Chapter 1

27 0 0
                                    


Tammi's Pov.

This is it na talaga! Papasok na ako sa dream school ko para lang makita ang dream boy ko. Im so excited!

Matagal tagal ko na din itong pinapangarap pero dahil nga mahirap pa kami sa daga sa public ako nag aral. At ngayon dahil nagkayod kalabaw ako nong bakasyon nakapag enroll ako dito sa school nato kung saan nag aaral ang mahal kong si Lendon.... Wha!!!! This is it na talaga!

Papasok na sana ako ng gate ng bigla nalang meron umakbay saakin at ng tingnan ko kung sino ito si Sion lang pala.

Si Sion na ang bestfriend kong mayaman, gwapo, cute, mabait, matalino. Taray diba? Ang isang tulad ko na mahirap pa sa daga meron bestfriend na mayaman, ay hindi pala mayaman kundi sobrang yaman!

"Sabay na tayo" aniya.

Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay niya sakin, kasi nga baka makita kami ni fafa Lendon ko, at baka magselos yun. Chos! Buti sana kung kilala niya ako. Kapal muks ko talaga.

"Talagang tinuloy mo ang pagpasok mo dito sa Golden High" natatawang sambit niya.

"Wala kang paki!"

"Ay sungit! Buti sana kung maganda, hindi naman" bulong niya, pero narinig ko pa din.

Tinignan ko naman siya ng masama. Anong klaseng kaibigan to? Hindi nagagandahan sa bestfriend niya, sakalin ko kaya to ng matauhan siya.

"Joke lang! Ito naman parang hindi mabiro. Maganda ka syempre, ikaw pa ba!"

"Alam ko"

"Ay! Hehehe... Nga pala kakanta kaba mamaya sa resto?" Biglang tanong niya sakin.

Napailing naman ako.

"Bakit?"

"Walang magbabantay kay kokay mamaya" aniko.

"Nanay niya pala?" Takang tanong niya.

"Meron ng trabaho e, Monday to Friday"

"Eh pano yan? Twing Saturday and Sunday ka lang papasok?"

"Oo" tipid kong sagot.

"Sayang naman"

Talagang sayang! Kasi kumikita kaya ako sa resto nila Sion ng 5000 twing gabi, tapos libre pa pagkain at hatid sa bahay, hinahatid ako ni Sion e. Sweet niya no? Sana pag naging kami ni fafa Lendon mas sweet pa siya kay Sion.

Bigla naman akong kilinig hindi dahil sa kinikilig ako kay fafa Lendon kundi dahil ihing ihi nako.

"Sion san ang cr dito?" Biglang tanong kay Sion habang naglalakad kami.

"Doon sa dulo"

Agad naman akong tumakbo  papuntang cr at ng pagpasok ko sa cr punong puno naman yung salamin ng mga babaeng nagpapakapalan ng make up. Grabe, may pageant ata. Kaloka tong school nato, fist day of school may pageant. Makapag audition nga mamaya, baka salikang makita ako ni fafa Lendon at tutulo ang laway niya sa sobrang ganda ko.

Pumasok naako sa isang cubicle at Syempre nagmadaling mag hubad ng short at nagwiwi.

Lumabas na ako ng cubicle ng naabotan ko pa din nagpapakapalan ng mukha ang mga babae. Grabe! Grabe!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tammi Tricks (para mapansin ni crush)Where stories live. Discover now