Prologue

141 3 0
                                    


"Cloud... punta tayo Maya sa bar?" Jonas.



"Di pwede, uuwi si Mimi mamayang gabi." Ako sabay buga ng usok ng sigarilyo.




Ako nga pala si Cloud Davids, 23 years old.. Gwapo ako, habulin ng mga babae. Cloud the Heartthrob ang bansag sakin dito sa university namin.







Nursing Student ako dito sa *toot* University, actually graduating na'ko ei... akalain mo yun kahit na madalas akong mag cutting at walang project gagradate padin ako?







Tsk tsk ...





Iba na talaga pag may pera.







"Talaga? Si Mimi? pwede ko ba syang makita?" -Jonas.









"Letse, manahimik ka Jonas... wag mong idamay ang kapatid ko sa kalokohan mo."



"Hindi naman ahh...."


Si Jonas ang isa sa dalawa kong matalik na kaibigan. Tulad ko Nursing Student din itong kumag na ito, sya ang playboy sa aming magkakaibigan at alam kong type nya ang nag iisa kong kapatid na babae.




"Alam kong type mo si Mimi, jonas. Ngayon palang sinasabi ko na saiyo, layuan mo ang kapatid ko"

"Ano kaba, parang kapatid lang din ang turing ko sa kanya no... Gusto ko lang naman makita si Mimi halos 2 years din simula nung umalis sya... Teka nga Bakit nga pala biglaan ata, diba graduating din sya?" - Jonas.








"Dunno." - Ako sabay pikit, nandito kami sa rooftop ng Building para sa mga nurse student. Dito ang tambayan namin pag break time at pag naiisipan naming mag cutting.

*Dinggggg Donggggg.. (School Bell's Ringing.")

"Ano papasok ba tayo?" - Jonas

"Dito lang ako, ikaw kung gusto mo pumasok, pumasok ka." - Ako habang pinapanuod ang mga istudyante sa baba na nagmamadaling pumasok.

"Okay, papasok ako.. baka makarating na Kay Mommy pag nag cutting pa ko... Babalik na lang ako mamaya."

I just nod then yawn (-o-) .

Inaantok kasi ako, at baka pag pumasok ako makatulog lang ako dun para kasing Lullaby yung mga boses ng profs ei.

Hihiga na sana ako at may mahagip ang mga mata ko.

Sa puno malapit sa baba, may isang babaeng nakatayo.. hindi ko msyadong makita ang mukha nya dahil nasa rooftop ako at nasa ground floor sya.. Pero halata na maganda ang babae base narin sa kinis at puti ng mga balat nya.

Brown ang kulay ng buhok nya at mahaba ito. Naka mini dress din sya.. San kaya galing tong babaeng ito at ganyan ang suot?

Napasmirk ako, maganda to... tatawagin ko sya para may kakwentuhan ako dito, mukha namang bago sya dito, halos kilala ko ang mga female student dito sa University di man sa. pangalan Pero sa mukha oo.

I was about to call her when my phone rings. Tinignan ko muna kung sino ang istorbong ito at napakamot ako ng ulo ng makita ang caller.



Divina..





Ang masugid kong stalker, tsk tsk.. kahit kelan talaga itong babaeng ito panira ei. In-end call ko agad at muling tumingin sa baba para muling tawagin yung babae Pero wala na sya.

Nasan na kaya yun? Ang bilis naman nyang na wala tsk tsk.... sayang yun ahh, di bale, mag kikita pa naman siguro kami....







SinokayayungnakitaniCloud? Magkikitapakayasila?



_________________________*************************___________________




Waaahh sana po kagustuhan nyo, Please please like and vote, and of course comments please?

Pag madami daming nag like, I'll post the next update as soon as possible.,

BhabyJhayrine ^-^

My Beautiful GhostWhere stories live. Discover now