Chapter 22: Xiumin, Lu Han and Kris

54 2 0
                                        

Mary rose, JC and Franz at the side

Mary's POV ( Mary Rose Gajo Repollo )
Nagising ako dahil sa sobrang lamig naalala ko nga pala wala ako sa bahay. Tumulo nanaman ang luha ko. Kelan ba magiging ganito ang buhay ko sana ok lang sila nanay. Bumangon na ako gusto ko silang ipagluto bilang pasasalamat na rin. Meron pala talagang sobrang babait na tao. Pumasok ako sa banyo para ayusin ang sarili ko. Pag pasok ko may paper bag akong nakita kaya kiniha ko ito at binuksan may letter din siyang nakalagay. Napangiti ako nung mabasa ko yung sulat. Ito kasi yung nakalagay sa sulat
"Goodmorning Mary Rose. Gising ka na pag nakita mo to. Naisip ko kasi na wala kang isusuot pag kagising mo kaya ibinili kita ng damit. Sana magustuhan mo. Wag kanang umiyak ha. "
-Xiumin
Yan yung nakalagay sa sulat. Ako naman eto parang natatae hahaha kinikilig ako shet. Di naman siguro masamang mag ka crush sa kanya diba. Crush lang naman eh. Naligo na ako at sinuot yung bigay niya sa totoo lang di naman ako nagsusuot ng ganito pero dahil bigay niya isusuot ko. Isa siyang dress na color blue tapos may blazer na kasama tapos may dollshoes pang kasama. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ang ganda nung damit ang galing niyang pumili ha. Pag katapos kong magbihis bumaba na ako maaga pa kaya siguradong tulog pa sila. Ipagluluto ko sila. Dumiretso ako sa kusina.
"Goodmorning po" Bati ko dun sa matandang na kusina. Nginitian niya ako.
"O hija gising kanapala. Gutom kanaba?" Tanong ni manang. Bakit ang babait lahat ng tao dito parang ang sarap tuloy tumira dito.
"Nako manang hindi pa po. Gusto ko po sanang ipagluto sila bilang pasasalamat narin po" Sabi ko.
"Ganun ba. Sige." Sabi ni Manang.
" Manang kwentuhan niyo naman po ako tungkol sa kanila" Sabi ko habang nakuha ng mga gagamitin ko sa pagluluto. Sabi ni manang mas gusto daw nila ng kanin sa umaga. Si tita grace at si ate Lorraine daw mahilig sa sweets kaya gagawan ko sila ng cupcakes si tito Arnel naman daw mahilig sa coffee kaya gagawan ko siya ng masarap na coffee.
"Eh manang si Xiumin po?" Tanong ko sabay tingin kaya manang.
"Yung batang yun mahilig siya sa pancakes.  Natatandaan ko pa noong bata yun halos araw araw pancakes lang ang kinakain niya. Pero may allergy siya sa honey kaya strawberry syrup ang nilalagay niya sa pancake tsaka chocolate at whip cream. " Sabi ni Manang." Tumango tango lang ako. Marami rami na rin akong nalaman tungkol sa kanila. Sabi ni Manang 8 daw sila nagigising at dahil 6 palang naman may dalawang oras pa ako. Naisipan kong hindi nalang kanin ang gagawin ko. For tita grace and ate Lorraine gagawan ko sila ng pasta with white sauce favorite daw kasi nila yun tapos I pag babake ko sila ng chocolate cupcake tapos kay tito Arnel naman gagawan ko siya ng carbonara at hamburger with coffee.  At ang kay Xiumin naman ay Pancake at milkshake favorite din daw kasi ni Xiumin ang milkshake.   Nag simula na akong mag luto inuna ko muna yung pag gawa ng cupcakes dinamihan ko na para marami silang makain. tapos sinunod ko yung pasta para kina tita at ate Tapos yung pasta na gagamitin ko sa carbonara na lulutuin ko kay tito Arnel.  Habang hinihintay kong maluto yung pasta nagsimula na akong mag luto ng sauce.  Dinamihan ko yung pag gawa ng pagkain para kina Manang. Pag katapos kong maluto yung sauce sinimulan ko ng gumawa ng pancake. Gusto ko perfect yung pagkakagawa ko ng pancake. Madami akong ginawang pancake ibat ibang shape. Nang matapos na akong magluto hinanda ko na ito sa dinning table inayos ko itong mabuti para maging presentable tingnan. Saktong 8 na maya maya gigising na sila. Bumalik na ako sa kusina para gawan ng milkshake si Xiumin at coffee si Tito Arnel sila ate at tita grace naman juice sakanila. Inilabas ko na rin yung cupcakes na ginawa ko nilagay ko siya sa magandang plate.
Ready to eat na to. Maya maya nakita ko ng bumaba si Ate Lorraine kasama si tito Arnel at tita grace. Mukang nagulat sila dahil ang daming pag kain.
"Goodmorning po Tita, Tito at Ate Lorraine.  Pinakialaman ko na po yung kitchen niyo ha. Gusto ko po sanang ipagluto luto kayo pasasalamat ko na rin po sa pagpapatuloy niyo sakin" Sabi ko habang naka ngiti.
" Nako hija dimo na  kailangang gawin to. Ang dami nga eh si manang ang nag sabi sayo lahat ng ito ano?" Sabi ni Tita grace.  Tumango lang ako.
"Favorite namin lahat to" Sabi naman ni Tito Arnel.
"Wow" Napatingin naman kami kay Ate Lorraine kumakain na pala siya. Parang nag niningning yung mata niya hahaha
"Ang sarap Ma" Sabi niya. Umupo naman sina tito at tita. Tinikman din nila yung pagkain nila.
"Ang sarap ng luto mo hija." Sabi ni tito Arnel
"Oo nga" sabi naman ni tita grace
"Naku thank you po. Buti naman po nagustuhan niyo yung luto ko." Sabi ko.
"Sigurado ako matutuwa si Xiumin pag nakita niya yung pancake" Sabi ni Ate Lorraine.
"Hija maupo kana rin" Sabi nila tita. Umupo na ako sa katabi ni Ate Lorraine. 
" Dito kanalang kaya samin Mary" Biglang sabi ni ate Lorraine hahaha
"Naku ate di naman po pwede yun" sabi ko. Nag pout siya ang cute niya
" Sayang naman gusto ko sanang mag paturo sayo na mag bake" Sabi niya
"Pede ko naman ikaw turuan. Pasabi mo lang kay xiumin secretary naman niya ako" Sabi ko.
"Oo nga pala sige sige. Ang sarap talaga pede kanang maging chef" Sabi niya haha. Maya maya bumaba na si Xiumin papasok na siguro siya sa trabaho syempre kasabay niya na ako secretary ako eh. Kaya siguro binilhan niya ako ng damit para deretso na kami sa office grabe ang gwapo niya parang tumigil ang paligid ko at sya lang ang nakikita ko. Wahhhhhhhhh. Diko namalayan na nakaupo na pala siya magkatapat kasi kaming dalawa
"Wow pancakes" Parang batang sabi niya hahaha ang cute niya sobra.
"Mommy ang sarap ng luto mong pancake mas masarap siya sa luto mo noon" Sabi ni Xiumin namula naman ako buti nalang di halata. Napatingin naman ako kay Tita nakangiti lang ito.
"Hindi ako nagluto niyan anak" Sabi ni tita
"Sino si manang?" Tanong niya. Sabay inom ng milk shake
"Wow pati milk shake ang sarap" Sabi niya para siya bata.
"Hindi din anak" Sabi ni tita. Tumingin naman si Xiumin sa ate niya.
"Wag niyong sabihing si Noona" Parang gulat na gulat na sabi niya binato naman siya ni ate Lorraine ng maliit na piraso ng tinapay hahaha napatawa nalang kaming lahat.
"Baliw si Mary ang ang nagluto" Sabi ni Ate Lorraine.  Napatingin naman sakin si xiumin.
"Talaga?" Tanong niya.  Tumango lang ako.
"Wow ang galing mo" sabi niya sabay Subo ang kulit eh.
"Diba hindi naman culinary ang kinuha mong course?"Tanong niya. Tumango lang ako.
"Pano ka natutong magluto? " Tanong niya.
" Hobby ko lang talaga ang mag luto" Sabi ko. Masaya kaming kumain. Ang sarap nilang kasama grabe feeling ko family na ang turing nila sakin.

The Fate Of Love Where stories live. Discover now