Part 3

1.2K 65 2
                                    

Napaurong si Hazel palayo nang mapatingin siya mukha ng lalaki at mapatitig mga mata nito. Medyo malayo ang distansya nila sa isa't isa, ngunit sapat na iyon para mapansin niya para maintindihan ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. Mga tingin na walang buhay. Walang emosyon. At walang ibang ibinibigay sa kanya kundi ang pataas nang pataas na lebel ng takot para sa sarili niyang buhay.

The way he was looking at her direction...the utter disgust and hate those eyes of his showed her...

His hand moved and the rope he was holding whipped through the night and unto her direction. Napasigaw si Hazel nang maramdaman ang pagkapit ng naturang bagay sa beywang niya. Mainit iyon. Masusunog din ba siya gaya ng nangyari sa mga nilalang ng dilim na nakita niyang naging biktima ng mahiwagang latigong iyon? No, she won't die like those horrible creatures who killed her friends! Sinubukan niyang tumakbo palayo, para lang makaharap uli ang nilalang ng dilim na nakaumang na sa pag-atake sa kanya na nasa likuran pala niya. Katapusan na talaga niya, kung hindi lang niya naramdaman ang malakas na puwersa mula sa latigo na nakapulupot sa baywang niya.

The strong force pulled her back and she felt like flying in the air before someone caught her. It was the man who was holding the rope, and he was holding her tight now, securing her with his other hand against his strong and solid body as he strike the creatures who were coming in from different directions now.

Bawat isang nilalang na iyon na nagtatangkang lumapit sa kanila ay sinasalubong ng latigong muling nagliliwanag sa tuwing tatama sa mga umaatake sa kanila. Naghahalo na ang ingay ng mga nilalang ng dilim at ng tunog na hatid ng paghampas ng latigo sa hangin, kasabay ng mga huling sigaw ng kanilang kalaban bago tuluyang maging abo ang mga ito. Walang magawa si Hazel kundi ang manatili sa mga braso ng kanyang misteryosong tagapagtanggol habang walang kaemo-emosyon nitong inuubos ang mga umaatake sa kanila gamit lang ang isang kamay nito at ang nagbabagang latigo na iyon.

Naramdaman niya ang pagtalsik ng malalamig na likido sa kanyang balat kaya ibinaling niya sa ibang direksyon ang kanyang mukha. Napatingala siya sa mukha ng kanyang bayani. He was the most handsome man she had ever seen, even with the traces of blood on his face. Even with his cold expression. The coldest she had ever encountered in her life.

He was really making her feel terrified of her life, but Hazel also couldn't help but mesmerized with this mysterious man.

Muling namayani ang katahimikan. Alam ni Hazel na tapos na ang laban. Pero hindi niya magawang alisin ang kanyang atensyon sa pagmamasid sa mukha ng lalaking nagligtas sa kanya. Hanggang sa mapansin yata siya nito at ibaling sa kanya ang tingin nito. He looked down at her with those cold and soul-less eyes of his, and fear once again gripped her heart that she broke free from him and started running away.

Hindi nga lang siya nakalayo agad dahil may mga nilalang pa na nakita siyang isa-isa ring lumabas sa may kadilimang bahagi ng kalyeng iyon. Sa takot ay bigla siyang napatakbo pabalik sa pinanggalingan. Huli na para bawiin ang naging desisyon dahil muli niyang naramdaman ang paghapit ng braso sa kanyang baywang. Sa pagkakataon lang na iyon, hindi na siya nagpumiglas na lumayo. Kailangan niya ang misteryosong lalaki para muli siyang ipagtanggol kung sakaling atakihin siya ng mga bagong dating na estranghero.

And speaking of those strangers...they were at least nine of them in front of her now, all dressed in body-hugging black leather clothes, and in the flickering lights of the nearby lightpost, she noticed there were also traces of dripping liquid in them. Blood. Hazel knew those were blood, just like the mysterious guy had in him. And just like that guy, the eyes of these people in front of her also looked like life had gone out of them. There was no sign of any emotion, but there was no doubt they were alive.

Natatakot siya sa mga ito. Buhay man kasi ang mga ito, pero parang itinapon na ng mga ito ang pakialam kung mabuhay man o mamatay sa tinahak na digmaan na katatapos lang na pagdaanan.

"That's enough, Leon," wika ng isa sa mga ito.

The guy was talking to the man who was still holding Hazel. And she felt his grip on her got tigther, the whip on his hand started glowing, before it flew on the darker side of the alley on their left. Narinig ang pamilyar na ingay ng nilalang ng dilim kaya napalingon doon si Hazel. Nakapulupot na sa ulo ng nilalang na iyon ang latigo na mas lalong nagliliwanag habang tila unti-unting humihigpit at dinudurog ang bungo ng biktima niyon. Di gaya ng mga unang nangyari kanina na basta na lang nagiging abo ang tamaan ng latigong iyon, ang nilalang na iyon ngayon ay tila ba tino-torture muna nang dahan-dahan sa pinakamalupit na paraan.

For a moment there, Hazel felt sorry for the creature.

"It's Dolores' last night, Leon. We need to be there..."

The whip glowed even more, and Hazel could feel the heat coming from it. The creature screamed one last time before Leon flicked the whip, finally burning the creature down.

Doon na rin naramdaman ni Hazel ang pagluwag ng pagkakahapit sa kanya ng braso ni Leon. Gusto pa rin niyang tumakbo palayo, pero alam niyang kailangan niyang magpasalamat kahit paano dahil iniligtas siya nito. Ngunit paglingon niya sa kanyang bayani, nakita niya ang pagbabalik ng emosyon sa mukha nito.

Those sad, sad eyes...

But he suddenly turned to her with his gaze once again, and the fear she felt earlier for him, went back with such force that she moved away from him. Pero hindi na siya nito pinansin at walang imik na itong naglakad patungo sa mga kasama nitong naghihintay. Isa-isa na ring naglakad palayo ang mga kasama nito, kaya si Hazel na lang marahil ang nakakita nang hawakan ni Leon ang mukha nito.

He looked like he was on a lot a of pain. And then that glow of silver light on the side of his hair... The small light was enough for her to see the evil look on his eyes when he slightly turned to her. The silver light was gone in seconds, and he was gone in the darkness once again.

Napayakap sa sarili si Hazel. Nanginginig ang buo niyang katawan. Mas matindi pa ang takot na nararamdaman niya ngayon sa kahit na anong takot na naranasan niya sa nagdaang ilang minuto ng buhay niya. Nanlalamig ang buo niyang katawan at hindi niya mapigilan ang mapaiyak na lang.

Those eyes...

That evil, sinister look...

Mahigpit niyang hinawakan ang ulo at mariing sinabunutan ang sarili sa pag-asang mawala sa isip niya ang alaala ng mga mata na iyon. Ng mga tingin na iyon.

Right now, she felt like she would prefer to die in the fangs of those creatures who killed her friends, than to continue living and not forgetting the look of that man, his eyes and his gaze.

Hazel's scream filled the cold night and echoed the empty dark street.

Kinabukasan, laman na ng balita ang isang babae na naabutang tulala sa gitna ng isang kalye. May mga bakas ng dugo ang katawan nito pero wala nakita ang mga pulis na nag-imbestiga ng kahit na anong indikasyon na may nangyaring krimen ng nagdaang gabi sa lugar na iyon.

Club X 3: Curse Of The Dark (regular updates)Where stories live. Discover now