Hannah's POV
Andito ako ngayon sa condo koooo! I'm here to surprise my bestfriends! Sila lang ang pinaka pinagkakatiwalaan ko, sakanila ko palagi nilalabas lahat ng hinanakit ko.
Sobrang saya ko nung nakilala ko sila. Kaya hindi ko kaya na mawala pa sila sakin! Hehe.Sabi nung Iba na hindi daw sila totoo kesyo plastik daw okaya manggagamit.Pero hindi naman ako naniniwala dun.Like,Hello?6 years na kaya yung friendship namiiinnn!Yeeeyyy!
Ngayong araw na ito ang pang 7th year namin!Kaya paghahandaan ko to!HAHAHAHA.
So eto yung plano.Since uso ngayon yung prank or may hidden camera chu chu!I-pa-prank ko sila!BWAHAHAHA kunyari natuklasan ko na bina-backstab nila ako!Tapos kapag umiyak na sila dun palang ako sisigaw ng 'It's A Prank!'
HuwaaAaaaAaaAa!Na-eexcite tuloy ako!Support nyo ako ah!Hehe,Go goooooo gooo!Ayus yung plano ko noh?Thank you!BWAHAHA echos!
Sinceeee,naligo naman na ako pupunta na ako ng maaaallll!Para bumili ng hidden camera tsaka Gifts!I just wear a Pink T-Shirt and white Shorts And I'm off to gooo!
.
.
.
-Parking Lot(Mall)-
So ayan!Andito tayo sa parking lot!Oh yeah!Ewan ko feel ko mag-car hehe.Oh diba may pa-car pa ako!Tara!Lakad na tayo!Hehe.
"Asan ba yung cellphone ko?Asan na yun?!"sabi ko habang kinakalkal ang aking sling bag nang may bigla akong mabangga.Isang matandang babae na kulay puti lahat ang suot.Weird.Creepy.
"Ay!Pasensya na po kayo lola!Hindi po kasi ako tumitingin sa dinaraana--"pero bigla nyang pinigilan ang paghingi ko ng tawad sakanya dahil bigla syang nagsalita.
"Iha,wag mo ituloy ang pina-plano mo.Dahil kapag itinuloy mo ito may masamang mangyayari"Whaaattt?!
"Po?Ano pong sinasabi nyo?Masamang mangyayari?Paumanhin po pero hindi po ako maniniwala sa mga sinasabi nyo."
Nakaka pitong hakbang palang ako ng muli syang nagsalita."Wag mong sabihin na hindi kita binalaan iha"
Ngunit paglingon ko ay wala na sya,nawala sya ng parang bula.
"Lola?Lola?Asan na po kayo?"Tanong ko habang iniikot ang paningin ko upang mahanap sya.
"Uh,Ma'am? Sino pong kausap nyo?"tanong ng guard sakin.
"Nakita nyo po ba yung lola dito?yung puro puti ang suot?yung kausap ko kanina?"Tukoy ko kay lola
"Po? Eh wala naman pong lola dito na naka suot ng puti.Sige po Ma'am,Alis nako."wika ng guard.
Aish!Makapasok na nga lang sa Mall.Okaya,Baka gutom lang ako.Haaay!Takaw-.-
Ayaaaannnn!Andito nako sa maaaallllll!whooo!Kala mo ngayon lang ako nakapasok eh!Waaaiiitt,Bili muna ako ng pagkain.Diba nga gutom ako?😂
Tapos nako kumain.Diretso nako sa bilihan ng mga small camera's na gagamitin ko sa prank!Ay hala!Bilisan ko na mag-seset-up pa ako eh!
Yeeeyyy!Uuwi na koooo!Excited na talaga ako na i-surprise sila.Tekaaaaaa!Si lola ba yun?Nakatingin sya diretso sa mata ko.At parang naririnig ko nanaman ang sabi nya kanina na Binalaan nya na daw ako.Aish!Guni-guni ko lang yan.Kaya pumasok nako sa kotse at umuwi na.
.
.
.
.
