Ikaw

388 8 16
                                    

Ikaw,
ikaw na kaklase lang noong elementarya
Ikaw na payat, mahinhin at tahimik pa,
Ikaw na kasabay kong pinagbasa ng tula,

Sino ka nga ba sa buhay ko ngayon?
Bakit sa paggawa ng tula ikaw ang inspirasyon?
Tapos na ako sa kolehiyo at nakalipas na ang maraming taon,
Buhay natin pilit na sinusubok ng pagkakataon.

Ikaw na bumati sakin noong Pasko,
Ikaw na nagpatibok sa aking puso,
Ikaw na kachat maghapon magdamag,
Sa pagreply saakin talagang masipag.

Sa pagdating mo'y buhay ko'y nag iba,
Baka mahulog sayo lubos kong pinag-aalala
Ngunit di naglaon wala ng pakialam
Nais ko lang pagtingin sayo'y ipaalam.

Gusto mo ko noon, gusto kita ngayon,
Oh talaga nga namang mapaglaro ang panahon,
Sa wakas naramdaman mo rin pagkagusto ko sayo
Ngunit alam ko noong mayroon iba jan sa puso mo.

Humingi ka ng konting panahon sa akin,
Sabi mo hindi mo ito sasayangin,
Para akong tinatangay ng hangin,
Nang dumating sa huli araw ng yong pag-amin.

Mahal mo ako sa wakas sinabi mo,
Hindi mo alam halos magtatatalon ako,
Simula palang alam kong ikaw na,
Ngunit alam kong sadyang mapaglaro ang tadhana.

Hindi kita makausap buong taon,
Namimiss ka parin hanggang ngayon,
Alam kong ganoon din ang nararamdaman mo,
Wag kang mag-alala nangako tayong walang susuko.

Ikaw na laman ng isip at puso ko,
Pinagdarasal mga panaginip kasama ka'y magkatotoo,
Mula paggising sa umaga hinihiling makasama kang muli,
Kalungkutan sadyang nahihirapan na kong ikubli.

Wag mag-alala mga pangako'y tutuparin ko,
Dahil alam kong sa huli ikaw parin at ako,
Mamatay man ako di mawawala pagmamahal ko sa'yo,
Hihintayin ka hanggang sa dulo ng mundo.

Mga tula para sayoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن