Nascent Journey

40 11 8
                                    

"Halika na, kailangan nating kumuha ng insurance mo"

So that explains everything. Inaalala niya lang pala ang kaligtasan ko hindi sa pinagdududahan ko siya pero sa pagkakaalam ko, meron siyang gagawin na masama sa akin. Dahil hindi naman talaga ako sigurado kung sinu siya...

Masaya akong pumasok sa loob ng building na iyun. Ang halos nakikita ko sa building na ito ay...

Transparent..

Ang ibig kong sabihin duon ay glass. Halos yun at yun lang talaga ang makikita mo. Hindi sa wala akomg ideya na ganito pero meron akong pakiramdam na hindi naman dapat.

"Dito tayo nagtratrabaho dati"sabi ni zack.

Kung dito ako nagtrabaho dati, bakit ganoon naguguluhan parin ako. Sa pagkakasabi ni zack na pagbinalikan daw namin yung dating ginagawa ko, makakaalala daw ako.

Pero sa puntong ito ni katiting na memorya wala akong maalala. Sabi ni zack konting tiis lang daw. Baka siguro kailangan ko din ng konting pasensya tungkol dito.

Tinitignan ko yung gusali, parang napakalungkot naman ng buhay nila. Laging paulit-ulit ang ginagawa. Pakiramdam ko tuloy lagi kaming nagaaway ni zack noong nakakaalala pa ako.

"Halika"sabi ni zack

Pumasok kami sa isang kwarto dito. Na halos glass din ang nakikita mo. Ang lahat kasangkapan ay puro glass. At pagsinabi kong lahat. Lahat ng bagay. Mula sahig hanggang kisame.

"Wag kang matakot, hindi ka nila lalamunin ng buhay dito"

Pinakalma niya ako. Yata?

Ngumiti nalang ako bilang sagot. Ngumiti din siya pabalik. Nakakaginhawa lang sa pakiramdam. Pakiramdam...

"Magandang umaga, Riza at Zack, anung maipaglilingkod ko sa inyo ngayung araw"bati sa amin nung lalaking nakaputi ng coat.

Para siyang doktor kung tutuusin. Pero....

Yung name plate niya...

Srg. Jun Lumia...

Pamilyar. Tinitigan ko itong mabuti, pero wala parin talaga akong maalala. Mas sumakit pa ang aking ulo sa pagpilit na tandaan ito. Parang mas nawala ang aking memorya kaysa dati.

Nagulat ako ng biglang...

"Mabuti at nakabalik ka na Misis, kamusta ang bakasyon. Masaya ba?"medyo kumulo ang dugo ko at nagnerbiyos sa sinabi niya. Napatingin nalang ako sa baba. Natulala ako.

"Misis, Misis, okay ka lang?"umupo ako sa malapit na upua sa kinatatayuan ko at...

"Nawawala ako"

Ito ang pinaka unang salita na nabangit ko simula ng nawala ang alaala ko. Masakit mang aminin pero hindi ko talaga kayang ipagkait ito.

Pero nadismaya ako ng tawanan ako ni Sergeant. Kumunot ang noo ko. Bakit? Meron bang masama?

Hinawakan ni zack ang balikat ko at ngumiti ng malumanay. Sabay tingin kay sergeant ng napakasama.

Para itong nagpapahiwatig na...

Ako na...

"Sergeant, nandito po kami para kumuha ng name tag at hindi para tawanan niyo. Alam kong magkaibigan tayo sergeant pero dahil sa inasta mo, hindi na kita kaibigan"

Tapos hinila ako ni zack papalabas dun sa kwarto na iyun.

"Sandali lang zack..."pagpupumilit pang ayusin ni sergeant.

"Hindi na ulit tayo lalapit duon"tumango ako. Parang napaka-sensitive naman ni zack, hindi sa pagkakakampi kay sergeant pero tumawa lang siya. Hindi sa pagdududa ko kay zack pero hindi masyadong tama yung nangyari, para siyang...

Hindi ko alam.

At hindi masama ang tumawa.

**knock**

Kumatok si zack sa isa pang pintuan at...

"Riza!"

Merong isang babaeng bigla-bigla nalang na yumakap sa akin. Ang higpit-higpit na halos papatayin niya na ako sa pagkawala sa kanya.

"Riza na miss kita, musta ka na, saan ka ba nanggaling at ang tagal mong nawala, meron ka bang magandang balita para sa inyong magasawa? Huh, huh!"tuloy-tuloy na sabi nito.

"Bitawan mo ako, please. Layuan mo ako"walang emosyong sabi ko.

Tinignan ko lang siya at bigla nalang na nanlumo ang kanyang mukha. Nalungkot ito. Pero hindi ko sinasadya!

Gumawa siya ng distansya mula sa akin at bumalik sa isang upuan na inuupuan niya ngayun.

"Patawarin mo ako kung nasaktan kita, gustohin ko mang maalala ka, pero..."napatigil ako sa pagsalita.

Ayaw lumabas sa mga bibig ko ang mag salitang iyun. Ayaw niyang kumawala, marahil gusto nitong manatili na sa aking mga isipan...

Ang mga salitang, ayaw ko sanang mangyari pero wala akong nagagawa at nangyari nalang na hindi ko lang man alam kung anung kadahilanan.

Nawalhan ako ng alaala.

"Nagka-amnesia siya"

Bumalik ang sakit, tatatagan ko ang aking sarili. Napatakip ng bibig yung babaeng yumakap sa akin.

"Pero nandito kami para magpagawa ng name tag"kanina ko pa ito naririnig...

Anu ba ang Name tag?

"Kung ito ang gusto niyo, Halika sa loob"sabi nito at sumama naman ako. Tinignan lang ako ni zack at ngumiti.

Pinapahiga ako sa isang kama. Hindi sana...

Nabigla ako ng gumalaw yung kamang hinihigahan ko at may mga ilaw na tumatama sa aking katawan.

At bigla nalang akong...

Nahilo...

Face Switcherحيث تعيش القصص. اكتشف الآن