Chapter 1 : Salamat

94 3 0
                                        

Sky, Just Smile.

October 6, 2014

By :  Inday Wander 

An : 5-6 Chapters lang tong book 2. May book 3 pa to HAHAHAHA! ^_^ 

Enjoy! :)

-

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nakipagbreak ako kay Calvin. At isang linggo na rin ang nakakalipas pero nahihirapan pa din akong magmove-on eventhough I'm trying my really best to escape from this nightmare. Sariwa pa kasi ang lahat sa akin. Yung pamilyar na sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang dalawang masayang magkasama ay hindi matanggal sa sistema ko. Wala eh mahal ko pa din kasi.

Kumalat na dito sa buong campus na sila na ulit. Sinong hindi magduda eh samantalang laging magkasama yung dalawang yun. Canteen, library, school ground,school park pati yung office ng Dean ginagawa na nilang tambayan. Jusko! Paano naman ako makakamove on nito kung lagi silang magpapakita sakin. Kung hindi ko lang alam na sila talaga yung nagmamahalan eh siguro iisipin kong pinagseselos ako ng dalawang yun or nanadya para saktan talaga ako. Hay! Kaya nga hindi na ako natambay kung saan-saan para di ko na sila makita eh. So bale ang sistema ko araw araw is Bahay-School-Bahay. Mas maganda na kasi yung umiwas ka para kahit paano mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

Kahit may konting pagmamahal pa ako kay Calvin I decided to take a break. I'm slowly and smoothly moving on. Kailangan ko din 'to kasi nakakasawa ng masaktan ng paulit-ulit sa paulit-ulit na dahilan. Sa isang linggo na rin ang nagdaan ay tinatry akong kausapin ni Calvin, yes tama kayo ng basa. Tinatry niya akong tawagan, sa facetime, cellphone, viber, at skype. Chinachat niya rin ako sa Facebook at ang kulit din niyang magtweet sa twitter. Kaya naman I decided to block him from my accounts, part of moving on yon at hindi kabitteran. Gusto niya daw akong kausapin pero mas minabuti kong umiwas na lamang para walang gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay.

Monday ngayon and it means another hearthbreaking day. Kasi naman makikita ko na naman silang dalawa. Napabuntong hininga ako at iniling ag aking ulo. Tsktsk! Sky, kailangan mo ng magmove. Kaya mo 'to Sky Serano.

Kasalukuyan ako naglalakad papuntang classroom namin. Ngayon ko lang napagtanto na may exam pala kami ngayon sa Basic Statistic, ang pinakaayaw kong subject. Kasi naman sobrang hirap ng mga lessons, nahihirapan akong makipagsabayan sa mga classmates ko. Ang nakakaloka pa yung prof namin dun bukod sa terror ang bilis at nakakalito pang magturo. Tapos tuwing meeting 15 minutes niya lang iddiscuss yung lesson pagkatapos nun automatic quiz agad. Sinong estudyante ang matuto sa way ng pagtuturo niya. Inaamin ko naman na mahina ako sa Math pero sana diba pinaglalaanan niya ng mas matagal na oras yung pagtuturo niya hindi yung inaaksaya niya yung 2 oras sa quiz. Ang resulta tuloy out of 30 items na ibinigay niya below 15 lang nakukuha ko, siguro himala na kapag nakaka18 ako sa quizzez.

Hindi ko namalayang nasa pintuan na ako ng classroom. At automatic na naglanding ang mga mata ko sa kanya. Napaiwas ako bigla ng tingin ng marealize kong nakatinigin din pala siya sakin. Naglakad ako papuntang upuan ko. Alam niyo ba yung pinakanakakatawang part dito magkatabi lang naman kami ng upuan. Walang sinusunod na arrangement ng upuan. Nung first day naisipan kong umupo dito sa dulo, wala rin naman akong kaibigan kaya dito ako bumagsak sa dulo. At itong lokong to naisipang tumabi sakin magrereklamo sana ako nun pero hinayaan ko na lang din. Inilpag ko ang bag ko saka umupo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinignan ko siya sa aking gilid ng aking mata at nakita kong nakatungo siya. Hilig talaga nitong matulog.

"Uy Sky! Pahiram ako ng notes mo please. Hindi pa ako nagrereview dun sa iqquiz natin." Napapitlag ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Rhem, ngiting ngiti siya habang naghahabol ng hininga.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya sabay abot ko sa kanya ng notes ko.

Sinuklian niya ako ng ngiti kaya naman minura na naman ako ng dalawang dimples niya sa kanyang pisngi. Pati yung mga singkit niyang mata nakisabay din. Half chinese kasi tong si Rhem o Mikael Tan. Ang layo ng Rhem sa Mikael no? Tinanong ko siya bakit ganun palayaw niya sabi niya sakin wala lang daw gusto lang daw niyang maging unique.

"Ayos lang! Tumakbo kasi ako dahil akala ko late na naman ako" sabi niya sabay tawa ng malakas. Napangiti naman ako dahil kay Rhem. Napakahappy go lucky kasi nitong lalaking to eh. " Salamat talaga sa dito sa notes mo Sky, maasahan ka talaga" sabi niya sabay kurot ng pisngi ko.

"Aray naman, grabe ka makakurot" sabi ko sabay hawak sa pisngi.

"Ang cute mo kasi Sky" hindi ko alam pero biglang naginit ang pisngi ko sa sinabi niya. Minsan lang kasi akong makatanggap ng papuri mula sa ibang tao.

"Uyyyyy, nagblush" pangaasar niya. Magrereklamo pa sana ako ng makarinig kaming dalawa ng malakas na pagbagsak ng libro sa desk.

"Ang ingay. Kitang may natutulog eh" Sabi ni Calvin habang nakatingin ng masama sa... Akin? Sa akin? Anong problema nito. Napakunot ako ng noo.

"Sky, salamat na lang ulit. May natutulog pala" bulong ni Rhem sakin sabay ngiti at balik sa upuan niya. Napatingin ulit ako kay Calvin at nagulat ako dahil inirapan niya ako. Ano bang problema ng lalaking to?

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at tinuon ang atenson sa harap dahil dumatin na si Sir. Reyes.

"35 items quiz. Ready your 1 whole sheet of yellow paper." nakakatakot naman tong si Sir di man lang nag goodmorning para pang bawas kaba.

Kumuha ako ng yellow paper at ballpen. Tinignan ko ang kaliwa ko ang nakita ko si Rhem na nagrereview habang nakuha ng yellow pad niya. Napatingin naman ako sa kanan at nagtaka ako kung bakit di pa kumukuha ng yellow pad tong isa. Tss, oo nga pala. Di siya mahilig magdala ng kung anu ano. Kaya naman pumilas ako ng isang papel at inabot ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya. Kinabahan pa ako ng onti dahil baka hindi niya tanggapin. Buti na lang at mali ang pakiramdam ko dahil kinuha niya yon at nagsimulang magsulat ng pangalan niya.

Nagsimula ng magexam at hindi ako mapakali dahil hindi ko maintindihan ang nasa test paper. Tae naman o. Yung mga classmates kong nagsasagot na pati tong si Rhem at Calvin na mukhang confident sa mga sagot nila. Nakakaiyak naman talaga o. Sabay untog ng ulo ko sa desk.

"O" nagulat ako ng makita ko ang papel niya sa desk ko. May mga sagot at solution na don "Di kasi nagrereview e" sabay tungo niya sa kanyang desk.

Magrereklamo pa sana ako kaso biglang nagsalita si Sir na 15 minutes left na lang kaya naman hindi ako nag aksaya ng oras at kinopya ko ang nasa papel niya. Bwisit! Siya na matalino sa Math.

Natapos ang klase at nakakuha ako ng kalahating score. Di ko naman kinopya lahat dahil nakakahiya naman sa kanya.

Nagsialisan na lahat ng kaklase ko. At nakita kong paalis na din siya. Kaya bago matapos ang araw na 'to nilapitan ko siya at hinawakan sa braso para mapigilan. Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa aking katauhan. God! I missed him so much. Pero pinigilan ko yun. Kinuha ko ang palad niya at inilagay don ang isang pirasong potchie na nakatabi sa bulsa ko. "Salamat" sabi ko sabay takbo palabas.

Sky, Just Smile.Where stories live. Discover now