PART 2: Welcome to SKY ACADEMY

27.2K 584 32
                                    

PROLOGUE

3rd Person POV

"anong gagawin nyo sa mommy ko !" awat ng batang babae sa taong sumasakal sa kanyang ina.

"hahahahahahahah"tawa lang ng lalaki sa bata habang sinasakal parin ang kanyang ina.

"maawa na po kayo sa mommy ko ,, bitawan nyo po sya ! mommy"tawag ng bata sa kanyanh ina habang umiiyak , hinahampas ng bata ng dalawang kamay nya ang taong my hawak sa kanyang ina.May binigkas naman ang lalaki pero hindi ito maintindihan ng bata.

"ㄑㄧㄋㄗㄟㄧㄒㄑㄎㄎㄊㄛㄠㄋㄠㄡㄋㄨㄌㄘㄋㄧㄍㄙㄋㄜㄎㄕㄟㄇㄇㄠㄟㄨㄋㄨㄎㄧㄏㄧㄑㄧㄑㄧㄑㄛㄊㄢ " bigkas ng lalaki sa kanyang ina bigla namang umilaw ang kamay ng lalaki ang hinarap sa kanyang ina at biglang nawala ang lalaki.

"aaaa-n-ak ! ok lang si mommy wag ka ng umiiyak eto kuhanin mo to babalik si mommy wag kang magalala tandaan mo mahal na mahal kita."binigay ng kanyang ina ang kwintas sa bata at itinaas nito ang kanang kamay at lumilaw ito naglabas ito nga matinding liwanag at hinigop ang bata ng liwanag.

*hmmmm*

*hmmmm*

*hmmmm*

"Emily ! Emily ! gising ! Emily ! " yugyog ni manang flor kay emily. Habang abala kasi ang matanda sa pagaayos ng gamit ni emily ay may narinig syang umuungol napansin nito ang dalagang umuulong at pawis na pawis .

"huhuhuhuhuhuhu"nagising ang dalaga umiiyak ito ng hindi naman alam ang dahilan.

"emily ! bakit anung nangyari sayo ?? " tanong ng matanda habang niyayakap si emily.

"may nakita po kasi ako sa panaginip ko ..... huhuhuhuhuh ... isang lalaking ngkaitim pero hndi ko maaninag yung mukha nya pati na ang hinasakal nito babae habang yung bata ang umiiyak " pagkukwento nya hindi parin nito mapigilan ang iyak.

"hssssss ! tahan na panaginip lang yun " wika ng matanda habang nakayakap parin kay emily,tumahan naman ang dalaga at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Pumasok si emily sa Cr para ayusin ang sarili dahil ngayon ang punta nya sa bago nyang iskwelahan.

*beep*

*beep*

*beep*

businan ng kotse sa labas ng bahay nila dahil kanina pa naghihintay ang mga magulang nya sa baba dahil sila ang maghahatid sa dalaga.

"honey ! pagkapasok nya ay unti-unti nyang malalaman kung sino talaga sya " wika ng ginang sa kanyang asawa .

"ito na ang simula ng lahat"tugon naman ng asawa nito .

Tapos ng magayos si emily pababa na sila ni manang flor ngunit bakas parin sa dalaga ang takot nya dahil sa panaginip nito hindi na lang ito pinansin ng matanda at nagpatuloy na sa paglalakad nakarating na sila sa gate .

"emily ! wag ka ng magalala magiingat ko dun ah ! " at yumakap ang matanda sa dalaga at gayun din naman ang dalaga.

"opo! manang magiingat din po kayo " at bumitaw na ang dalaga at pumasok na sa loob ng sasakyan .

Nagsimula na silang bumiyahe muli namang natulog ang dalaga dahil sa haba ng biyahe.

"wow ! parang lumilipad yung sasakyan ah !" isip ng dalaga sa kanyang sarili at muli na itong natulog.

"Emily ! anak andito na tayo " gising ng ginang sa kanyang anak na mahimbing na natutulog.

"hmmmm"tanging tugon ng dalaga sa kanyang ina

Sky Academy & The Hybrid WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon