He's really jealous of Kuya Ken. Anong gagawin ko? Kapatid ko si Kuya Ken at kahit kelan hindi nito mararamdaman ang kung anong naramdaman ni Xander sa akin kahit ba naturingan kaming mag pinsan.

Tunog lang ng mga kubyertos na tumatama sa plato ang naging ingay sa dining room ng ilang sandali. Si Kuya Ken lang ang bumasag nun.

"Mag bihis ka na pagka tapos mong kumain. Isasabay na kita at hanggang ala una raw ang klase ni Kuya."

Napasulyap ako sa wall clock at nakitang 9:15 pa lang ng umaga. Kung hindi alas dyis y media ay 11 pa ako gumagayak. Masyado naman akong maaga sa school at wala akong lulugaran dahil may nagkaklase pa ng ganitong oras sa class room namin.

"Masyadong maaga, Kuya. Pwede naman akong mag commute," sabi ko.

"I can take her with me, dude. Mamaya pa rin ang susunod na klase ko," sagot ni Xander bago sumimsim sa kanyang inumin at hindi man lang tinignan si Kuya Ken.

Mabilis na pumayag si Kuya Ken. Ilang minuto lang pagka tapos niyang kumain ay umalis na rin siya. Naiwan kami ni Xander na nasa hapag kainan. Tapos na siya at ako lang itong patapos pa lang. Kinabahan kasi ako sa muntikang pagkakahuli sa amin ni Xander ni Kuya Ken.

Tahimik akong natapos at tumayo. Tahimik din siya. Kinuha ko ang plato niya at ipinatong sa plato ko. Ganok din ang ginawa ko sa plato ni Kuya Ken. Ako na ang nagdala nun at sumunod naman siya dala ang mga baso at natirang ulam namin. Tinanggap iyon ni manang at nagpaalam na mamamalengke lang kaya kaming dalawa lang talaga ni Xander ang narito sa bahay.

He's silent now. Malayo sa mood niyang pilyo at magaan kanina. Ayokong makulong kami sa iisang kwarto kaya sa sala na ako tumuloy. Naka sunod naman siya sa akin at nang umupo ako sa sofa ay tumabi rin naman siya.

Siya na ang nag bukas ng TV at naghanap ng movie. At first we are watching silently at tingin ko okay naman pero kalaunan ay napansin ko na ang ilang beses niyang buntong hininga at ang kunot na kunot na noo kahit comedy naman ang nasa tv.

I know he's not like this. Narito kami at magkatabi. Ang pagiging tahimik niya ay talagang kapansin pansin dahil alam kong gustong gusto niya na masanay ako na ganito kami. Magkasama at magkatabi. Kung sa ibang panahon ay baka dinaldal at kinulit na ako nito.

Or maybe I'm just paranoid? Kahit ako ay hindi na mapakali kaya naman kahit na kinakabahan ay ginapangan ko na ang loob ko na kausapin siya.

"Ang seryoso mo naman. Hindi ba benta sa iyo ang mga joke ni Kevin Hart?" hilaw pa akong tumawa at halatang pilit na pilit iyon pero wala na akong magagawa.

Sumulyap lang siya sa akin at ngumiti ng bahagya. "It is. Napanood ko na kasi kaya hindi na ganong nakakatawa." Was all he could say.

Ilang sandali ulit akong natahimik at umisip ng bagong way para lang bumalik ang mood niya.

Naroon na ang scene ngayon sa kung saan sinuntok ni Kevin Hart ang isa pang artista na hamak laki sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at histerikal akong tumawa kahit hindi naman nakakatawa ang nasa palabas.

Tumawa ako ng tumawa hanggang sa pansin kong hindi iyon gumana kay Xander. Takang taka siya sa inaasta ko kaya wala akong nagawa kundi dahan dahan huminto sa kahihiyang ginawa ko.

"S-sorry," sabi ko at tumuwid sa pagkaka upo.

Naka yuko na ako ngayon. Paniguradong mapulang mapula na ang mukha ko sa kahihiyang ginawa ko. Ang hirap naman kasi ng ganito!

"Ayos lang," he gradually shifts on his seat.

Hindi na ako makapag taas ng tingin sa kabalbalang ginawa.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now