4: The Council, The War freaks and The Pervert

Start from the beginning
                                    

Ako ba may kasalanan?

“Mga kuya… Di ba wala tayong ginawang masama dyan kay Mr. Taro?”

Lumingo sa’kin yung mga nakabugbog ko at dun sa lalaki.

“Ah..O-oo.. Pres. Nahimatay sya dahil dun sa knives.” Sabay-sabay na sabi ng may mga malay pa.

Siya pala ang President ng Student Council. Siya na pala yung tinilian ng mga estudyante kaninang umaga? Kaya pala… Ubod ng gwapo eh… Pero mukhang masungit….

“Take a seat. I’ll get back to you guys later. Kayo naman, fill-up the forms.” Tukoy nya sa naunang grupog nagawayan.

Umupo na kami sa sofa. Sa upuan, si Gino at ako. Since hindi naman kasama si Lot sa troube kaya pinauwi  na siya. Mukha kasing matatagalan pa eh…

Magkaharap kami nung mga nakaaway namin kanina.

Sa right side na sofa, nakaupo ang mga Quiescent. Sa left side, yung mga nakajersey. Kami nina Gino sa may Southern part. Sa northern sina Kuya.  Kaya parang square kami na mga nasa sofa. Hindi naman masikip since malaki yung room.

Natahimik ang lahat.

Awkward?

Lingon ako sa ibang direksyon, may mga umaasikaso na dun sa Taro.

Lumapit sa akin si Shin. “Hey, what happened?  You’ve got….wounds..” Parang may kakaiba sa boses nya.. Ewan ko lang kung ano…. Concerned? Nah... Feeling close naman ako nyan...

Manguusyoso lang?

 “Gamutin mo muna si Gino. Mas madami syang pasa…”

Sunod naman siya.

 Since ginagamot pa ng ibang medical staff yung nasa Basketball team kaya wala pang makaatend sa amin nina kuya…

“Ano ba! Patayuin nyo nga ako!” galit na sigaw ng isa sa mga nasa basketball team. Number Eleven.

“ Pero Troy, marami ka pang pasa.”

“Manhid ba kayo? Mas malala ang wounds ng mga bagong dating! Tabi nga! Akin na muna yung firstaid kit.” Galit nyang sabi.

Sabay hablot sa first aid kit.

Lumapit sya at lumuhod sa akin.

Hinawakan nya right leg ko at itinaas.

(O///////O)

“Uy kuya… Anong----“

“Wag ka ngang mag-isip ng bastos! Hindi mo ako kuya!” Sigaw nya.

“Huh?! Bastos? Wala naman akong sinasabing bastos kuya….”

“Hindi mo ako kuya!” halos mabasag na eardrums ko.

“Aray naman! Anti-Kuya!” Idiniin nya kasi yung bulak na may alcohol.

“Bwahahahahahahahha!”

“Ano yung tawag sayo dre?”

“Anti-Kuya!”

“Ano ka?  Rabbis?”

“hahahahaha…”

“May bago ka ng gaha Troy! Anti-Kuya!”

Grabe tawanan sa room.  May nakakatawa ba dun? Babaw nila ahhh….

“Ahem…” May tumikhim sa room. Si Pres. “Tapos na kayong magfillup?”

“Ah.. hindi pa..”sabay sabay na sagot ng nasa basketball team.

Lumingon na sya sa amin. “Now. Who  started  this rucus? Isinama nyo pa yung transferee sa gulo. She’s a girl, bakit nyo binugbog?”

Tinginan lang kami nung mga nakaaway ko kanina.

My First Chaotic Love StoryWhere stories live. Discover now