Pustahan - I

1.4K 43 6
                                    




Student Lounge

"Simone are you sure na kayang gawin iyon ni Cane as in Catherine Anne? that ISKO girl?" maarte tanong ni Althea.

"Correction hindi na siya scholar because she failed to be part of dean lister. In short alanganin na siyang makapasok dito sa university!" segunda naman ng isa pang maarteng si Vanna.

Nanahimik lang si Simone sa pag-uusap ng dalawa habang seryosong nag-iisip ng malalim.

Sina Simone, Vanna at Althea ay kabilang sa hanay ng mga ALTA. Anak mayayaman at naghahari-harian sa UDV. Palibhasa mapera at magaganda kaya nilang paglaruan at utuin ang mga tao sa paligid nila. Lalong-lalo na ang mga taong kabilang sa ISKO o iskolar ng university. At ngayon si Cane na ang susunod nilang target. May nakapagsabi na matindi ang pangangailangan nito.

"O diba dapat maging masaya ka na Simone mawawala na dito ang matinding epal sa buhay mo! e ano itong binabalak mo!" sabi ni Althea.

Madalas kasing magkabangga ng grupo ni Simone si Cane dahil ito ang lang naman ang dumidepensa at malakas ang loob na kumalaban sa kamalditahan nila sa kapwa iskolar nito. Palibhasa kasi matalino at maabilidad si Cane hindi nila ito ma-bully.

"Malay natin this is the greatest revenge ni Simone sa babaeng baduy na iyon. Lalo na yung last time akala ko talaga masu-suspend na tayo dahil sa ginawa niyang pagsusubong! " sabat ni Vanna.

"Pusta ako hindi kaya gawin ni Cane yan, ni hindi pa nga ata nagkakaboyfriend yung promdi girl na iyon. Baka mamaya ma-fall pa iyong kay Ford..... ay mali talagang mafa-fall iyon. Sino ba naman hindi maho-hook kay Lemuel Ford Dela Vega. Kahit ata black sheep yun sa pamilya nila talaga naman makahulog panty ang karisma niya, mala bad boy ang datingan!" kinikilig pang sabi ni Althea.

"Pwede ba don't patronize him, malaki ang kasalanan nang lalaki iyon sa pamilya ko kaya kailangan may gawin ako. At si Cane lang makakagawa ng lahat ng iyon. Yaman din laman kailangan niya ng pera. Pera ang gagamitin ko para makaganti sa kanila ni Ford!" halata ang galit sa boses ni Simone.

"Speaking of the promdi girl hayan na siya Simone nandyan na ang new pet mo!" sabi ni Althea.

Napangiti si Simone nang makitang palapit na si Cane sa kanila.

"Simone ano naman ito?" halata ang irita sa boses ni Cane.

"Oppsss girl hindi ka namin pinapunta rinto para makipagbangayan sayo. Sa totoo lang ako pa nga ang magiging savior mo!" makahulugang sabi ni Simone.

"Pwede ba Simone wala akong oras para sa makipaglaro sa inyo. Pumunta lang ako dito para sabihin sa inyo na tigilan nyo ang pagkakalat ng tungkol sa akin na wala naman katotohanan!"

"Bakit Cane hindi ba totoo na nawalan ka ng scholarship at posibleng hindi na makapasok this coming sem?" saglit tumahimik si Simone para tingnan ang facial expression ni Cane. "Or gusto mong ipagkalat ko rin ang dahilan kung bakit hindi ka nakapag-take ng final exam mo? As far as I know your drunk the night before the finals with your friend Ellie!"

Napalunok dsi Cane sa sinabi nito.

"Naipit lang ako nun!" depensa ni Cane.

"Sabi kasi namin sayo noon pa yung Ellie na pinagtatanggol mo ay isang bitch!" sabat ni Vanna.

Buong pag-aakala kasi ni Cane na mapagkakatiwalaan si Ellie. Nang minsan kasing napagtripan ito ng grupo ni Simone siya ang tumulong dito para matigil ang ginagawang pagigipit ng grupo nito. Pero it turns-out na ito pa pala ang manglalaglag sa kanya. The night before the finals tumawag ito at nagpapasama sa bahay ng isang kakilala daw. Ayaw sana niya pero sadyang makulit ito kaya wala siyang nagawa kundi sumama dito. Buong akala niya may bibisitahin lang itong kaibigan pero party pala. Marami taoong nakikiparty doon at hindi maintindihan ni Cane ang pinah-uusapan nito dahil sa lakas ng tugtog. Doon rin niya nakita ang ibang side pagkatao nito. Si Ellie ay simpleng babae at malambing pero nung gabi iyon isa itong babaeng na tipong nakawala sa hawla. Ellie is worst kinaibigan lang pala siya nito para gantihan. May lihim na galit pala ito sa kanya dahil nakipagbreak ang boyfriend nito para ligawan siya. Nang gabi ginawa nito ang plano nito pinilit siya nitong uminum hanggang sa malasing dahilan para hindi na siya makapasok kinabukasan. Mahigpit pa naman ang UDV pagdating sa kanilang mga scholar. They won't tolerate yung pagiging iresponsible ng student. Ending hindi siya nakapag-final dahilan para tumagilid ang mga grades niya at magsuffer ang scholarship niya.

PustahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon