L A T E

2 0 0
                                        

Don't forget ko Vote..Comment...Follow....
                                 ThankYou

Nag mamadali akong nagtatatakbo dahil sa kaba na baka ma late ako sa first subject ko..at hindi nga ako nag kamali late ako

"I'm sorry maam if na late ako..Btw po Goodmorning everyone"maligaya kong bati at tinanguhan ako ni maam

"Tsssk..First day of school late" sabi ng katabi ko

"Hmmmmp you don't care..che"pagtataray ko sa kanya

-------------------------------------------------

Tumatakbo ako dahil sa kamamadali na baka malate ako pagdating sa school...may field trip kami at baka iwan ako ng school bus huhu...at di nga ako nagkamali papaalis na ang bus ng abutan ko

"Sandali po..Sandali po" halos mapaos na ko sa kakasigaw sa driver mabuti na lang at nakita niya ako at agad na sinabihan ang driver na huminto dahil may naiwan pa

"Salamat hihi" pagpapasalamat ko sa kanya at umupo sa tabe niya

"Kahit sa field trip late tsssk tsssk" pabulong niyang sabi at natawa ako

---------------------------------------------------

Nakuu siguradong magagalit na naman yun kasi si mama eh di man lang ako ginising..hirap na hirap ako ngayon sa kakatakbo dahil naka heels ako kasi meron kami ngayong Js Prom at nalate na naman ako kasi kaninang hapon nakatulog ako..at pag gising ko 7:00 na..binibilisan ko ngayon dahil baka naguumpisa na ang program eh 7:30 yung umpisa non at baka narin magalit na naman sya..haystt di talaga ako mali eto sya ang sama ng tingin sakin

"Hehe sorry na late ako" sabi ko at nag peace sign

"Psssh pati ba naman sa Prom late ka?" Nababagut nyang panunumbat kaya natawa ako

"Haha sorry na nga...bakit kasi ako pa yung pinili mong partner eh ayaw mo naman na late ako haha" natatawa kong sabi

"Ewan ko sayo bahala ka" sabi niya at umalis napahalakhak ako at sinundan sya haha

------------------------------------------------------

Bilisss Bilissssss....Hingal na hingal ako pagdating sa isang restaurant na pagtatagpoan namin syempre as usual late na naman ako..

"Sorry kanina kapa?" Napapahiya kong sabi

"Halata naman" cold niyang sabi at napangiti ako

"Sorry na" paglalambing ko sa kanya

"Pati ba naman sa date natin late ka?" Halata sa boses niya ang pagkadismaya

"Sorry na nga eh..babawi ako promise...sige na order na tayo halata namang gutom kana hahaha" nagtawanan kami at umorder

--------------------------------------------------------

Naku naman kuya pakibilisan po ang pag dridrive baka malate po ako...sabi ko sa isip ko

"Kuya naman pakibilisan napo..ano ng oras oh baka malate ako"natataranta kong sabi sa driver

"Maam kita niyo naman oh traffic" turo niya sa dinadaanan at oo traffic nga..naku kasi naman eh bakit ngayon pa nagka traffic

"Kuya gumawa ka ng paraan pleaassseee" pagmamaka awa ko sa kanya baka pagdating ko don wala ng tao huhuhu..maya maya lang nakarating na kami at di ako nag kamali nagsisipagalisan na ang mga tao...at nagmadali akong lumabas sa sasakyan

"Sandali po sandali..andito na ako..andito na ako" sigaw ko at tumingin sya sakin at nginitian ko sya

"Akala ko di kana dadating...alam mo bang umiyak ako kanina" para syang bata haha...di ko naman maiwasan ang ngumiti

"Sorry..andito nako matutuloy na ang kasal natin" nakangiti kong sabi at hinawakan ang pisngi niya..at humagolgol sya ng iyak

"Akala ko kasi di na matutuloy ang kasal natin..ikaw naman kasi eh pati sa kasal natin late ka"  sabi niya

"Haha sorry na nga eh wag ka nang umiyak sobra kapa sa babae haha" panunukso ko sa kanya at diko rin mapigilan ang maluha habang pinagmamasdan sya..I'm so lucky to have him

"Mabuti at di pa umaalis ang paring magkakasal satin haha tapos yung iba nagsipaguwian na" sabi niyang natatawa..at tiningnan ko ang paligid parang pamilya,kaibigan,at ang mga kaklase namin nung una ang natirang tao dito...nginitian nila ako

"Tara na pumasok na tayong lahat sa loob nag hihintay don si Fa.Velasques" nginitian ko sya at lahat kami pumasok nagsimula ang seremonya at sa huli idineklara niya na namagasawa na kami

"You may now kiss the bride" sabi ni Fa.

At hinalikan niya ako..narinig namin ang hiyawan at natawa kaming dalawa....Masaya kaming namuhay nagkaroon kami ng kambal na anak....isang babae at isang lalaki....

The End♥

L A T EStories to obsess over. Discover now