Part 1

4.8K 93 4
                                    


MALAKAS NA NAPABUNTUNGHININGA si Hazel nang maramdaman ang kakaibang lamig ng gabi.

"Bakla, ang lalim nun, ah. Parang pahiwatig na iyon na ang huli mong buntunghininga."

"I will miss you, friend. Sa akin mo na lang ipamana ang lahat ng kayamanan mo, ha? Wait. Meron ba?"

"Ang lalandi nyo." Hinablot ni Hazel ang buhok ng dalawang kaibigan.

"Aray, bakla! Anong kinalaman ng mga sinabi namin sa kalandian namin, ha?" Sinabunutan din siya ni Annie.

"Oo nga!" Nakisabunot na rin si Wena. "Ikaw dyan ang malandi, 'no? Pinalo mo nga ang mga kamay namin nang abutin namin ang kamay ni Rookie."

Nakalimutan na nila ang sisihan at sabay-sabay na kinikilig na nagsigawan nang mabanggit ang pangalan ng bokalista ng paborito nilang banda. Sa club na pinanggalingan nila kanina ang gig ng naturang rock band. Akala nga nila ay hindi na matutuloy ang event dahil sa mga kumakalat na kung ano-anong masasamang balita sa telebisyon at social media. Mabuti na lang at nayaya niya ang mga kaibigan na tumuloy dahil iyon na lang ang tanging pagkakataon na mapapanuod nila ang paboritong banda nang hindi gumagastos nang husto. Ginto kasi talaga ang concert tickets ng Black Moral. Good thing they heard about that special gig that night, na hush-hush lang na topic sa sirkulo nilang mga die-hard fans ng banda.

"Puwede na akong mamatay," sambit ni Wena na nakatingala sa madilim na kalangitan. "Na-fulfill ko na ang ultimate dream kong makanuod ng live performance ng Black Moral."

"Ako din!" sigaw ni Annie sabay tawa. "Drinking my favorite cocktail drinks while jamming to my favorite band...that was 'the' life."

"Night Of Bloodbath was the best moment of my life!" Inakbayan ni Hazel ang mga kaibigan. "I love you, guys!"

Sabay-sabay pa silang kumanta sa saliw ng paborito nilang rock song habang naghi-headbang gaya ng walang humpay nilang ginagawa kanina sa harap ng stage ng banda. Hindi talaga sila nagsisi sa pagpunta sa Night Of Bloodbath sa kabila ng mahigpit na bilin ng mga tao sa paligid nila na huwag silang lalabas pagkagat ng dilim. They had been camped in the four corners of their apartment for more than two years now. Dahil nga sa ganong klase ng paalala. No more night outs, no more clubbings. At nababato na silang magkakaibigan. Kaya nang gabing iyon, pinagbigyan na nila ang mga sarili.

Night Of Bloodbath was the band's signature surprise live performances that just suddenly turned out anywhere. Nagkalat sa social media ang mga kuha ng mga fans na um-attend sa event. Na talaga nga namang kinaiinggitan ng lahat ng fans. It was so rare to see Black Moral do a full-length concert, and even more rarer to see them perform at small venues, usually at a club house. But it was also the most amazing experience any fan could ever have.

The whole club would be filled with flickering red lights while the band's heavy rock band music was blasting on all corners of the place. The effect of those red lights was like a scene on a gore movie, swimming or drowing in red blood, thus the name Night Of Bloodbath.

After a long time of being stuck inside the house for a long time, night after night, being fed with those creepy stories about sightings of unusual creatures stalking people at night, being able to breathed out into the night again after having a blast with their favorite band's music, yes...it was the best.

At puwede ring sabihin na puwede nga rin silang mamatay talaga.

But, of course, that was just a joke.

"Pero, guys, napapansin nyo ba na parang...ang weird ng paligid natin?" mayamaya'y sambit ni Wena. "Wala akong napapansin na mga pagala-galang mga stray animals."

"Pusakal at askal lang ang mga stray animals dito, girl," wika ni Annie. "Kung magsalita ka naman parang may mga elepante at dinosaurs na gumagala rito, ah."

"Hindi nga, friends. Pansinin nyo, o. Pati itong street na nilalakaran natin. Ang super tahimik. Kahit simoy ng hangin, hindi ko maramdaman."

"Super lasing ka lang kasi, beh," tinawanan pa ni Hazel ang mga kaibigan. "'Lakas mo kasing uminom. Parang tubig lang 'yung mga in-order nating cocktail drinks, eh."

"Gaga. Ikaw kaya halos ang lumaklak nun."

"O, kita mo 'yan? Sa sobrang kalasingan mo, hindi mo na matandaan ang tamang detalye ng mga nangyari kanina."

"Friends, wait lang. Parang may...sumusunod sa atin..." pansin ni Annie.

"Ow em gee. You are all so lasheng na talaga, mga mamshies." Nauna nang maglakad si Hazel dahil panay pa ang lingon ng mga kaibigan niya sa likuran nila kaya napapabagal lalo ang lakad nila. "Hanap na lang tayo ng coffeeshops na bukas pa nang makapag-kape muna tayo bago umuwi..." Napatingala siya sa nadaanang poste ng ilaw sa kalyeng iyon dahil bigla na lang iyong namamatay-sindi. "Nyeta 'tong mga ilaw na 'to. Kailangan talaga pagdaan ko pa saka nag-ganyan-ganyan?" At tuluyan na ngang namatay ang ilaw. "Pakyu ka! Sumindi ka!" Sinipa niya ang poste. Muling nagliwanag ang paligid. "Pakyu 'to. Guys, bilisan na nga natin at napa-praning na ako sa lugar na 'to. Bakit ba kasi tayo dito dumaan? May pa-shortcut-shortcut pa kasi kayong nalalaman e nakalimutan na yata ng mga normal na tao ang daanan na 'to..." Napalingon si Hazel sa likuran niya nang mapansin na hindi na niya naririnig ang boses ng mga kaibigan. "Guys...?"

Wala na rin kasi roon sina Wena at Annie. All that was left there was another flickering post light, just 'one' flickering post light, and under it was Wena's familiar one pair of sneakers. Gumapang ang kakaibang kaba sa dibdib ni Hazel, lalo at hindi niya maaninag ang tanawin paglagpas ng aandap-andap na ilaw ng poste na iyon. Napakadilim na kasi roon at wala na siyang makita ni anino.

"Hoy, mga bes, huwag nga kayong magbiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa 'yan. Sasampalin ko kayo kapag nakita ko kayo..." She stepped out of the light she was under, and her eyes squinted when she finally noticed something was moving on the darker part of that street. Dahan-dahan pa siyang lumapit para mas lalong makita ang mga kaganapan. "Wena? Annie? Guys...?"

Pakiramdam ni Hazel ay nagtayuan ang mga balahibo sa kanyang batok nang maaaninag ang ka-paa ng sapatos ng kaibigan na nakita niyang naiwan sa harapan niya ngayon. Annie's familiar ripped jeans was barely visible in that darkness, but Hazel could easily recognize it was her friend because Annie was still wearing the other pair of her shoes. Napansin na rin niya ang pamilyar na pigura ni Wena di kalayuan kay Annie, na gaya ng huli ay parehong nakahandusay sa sementadong kalye ang mga ito. And dark figures moving in the dark, as if they there on to her friends, as she heard those weird sounds of something ferociously feeding on a delicious meal. Alam niyang kailangan niyang umalis agad sa lugar na iyon, lalo at ramdam na ramdam niya ang panganib na hatid ng eksenang iyon para sa sariling kaligtasan. Ngunit tila ba may kung anong pumipigil sa kanya at hindi niya maigalaw ang mga paa para mabilis na lumayo.

She saw her friend's limb moved a little, making her flinched. Her heart was beating so fast, it was starting to get hurt. Her breathing was becoming labored as the seconds passed by, and she was breaking in cold sweat from the kind of fear she never thought she would ever feel.

"W-Wena...Annie..." pabulong niyang sambit sa pangalan ng mga kaibigan. Naiiyak na siya sa kakaibang takot na iyon na nararadaman. Pero hindi niya magawang iwan ang mga kaibigan...

Napansin niya ang tila pagbabago sa temperatura ng paligid. Kasabay niyon ay ang tila paghinto ng kakaibang tunog mula sa pinagmamasdan niyang eksena sa harapan niya. Pero imbes na makahinga nang maluwag ay nadagdagan lang lalo ang hilakbot ni Hazel nang unti-unting kumilos ang itim na mga pigurang iyon.

Three pairs of blazing red eyes now turned their attention on her.

Club X 3: Curse Of The Dark (regular updates)Where stories live. Discover now