f i f t h.

21 5 0
                                    

As usual, papasok na naman ako. Hindi ako hinatid ni Kuya kaya wala akong choice kundi ipagdrive sarili ko. Hindi kami nagdahahire ng driver since malaki naman na kami and kaya naming magdrive. Isang katulong lang ang nasa bahay namin and yung matagal na siyang naninilbihan sa amin. Si Nanay Luz. Simula pa lang noong bata kami ay siya na ang nagbabantay sa amin. Pinagkakatiwalaan siya ng parents namin since kilala na nila si Nanay Luz noong wala pa kami sa mundo.

Kakatapos ko lang magpark and nakita ko na naman yung malanding nasa A class na may kalaplapan. Pero wala naman akong pake kaya pumasok na ako sa gate. Nahagip ng mata ko yung isa ring A class na nakita ko sa canteen kahapon. Titig na titig siya sa A class na may kahalikang iba. Parang nangangamoy selos.

Agad akong pumunta sa room para wala lang. Wala naman kaming gagawin. Tutunganga lang. Pagpasok ko, wala pa si Jinwoo kaya umupo ako sa tabi ni Dongbin. Napakaingay ng classroom namin dahil nagpupustahan sa Mobile Legends. Gusto kong sumali pero hindi ko pa sila kaclose so sa sunod na siguro. Nagearphones ako at nakinig ng mga kanta. Katulad ni Dongbin, agad naman akong nakatulog.

——————

Nagising ako dahil na naman sa isang sigaw. Saan pa ba manggagaling yun? Syempre kay Dongbin. Kinagat na naman ni Jinwoo. Kasalukuyang nilalambing na naman ni Jinwoo si Dongbin. Ano ba tong batang to? Aso ba to? Bigla biglang nangangagat eh.

Hindi ko namalayang 12 pm na pala. Walang ganang tumayo si Dongbin at hinihila siya ni Jinwoo. Bigla namang tumunog ang tiyan ko na ikinatawa nung dalawa. Nagroll eyes lang ako sa kanila tsaka kami tumayo para pumunta sa cafeteria.

Naabutan namin si Jungmo at Minkyu na nakaupo habang kumakain. Si Minkyu tahimik na naman tapos si Jungmo napakaingay. Tumatango tango lang si Minkyu sa mga pinagkikwento ni Jungmo pero makikita naman naming wala siyang pake sa mga sinasabi nung isa. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Nakiupo kami sa table nila. Magbabarkada pala silang apat. Bale katabi ko si Dongbin tapos kaharap niya si Jinwoo, kaharap ko si Jungmo. Si Minkyu walang kaharap.

Andami kong nalaman sa kanilang magbabarkada. Magkababata si Dongbin at Jungmo. Si Jungmo naman kaibigan niya si Minkyu tapos si Jinwoo naman ay schoolmates sila ni Dongbin sa pinanggalingan nilang school. Ang school na ito daw ay walang pakealam kahit anong edad ka. May chance daw na ang pinakamatanda at pinakabata sa batch na to ay pwedeng magkaklase. Shuffle daw sila kapag nag eenroll. Sayang daw at hindi sila naging magkaklase. Pero okay na rin daw at hindi sila naoop since magkaklase si Jinwoo at Dongbin tsaka Jungmo at Minkyu. Inalok nila akong sumali sa barkada nila. Mukhang mapagkakatiwalaan naman sila kaya syempre kaibigan na yan. Sino bang tatanggi? Kinikilala namin ang isa't isa ngayon at nagkkwentuhan.

"H-hi." Napaangat kami ng tingin.

"P-pwedeng makiupo?" Tanong niya. Hindi ko akalaing ang mukhang anghel na katulad niya ay dito papasok sa Produx. Curious tuloy ako kung anong kasalanan niya.

"Hi. Ikaw pala." Sambit ko.

"Sige upo ka. Magkakilala naman pala kayo." Sabi ni Jungmo habang nakangiti. Agad naman siyang umupo.

"Hi. Anong pangalan mo?" Tanong ni Jinwoo sa kanya. Siguradong bata rin to. Mukha kasing bata.

"H-hyeongjun. Song Hyeongjun." Sagot naman niya.

"Wag ka nang mahiya sa amin." Sabi ni Dongbin tsaka bumalik sa pagkain.

Tumalikod naman si Hyeongjun. May kinalikot siya sa bag niya. Hindi nga ako nagkamali, bagay nga sakanya yung bag. May nilapag siyang lalagyan sa table. May nagbabaon pa pala sa school na to. Hindi naman ako nangjajudge, nakakagulat lang. Sa katunayan nga parang ang sarap nung baon niya. Nagsimula na siyang kumain at nakipagkwentuhan sa amin pero si Minkyu parang wala talagang kasama. Nanotice yata ni Hyeongjun ang pagkatahimik niya.

"Gusto mo?" Tsaka siya inalok ng mansanas. Bagot na tinignan ni Minkyu si Hyeongjun kaya naman bumalik na lang sa pagkain si Hyeongjun. Nagulat kaming lahat nang kinagatan ni Minkyu ang mansanas pero nagbago agad ang ekspresyon ni Jungmo. Ginawaran niya ng nakakalokong ngiti si Minkyu pero sinamaan lang siya ng tingin nito.

Pagkatapos naming kumain ay nag aya si Dongbin na pumunta sa room ng t7s. Gusto daw makipagkwentuhan para maging magaan ang loob namin sa kanila. Sinama na rin namin si Hyeongjun since bago lang siya rito at alam kong naghahanap siya ng pwedeng pakisamahan at ako yata ang napili niya dahil nagkita kami sa mall.

"Bakit kayo napunta dito?" Tanong ni Jungmo sa amin habang nakaupo sa sofa. "Ako kasi nanghampas ng baseball bat. Ilang buwan ring hindi nakapasok yung kaklase kong yun eh. Deserve naman niya." Tsaka siya nagmaldita.

"Ako vandalism. Hindi naman mabigat na kaso yun kaso nakaabot sa parents ko kaya dito nila ako pinag aral pero okay lang sa akin as long as kasama ko si Jinhyuk appa." Sabat naman ni Jinwoo.

"Katulad kay Jungmo, hinampas ko rin kaklase ko ng baseball bat. Bata pa lang kasi kami mahilig na kami manood ng mga ganun kaya naging baseball players kami noong wala pa kami dito although magkaiba nga lang ng school." Paliwanag ni Dongbin sa amin. Siguro close na close sila noong bata. Naalala ko tuloy yung kababata ko. Nasan na kaya siya ngayon?

"Nambato ng upuan." Sabi ni Minkyu tsaka siya kumagat sa mansanas. "Gusto mo rin ba?" Tanong niya kay Hyeongjun. Umiling naman si Hyeongjun na parang natatakot. "Ibig kong sabihin ay kung gusto mo rin ng mansanas." Tumango naman si Hyeongjun tsaka siya kumagat. Nagsheshare tuloy sila. Ako lang yata nakakaalam ng ginagawa nila kasi busy sa pagkekwentuhan yung tatlo. Kanina ko pa rin nanonotice na titig na titig si Minkyu kay Hyeongjun lalo na sa cafeteria.

"Ikaw Midam? Pano ka napunta dito?" Tanong ni Dongbin sa akin.

Pinaliwanag ko naman yung kung bakit ako nandito. Yung principal, yung lagi akong napapaaway, yung deal namin ni Kuya pero syempre hindi ko sinabi kung ano yun.

"Hangyul? Familiar siya." Sabi ni Jungmo na tila ba'y nag iisip.

"Ikaw Hyeongjun hyeong?" Tanong naman ni Jinwoo kay Hyeongjun na ikinalungkot nito.

"Ano kasi. N-nasunog ko y-yung cafeteria n-namin." Kahit kami hindi makapaniwala.

"Bakit?" Tanong ni Minkyu. Nakakapagtaka talaga. Kapag si Hyeongjun na usapan, nagsasalita siya.

"B-binubully kasi a-ako. May cooking show kasi sa school and sa cafeteria hineld. They said na ako na daw bahala sa foods. Sabi ko hindi ako marunong magluto pero they insist kasi nga daw both chefs ang parents ko kaya wala akong choice. I don't even know how to set the stove." Tumigil siya at nagbuntong hininga. Hindi naman nakawala sa paningin ko yung pagpisil ni Minkyu sa kamay ni Hyeongjun na ikinagulat niya pero agad naman siyang kumalma.

"Kung tutuusin pwede pa naman akong mag aral doon pero gumawa sila ng story na ikinasira ng pangalan ko. Sabi nila na ginawa ko daw yun para gantihan sila kahit wala naman daw silang ginagawa. Maraming nasugatan at nahimatay dahil sa usok at ako ang pinalabas nilang masama. Kaya walang choice ang parents ko na dito ako pagaralin since wala nang school na tatanggap sa akin. Gusto ko lang naman kasi makagraduate." Ngumiti ng pilit si Hyeongjun. Tiningnan naman namin siya na parang naaawa pero tumawa siya. "Okay na ako ngayon. Sa katunayan nga marunong na ako magluto."

"Sige nga. Patikim nga." Sabi ni Jungmo na ikinatuwa ng lahat. Yan ang gusto ko. Pagkain.

"Sige ba. Bukas." Sagot niya.

"Saan ka ba nag aral noon?" Tanong ni Minkyu. Parang dumadaldal ang isang to ah.

"Sa Starship High." Bata pa nga siya. High school eh.

"You know what to do." Sabi ni Minkyu habang nakatingin sa tatlong barkada niya. Nagtinginan naman kami ni Hyeongjun kasi wala kaming ideya kung ano ang ibig sabihin ni Minkyu.

Produx  || l.md x c.jhWhere stories live. Discover now