

"Eh kayo Zen....wala ba kayong ball?" tanong ni Kuya kay Ate.

"Wala!...ang pangit kaya nyang ball² na yan. Mag outing kami lahat at doon kami mag party!" excited pang sabi ni Ate.

"Kailan?"

"Bukas, ng umaga kami aalis"

Nakinig lang ako sa usapan nila Ate. Hanggang sa natapos na siya't nakabihis. Agad kaming umalis. Dahil sinundo kami ng kapatid ni Papa na si Tita Levy. Ina ni Kuya Liam. Kaya agad kaming nakasakay.

Nang makarating kami. Ay muntik na kaming malate. Dahil sobrang tagal ni Ate sa pagme-make up. Ang nag escort kay Ate. Ay si Papay at Tita Levy na kapatid ni Papay. Si Kuya Zian ang taga picture nila. Ako naman ay tamang upo lang sa bleachers habang nanood. Sa pag lakad ng mga graduates.

Boung ceremony akong nakaupo lang sa bleachers. Nakakaproud si Ate dahil salutatorian siya. At ang daming medal. Dahil madami siyang sinalihan. Nakakahiya dahil ako lang sa mga kapatid ko ang walang medal kahit isa. Tinanong pa alo ni Tita Levy kanina. Na honor ba ako. At sinagot ko naman ng hindi. Iniinsulto niya ako kanina. Iba daw talaga ako kila Kuya at Ate.

Tinawag ako ni Kuya para sa family picture. Tumayo naman ako at pumunta sa kanila. Tinaasan agad ako ng kilay ni Tita Levy. Na fe-feel ko talaga na parang iba ang tingin ni Tita sa akin. At tsaka si Papay pero na fe-feel ko naman kay Papay na mahal ako....parang out of place ako sa pamilya namin.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now