Boung byahe kaming tahimik. Gustohin ko mang mag-salita pero baka di niya ako papansinin. Kaya nong nakarating kami sa eskwelahan. Ay agad akong bumaba at lumakad palayo sa kanya di man lang ako nag thank you at nag-paalam.

Bahala siya pinahiya niya ako. At nasasakatan rin ako sa sinabi niya sa akin. Nang nakarating ako sa classroom ay agad naman akong umopo sa upoan ko.

Tinawag ako ng mga kaibigan ko pero di ko sila nilingon. Nang napansin nilang bad trip ako ay tumigil na sila kakatawag. Di kalaunan ay pumasok na ang teacher namin at binigyan na kami ng test paper. Agad kung binasa ang mga tanong pero di ko masagutan. Panay isip ko kay Kim.

Pinukpok ko ang ulo ng ballpen. Wag mong isipin yon pls. sigurado akong wala iyong paki. Wala talaga akong nasagutan. Lahat ng mga inaral ko ay nakalimotan ko. Hanggang sa natapos na namin ang lahat ng subjects.

"Class sinagutan niyo ba ng maayos?" tanong ng guro namin habang inaayos ang mga test papers.

"Of course teacher" nangingibabaw pa ang boses ni Breah.

Kaya tiningnan ko siya at tumawa ako. Baliw talaga to kahit di naman siya nag-aaral. Napawi naman ang ngiti ko. Kung di ko maipasa ang ibang sujects patay ako kay Mamay nito wala na nga akong ginawa kong hindi pasakit lang sa ulo.

Bwesit kasi nitong si Kim urgghh. Ginagalit kasi ako eh.

"Tara labas na tayo" sabi ko.

"Ayy galit ata. Nag-away kayo nu? Kaya pala nanjan siya sa labas" tukso ni Louisse. Inirapan ko siya at tumingin sa labas.

Namilog ang mata ko. Nasa labas nga siya sumandal sa pader. Ang isang kamay niya nakakapit sa bag. Ang isa naman ay nasa bulsa.

"Uy kayo na ba?" pasigaw na tanong ni Breah.

"Hindi!" sigaw ko rin at tinalikuran sila para puntahan si Kim sa labas.

Seryuso niya akong tiningnan habang papalapit sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at sinamaan ng tingin. Di yan tatalab sa akin ngayon dahil galit ako sayong gago ka! Akala mo ha! Kikiligin ako sa titig mong yan! Pwes hindi! Nagkakamali ka.

"Bat ka nandito?" galit na sabi ko sa kanya at tinalikuran agad siya.

Sinundan niya ako."I just want to say sorry" paliwanag niya pa.

Huminto ako at matalim siyang tinitigan.

"Don ka sa Clyree mo! or sa counter girl na yon!" sigaw ko sa kanya.

At tinalikuran na nakatulala. Lakad takbo ang ginawa ko para di na niya ako masundan palabas ng gate. Agad ko namang nadatnan si Ate sa waiting area kaya hinigit ko na siya palabas ng gate at agad kaming sumakay ng trycicle.

Nakakunot ang noo niyang pinanood ako. Na nakatingin lang sa daan.

"Stop staring" sabi ko na di man lang siya nilingon.

"Anong nangyari sayo Zaya?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Di ko sinagot si Ate. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pagdating namin sa bahay ay nilagay ko ang bag sa sofa at pumuntang kusina. At kumuha ng tubig sa ref at uminom.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang iniisip ang nangyari kanina. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang luha ko. Umopo ako sa upoan namin sa kusina.

Bakit ba kasi ganito? Bat ako nagseselos? Eh di ko naman siya boyfriend. Oo di ko siya boyfriend, crush ko lang siya pero kung makapag react ako daig pa ang girlfriend. Sa gitna ng pag-iisip ko ay dumating si Mamay at may nilagay sa lamesa kaya napatayo ako at nag mano. Agad niya akong tinaasan ng kilay.

"Wala kang balak mag bihis?" giit niya sa akin.

"Aaahhh kakarating lang namin ni Ate, May. At dumeritso ako rito sa kusina para uminom ng tubig" paliwanag ko at napalunok sa kaba.

"How's your exam?" nakataas parin ang kilay ni Mamay at matalim akong tinitigan.

"Ok naman po" at yumuko ako.

"Siguradohin mo lang kasi pag nalaman kong bumagsak ka! Di kita pag-aaralin sa PAP!" sigaw ni Mamay sa akin.

Napapikit naman ako."May naman bakit ako ang binuntungan sa galit niyo?" nakanguso kong tanong sa kanya.

"Ikaw lang naman ang dahilan kong bakit ako galit!.....pumasok kana sa kwarto mo at mag bihis. Tulongan mo ako rito sa pagluluto. Wag puro cellphone ang atupagin mo!"

"Opo May magbibihis na po ako"

Tinalikuran ko si Mamay at kinuha ang bag sa sofa. At pumasok ng kwarto para makapagbihis.

Umiling lang si Ate at tumatawang nanood sa akin. Kaya inirapan ko siya. At kumuha ng damit at pumasok ng banyo. Pagkapasok ko naman ay agad akong bumuntong hininga. At tumunganga. Nang ma-isip ko na magpa tulong pala si Mamay kaya dali-dali akong nagbihis. At lumabas para matulongan siya. Baka papagalitan na naman ako.

Your Childish GirlfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat