Sa isang lugar ng mga taong hindi naman mayaman hindi din mahirap kundi tama lang. May mag-asawa na masayang naninirahan sa may bulubundukin. Ang lugar nila ay may roong magagandang tanawin kaya't ang mag-asawang iyon ang nagprisinta na magtayo ng pahingahan para sa mga bisita. Tutal naman nasa bulubundukin sila at magagandang tanawin ang nakapaligid sa kanila.
Dumating ang araw na gigimbal sa kanilang mag-asawa. Habang sila ay naglalakad sa gitna ng daan pauwi may napansin silang babae na nasa gitna ng daan na nakatayo. Ang suot nito ay kulay itim na bistida at ang balabal na nakapalibot sa kanyang ulo ay itim din. Napatingin sa kanila ang babae at napahinto sila sa paglalakad. Pansin nila na napatingin ito sa tiyan ng babae. Kaya sumigaw ang lalake.. "Sino ka ba?! Ano ang pakay mo?!"
"Hahahahaha!" Tumawa bigla ang babaeng nakaitim ngunit sumimangot bigla. "Hindi mo ba ko nakikilala mahal?! Ako yung una mong minahal! Ako yung una mong iniwan! Ibinigay ko sayo lahat ng pag-ibig ko! Umalis ka at nangako kang babalik at umasa ako! Pero ano?! Pinuntahan kita kung saan ka ba talaga nagpunta at may kasintahan ka na!" Bigla niyang tinuro ang asawa ng lalake. "Kasama mo yan! Tapos itinanggi mo pa ko sa harapan niya! At sa mga tao! Pinalabas mo na nanggugulo lang ako!? Tumagos sa puso ko lahat ng iyon!!!" Napatingin muli siya sa tiyan ng babae. "Kabuwanan na niya..."
"Huwag ang anak ko!" Sigaw ng babae.
"Hahahaha!!!" Tumawa muli ang nakaitim na babae at nagbago na naman ang eskpresyon ng mukha nito. "Isinusumpa ko! ISI.NU.SUM.PA. ko! na ang buhay at alala ng inyong magiging anak ay nakasalalay lang sa isang puno. Puno na may dahong kulay rosas! Tuwing may malalagas na dahon mawawala ang alaala niya noong nagdaang araw at kapag nalagas lahat ng dahon. . . . ." Bigla niyang pinitik ang malaki at maliit na daliri niya at umalis siya habang tumatawa.
"Hindi!! Hindi ang anak ko! Ako na langg!!" Sigaw ng pinaghihinagpis ng isang Ama.
Nangamba sila sa nangyari at pinasuri kung may namungang puno na ang dahon ay kulay rosas dahil pangangalagaan nila iyon at gagawin ang lahat upang hindi malagas lahat ng dahon. Ngunit ang mga sinabihan nila ay walang makita.
Dumating ang araw ng isa sa pinakamasayang araw para sa kanilang mag-asawa. Ang isilang ang una at nagiisa nilang anak. Ngunit. . .Namatay ang asawa niya sa panganganak. Sa ilang araw ng isilang ang kanilang anak at sa araw ding iyon na ilibing ang kanyang asawa. pagbalik nila sa kanyang bahay habang bitbit niya ang kanyang anak sinalubong siya ng mga kinausap niya tungkol sa puno at sabi sa kanya..
"May nakita ho kami Manong Larry! Tumubo po iyon sa harapan ng pahingahan na ginawa po natin! Sa may kabilang kalsada sa may gilid ho ng bangin."
"Ganon ba... sige maraming salamat." Pagpapasalamat ni Larry at umalis na ang kinausap niya. Dali-dali naman niyang pinuntahan ang sinabi ng kinausap niya.
Nang pagkita niya... nagniningning ang kulay rosas na dahon nito ng puno.
Nilapitan niya ang puno at hinawakan ng kanang kamay niya ito habang bitbit ng kaliwang kamay niya ang anak niya. Tumingin siya sa mga mukha ng kanyang anak habang natutulog ito.
Ngumiti siya habang natulo ang mga luha niya. "Hindi ka na napangalanan ng Ina mo.. kaya ako na ang magpapangalan sa iyo... Ang ipapangalan ko sa iyo ay Seresa."
🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹
YOU ARE READING
Deleted (tagalog)
RandomIsang babae na isinumpa ng isang kaaway ng kanyang Ama at ang sumumpa ay ang unang naging kasintahan nito. Isang sumpa na nakataya lang ang alaala at buhay nito sa isang puno pero kahit ganoon ay positibo at mapagmahal pa din siya. Isang lalake nama...
