"Ahh Sarado"

746 5 0
                                    

Ahh sarado, sarado ang mundo niya sayo..
Sarado kasi hindi ikaw yung hiniling niyang pumasok sa mundong kinaroroonan niya.
Sarado kasi hindi naman ikaw yung gusto niyang makasama.
Sarado kasi.. ano ka ba sa buhay niya?
Isipin mo yun pumasok siya sa buhay mo at dahil marupok ka hinayaan mo lang siya na kumatok at makikain sa bahay mo at umikot sa mundo mo. Tapos ikaw hindi pwede pumasok sa mundo niya.
At naisip mo lang yun kung kailan nasa puso mo na siya at siya na ang panibagong mundo mo pero siya..
Nandoon pa din sa mundong winasak siya pero hindi niya magawang iwan. Kasi yun yung mundong bumuo sa kanya, pero kahit ano paliwanag mo sa kanyang.. "Tama na.. Hindi na mabubuo yung mundong yun.. Kaya sige na.. Ako na lang gawing mong mundo" hindi siya makikinig sayo. Kasi hindi ka naman niya mahal o kahit kailanganin man lang hindi eh.
Ginamit ka lang niya kasi nagbabakasakali siyang baka kapag pumasok siya sa mundo ng iba yun na din ang panibagong planetang magiging dahilan kung bakit siya masaya. Pero.. Ikaw yung unang nahulog at umibig ka sa taong hindi pa tapos mag mahal ng iba at hindi sigurado kung mamahalin ka ba niya.
Mapapasabi ka na lang na "ahh sarado ang puso niya para sayo".

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now