Beginning

12 3 0
                                        


"Hindi ka pa ba pagod?" tanong ng Manager ko.

Umiling ako ng ilang beses.

Kahit ata pang limang beses na itanong sa akin yan ay hindi ako papalyang umiling sakanila. Siguro nasanay na rin ako sa ganong mga tanong na paulit ulit na lang. Yung para bang nakatatak na sa isipan ko ang dapat kung isagot sa mga tanong nila.

Kapag ba umoo ako sakanila ngayon ay pwede ba akong makapag pahinga? Kapag ba sinabi kong pagod na pagod na ako eh pakikinggan ba nila ako?

Aaminin ko, pagod na pagod na ako.

Pero hindi ibig sabihin non susuko na ako.. Mahal ko ang trabaho ko kahit na minsan ay toxic ito para sa akin. Siguro nasanay na rin ako sa ganitong sistema kaya ayos lang. Kapag kasi mahal mo ang ginagawa mo kahit gaano pa ka hirap yan kakayanin mo kasi gusto mo.

"Okay." sabi nito. "Mamayang 7:30 PM ay may guesting ka ha? Be ready."

Tumango nalang ako.

Even though i accept it or declined it.. nothing changes. Gagawin ko pa din naman yon. Kumbaga kahit umayaw ako o tanggapin man yon.. walang magbabago na kailangan ko pa ding gawin yon.

"Pahangin lang ako.." paalam ko sa Manager ko.

Kinuha ko muna ang Phone ko sa tabi ng kama ko bago umalis sa kwarto. Tahimik akong lumabas ng kwarto habang nakikinig ng music sa Phone ko.

Marami akong nakitang mga tao pagkalabas ko ng Lobby. Papunta na ako ngayon sa Swimming Pool Area para makalanghap ng sariwang hangin. Lagi nalang kasi akong nakakulong sa Airconditioner na Room. Hindi ako masyadong pinapayagan lumalabas dahil baka pagka guluhan ako. Nakakabigla nga ng nagpaalam ako kanina ay pumayag agad sila.

Nang makapunta na ako sa Swimming Pool Area ay natuwa agad ako dahil walang masyadong tao. Hindi naman ayaw ko sa tao pero mas maganda kasi kung mag isa ka lang. Mas mafi feel mong mag senti talaga. Pero hindi ako nag sesenti ah? Sadyang gusto ko lang talagang magpahinga.

May mga iilang mga tao na dumadaan lang tapos aalis agad. Nakita ko na may mga grupo ng mga babae na papunta sa direksyon ko ngayon. Mukhang nagbibiruan pa sila kung sino ang unang lalapit sa akin.

Napangiti ako.

"Hello po.. pwede pong magpa picture?" sabi nung babaeng namumula pa.

Pinasadahan ko sila ng tingin. Nakakatawa dahil parang nahihiya pa silang lumapit sa akin at nagtutulakan pa talaga.

"Oo naman." tipid na sabi ko.

Ngumiti ako sakanilang tatlo. Nanlaki ang mga mata nila ng makitang ngumiti ako sakanila.

"Sabi na sayo hindi sya masungit e.." sabi nung babae sa isang kasama nya.

Humalakhak ako.

"Eh kasi sa TV mukha syang maarte." paliwanang nung isa.

"Hindi naman ako maarte at masungit.." ngumiti ako sakanila.

Lumapit na sila sa akin at nagsimula ng kumuha ng litrato. Sa bawat kamera na naka tutok sa akin ay ngiti ang ginagawa ko. Sanay na talaga ako. Kahit habang buhay ko 'tong gawin.. ay ayos lang sa akin.

"Salamat po." sabi nung isa.

"Sorry nga po pala sa paratang namin kanina ah? Mabait pala talaga kayo sa personal. Atsaka para kayong Diyosa na bumaba sa Langit."

"Naku, nambola pa kayo. Pero salamat sa inyo." ngumisi ako.

"Bye po, Ms. Wynea!" nagtakbuhan na sila habang kinakantyawan ang isa't isa.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 30, 2019 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Faith On FireCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang