Prolouge

32 2 0
                                        

Sa ating mundo, di lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo. Di lang tayo ang naninirahan dito, mayroon ding iba't ibang mga nilalang na di basta nakikita ng ating mga mata.  Marami sa kanila ay nakalimutan na at natabunan na ng panahon, lalo na't maunlad na at mayaman tayo sa teknolohiya. Mayroon kasing mga bagay na nakikita lamang kapag naniniwala ka sa kanila. Mga engkanto, elemento, maligno, at iba't ibang klase ng mga nilalang na nabuo dahil sa mga paniniwala ng taumbayan. Nagmula sila sa mga alamat, kwento-kwento, at mga kathang-isip na gawa ng mga tao hanggang sa dumami silang naniniwala at ang mismong mga paniniwala nila ang bumubuo sa kanila.

Sa kabila ng lahat ng ito, di pa rin mawawala ang mga sumusugpo sa masasamang nilalang na ito. Ang ating mga espiritista, mga albularyo, ating mga pari, atbp. Lahat sila, simula pa noong unang panahon, mga panahon pa ng mga kaninunuuan natin, sila lagi ang takbuhan ng mga tao kapag may mga nangyayaring di maipaliwanag. Kaya nga't maraming mga paniniwala't mga abubot ang mga matatanda, dahil sila, mas alam nila ang mga nangyayari di gaya nating mga nasa makabagong panahon na di na naniniwala sa mga di maipaliwanag. Kung iisipin mo, totoo, mas mabuti ngang tuluyan nang makalimutan na ng mga tao ang mga paniniwala sa mga ganito upang tuluyan nang maubos ang mga ito, dahil kung nagiging totoo sila dahil may naniniwala, kapag walang naniniwala, di rin sila magiging totoo o di sila mag-eexist.

Pero hindi. Mayroon talagang ibang mga nilalang na di talaga basta nakikita ng tao, mga nilalang na di nila alam, mga bagay na di nila alam, na kahit walang nakakaalam o naniniwala, nandiyan sila, nagmamasid, nakikinig, sumasagot, nagpaparamdam, mabubuti, masasama, at nabubuhay kasama natin sa mundong ito.

Mang Jose: Superhero pero may BayadOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz