Panimula

249 39 4
                                        

"Mahahanap mo rin ang lalaking para sa'yo. Hindi man ngayon pero malay mo nasa tabi mo lang."

Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko nang makita ko ang lalaking lumitaw sa harapan ko.

"Hoy, fuck, sino ka?" kinusot ko pa ng dalawang beses ang mata ko pero nasa harapan ko pa rin siya.

"Secret, bawal ibulong." nakita ko namang natawa pa siya kaya naman mas lalo akong nainis.

"Bakit ka nandito at paano ka nakapunta dito?" pagtatakang tanong ko nang hindi ko pa rin malaman kung bakit siya lumitaw. Hindi niya ako pinansin sa halip ay naglakad pa siya palabas sa terrace.

"Ang ganda naman dito. Hindi ganon kaliwanag pero tignan mo, ang daming stars sa langit. Ang liwanag pa ng buwan." nakangiti siya habang nililibot ang mata niya.

"Why are you here?" tanong ko ulit sa kanya.

"Wala. Basta mahahanap mo rin ang lalaking hinihiling mo. At magiging okay ka rin balang-araw. Huwag kang susuko at mawawalan ng pag-asa. May isang taong nakalaan sa iyo para tuluyan kang sagipin sa pagkalunod mo sa nakaraan." tipid lang ang sinabi niya habang patuloy niya pa rin nililibot ang mata niya.

Nilibot ko rin ang mata ko, malalim na ang gabi ngunit malinaw pa rin sa aking pandinig ang mga katagang binitawan ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam ngunit may punto ang bawat salitang sinabi niya. Alam kong darating din ang isang araw na may tutulong sa akin para makawala sa alaala ng magulang ko.

Pero paano? Kung kahit kanino, hindi ko kayang ikuwento ang sinapit nina mom at dad nang dahil sa akin.

"Ano ba kasing concern mo? As far as I know, hindi kita kilala. Bigla ka na nga lang sumulpot diyan, malay ko ba kung magnanakaw ka." I rolled my eyes saka tinalikuran siya.

"Alam mo binibini, maganda ka sana, kaakit-akit ngunit alam mo kung ano ang panget sa iyo? Ang ugali mo" at hindi na niya nga napigilan pang tumawa.

"Aba, iba na ang sigurista, bigla ka na lang kasing dumating tapos may sinabing kung ano-ano. Teka nga, sino ka ba? You judged me as if you know me very well." tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Secret nga eh. Alam mo makulit ka rin ano?" mas lalo pang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.

"What the hell? You want me to call a police? Hindi ka ata madaan sa magandang usapan. Leave or I will report you for trespassing?" pagbabanta ko pa sa kanya. Nakita ko pang napataas siya ng dalawang kamay.

"Easy, hindi ako magnanakaw. Sa gwapo kong 'to pagkakamalan mo akong magnanakaw? Nandito ako kasi may gusto lamang akong sabihin. Alam ko na matagal mo nang gustong makita ang lalaking hinihintay mo. Malapit na siyang dumating. Huwag kang mag-alala. Ang sabi ng dyosa ay hinahanap ka rin ng binatang iyon. Matutulungan niyo ang isa't isa."

Akmang babatukan ko na siya nang bigla siyang nawala. Napahawak naman ako sa bibig ko sa sobrang gulat. What kind of witchcraft is this?!

"Nasaan ka na? Tangina." sigaw ko pa. Nilibot ko pa ang paningin ko pero wala na siya doon.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa dahil sa wakas ay nilubayan na niya ako. Hindi ko na rin natanong ang pangalan niya pero sino nga ba talaga siya? Sino ang lalaking iyon? Anong klase siyang nilalang at bakit parang kilala niya ako?

Hindi ko rin masyado nakita ang mukha niya. Naguguluhan pa rin ako sa mga sinabi niya.

Sinong diyosa?

At bakit nawala siya na parang bula?

Minamaligno na ata ako!



Author's note:

Magandang araw po! This is the first time na gumawa ako ng story. Sana po basahin niyo 'til the end. And sana po magkaroon kayo ng malaking part sa story na ito. Salamat po!

Dear MoonWhere stories live. Discover now