"Pay kamusta naman po ang trabaho niyo?" tanong ni Ate sa kanya. Habang ngumuya.

"Ok naman anak" nakangisi nitong sagot.

"I heard mag re-retire kana sa pagka principal Pay?"

"Next year pa iyon. Napa mahal na kasi ako sa paaralang iyon" sagot niya at bumaling kay Kuya."how about you Rumylle kamusta ang pag-aaral mo?"

"Tsss....so easy Papay" pagmamalaki ni Kuya sa kanya.

"That's great!" tumatawa nitong sagot.

"Pay gusto ko pag college na ako. Gusto kong mag Education" sabat ni Ate.

Kami lang talagang dalawa ni Mamay ang tahimik sa hapag.

"Gusto ko iyan anak! Sumama kana lang sa akin sa City. Para makapag-aral ka sa Unibersidad"

"Hindi pwede!" biglang sabi ni Mamay. Kaya natahimik naman ulit.

"Pero May pls. kay Papay mo na ako" pagmamakaawa ni Ate.

"Kung ano ang sinabi ko Zenaya Roxynne yon ang susundin mo!" pasigaw na sabi ni Mamay kay Ate.

Natahimik si Ate sa sinabi ni Mamay. Bumaling naman ako kay Papay na matalim niya tinitigan si Mamay. Nang lumingon naman ako kay Mamay. Matalim niya ring tinitigan si Papay.

"Diana hindi naman masama na sa akin mo na ang anak ko.." ani Papay.

"Oo nga naman May, hayaan na mo si Zenaya ang mag desisyon May. Tsaka kay Papay naman po siya titira May" singit ni Kuya sa usapan.

"Ako ang ina ako-"

"Diana hanggang ngayon....Ipagkakait mo pa ang anak ko sa-"

"Zelestro aba....ngayon mo lang kukunin dahil malaki na? Ang kapal naman-"

"Mamay....Papay pwede ba. Tsaka nalang natin ito pag-uusapan. Nasa hapag tayo!" awat ni Kuya sa kanila.

Kaya natahimik sila Mamay at Papay. Tahimik naming ipinagpatuloy ang aming kainan. Ni isa wala ng nag salita. Gusto ko mang mag salita para kausapin si Papay. Pero nahihiya ako. Mukhang wala kasi siya pakialam sa presinsya ko.

Natapos na kaming kumain. At ako nalang ang naiwan rito sa kusina. Para iligpit ang mga pinagkainan namin. Nasa sala sila Papay, Kuya at Ate. Si Mamay naman ay pumasok sa kanyang kwarto. Napansin ko ring may galit pa sila sa isa't-isa. Sana magkaayos na sila. Para mabuo na ang aming pamilya. Tinapos ko ang ginawa ko at lumabas ng bahay para makapagpahangin sa labas.

Umopo ako sa upoan namin sa labas at tiningnan ang kalangitan. Galit ba si Papay sa akin? Bat di niya ako pinansin kanina? Hays baka di niya ako kilala. Tumunog ang pintoan namin. Hudyat na may lumabas. Di ko nilingon baka si Kuya lang ito.

"Di ako galit sayo" napalingon ako dahil boses ni Papay iyon. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako.

Tumabi sa akin si Papay at hinaplos ang buhok ko.

"Nabasa niyo po ang iniisip ko Pay?" maluha-luha kong tanong.

"Bakit? yon ba ang inisip mo. Na galit ako sayo?" inalis niya ang luha sa pisngi ko."O, bat ka umiyak? Di mo kasalanan.....wala kang kasalanan"

"Sa saan po Pay?" humikbi kong tanong.

"Na....ano....na naghiwalay kami ng Mamay mo" ngumiti siya at nawala ang mata niya.

Parang ako lang hehehe. Kahit ngayon ko lang nakita si Papay. Sobrang saya ko. Sino namang anak na matagal niyang di nakita ang Papay at nakita na niya ngayon diba?

"Pay dito kana lang." umiiyak kong sabi at niyakap ko siyang patagilid.

Hinaplos niya ang likod ko. At humalakhak.

"Wag nalang Zaya. Baka mag-away lang kami ng Mamay mo"

Kumalas ako bigla. At tinitigan siya sa mata. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Kilala mo ako Pay?" gulat kong tanong.

"Syempre Papay mo ako eh" tumatawa niyang sagot.

Yumakap ako ulit sa kanya.

"I love you so much Pay. Kahit ngayon lang kita nakita"

Tumatawa lang siya habang hinaplos ang aking likod. Wala ng mas masaya pa sa araw na ito. Kahit bad trip ako kay Kim ngayon. Pinasaya naman ako sa Papay kung sobrang gwapo. Dahil sa sobrang saya ko. Walang tigil na umagos ang luha sa aking mata. Dahil sa tagal ng panahon nakikita ko na talaga ang Papay ko.

Pero ang masayahing araw ko. Ay napalitan ng lungkot na araw.

"Ok students for those who don't have a partner. Pick your partner now. Ok lang na pa ulit² na sumayaw ang lalaki. Alam niyo....namang mas marami ang babae kesa sa lalaki" announce ni Sir.

Tapos na rin kasi kaming sumayaw sa gitna. Batch² kasi ang pag sayaw dahil sobrang dami namin. At ka batch namin si Kim at ang partner niya na dikit ng dikit sa kanya.

Kanina pa ako nairita sa babaeng to. Nakakainis, kahit classmate ko siya at alam niyang crush ko si Kim. Kung maka dikit parang ayaw ng kumawala! grrr.

Kinalabit ako bigla ni Breah."Tingnan mo yung babaeng yon!" turo niya sa babae.

Laking gulat ko na binunlot niya bigla si Kim. Para makapartner niya.

"Oh ghad...." napatakip sa bibig si Reigna."come on guys umopo muna tayo"

Rinig kong sabi ni Reigna. Pero ang mata ko naka kay Kim at Clyree na magkahawak kamay na nakikinig kay Sir. Binunlot ni Breah ang palapulsonan ko. At umopo kami sa pinakalayo.

Nang makaupo na kami. Panay tingin ko parin sa kanila. At nag simula ng tumugtog ang music.

Nakangiti si Clyree na kumapit sa balikat ni Kim. At si Kim naman ay kumapit sa kanyang beywang na tumatawa. Tumayo ako at mag walk out sana.

Nang biglang hinawakan ni Breah ang braso ko.

"Dito ka lang!" sigaw niyang sabi.

Kaya wala akong magawa. Nakaupo ako at pinanood sila Kim. Parang tinutusok-tusok ang dibdib ko. Di ko na kaya ang sakit. Biglang tumulo ang luha ko at humikbi ako.

"Zay baka makita ka niya!" niyakap ako ni Daisy. Dahil iyak ako ng iyak.

At para daw na di makita ni Kim na umiiyak ako. Humagulhol na ako sa pag-iyak. Sila Breah naman ay tahimik sa gilid ko.

Di ko kaya! Para akong mamatay sa selos.

"Zay alam mo ba.....si Clyree ang pinakamatagal na ex ni Kim. At minahal niya ng todo" biglang sabi ni Reigna at hinaplos ang buhok ko.

Mas lalo akong humagulhol sa pagka sabi non ni Reigna.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now