WT2 : First Heiress of Lux

15.6K 368 46
                                    

 A/N: Basahin muna ang Ch.50 bago tumuloy dito!

“Malaking pagbabago ang magaganap kapag ikinasal ka kay Alisia Aersseys.” Ang sabi ni Oracle Brae Zaffiro kausap ang matalik niyang kaibigan at 17th generation Lux heir na si Prince Hollace Auserwalt. “Nung nagpunta ako sa templo ng Byangoma, it showed me more than what I expected. Kasama sa premonitions ko na kapag kayo ang nagkatuluyan, maaring maputol ang kapangyarihan ng Lux. Magkakaroon ulit ng malaking digmaan.”

 

“It doesn’t make sense Brae. Anong meron sa pagmamahalan namin ni Alisia? Wala naman kaming ginawang masama. You’re talking as if our relationship is cursed.”

 

“I don’t mean to say that Prince Hollace, kaibigan ko rin si Alisia.” Napayuko na lang ito at napabuntung-hininga. “But you know the premonition shouldn’t be taken for granted. The entire clan and the Otherworld will face something big if you continue…”

 

“Stop it Brae. I don’t want to hear anything about this. Itutuloy ko ang kasal namin ni Alisia. I trust the Power of Lux so just trust me too.” Ito ang paninindigan ni Prince Hollace. “Mangako ka saakin. Wala kang pagsasabihan ng tungkol dito.”

 

“Pero Prince Hollace…”

 

“Mangako ka Brae. Nakiki-usap ako. Mahal na mahal ko si Alisia, wala na akong ibang babaeng mamahalin. Kapag hindi natuloy ang kasal namin, baka hindi ko kayanin.”

Walang nang iba pang nasabi si Brae. At dahil matalik silang magkaibigan, wala siyang nagawa kundi pumayag. “Sige. Nangangako ako.”

Pagkasabi niya nito, sakto naman ang paglabas ni Elle, ang noon ay kasintahan pa lamang ni Brae. “Greetings to you, Your Highness.”

 

“Thank you, Elle.” Matapos ang maikling pagbati, umalis na rin agad ang Lux Prince.

“May problema ba Brae? Nag-away ba kayo ng prinsipe?”

 

“Just a little misunderstanding. Wag mo na lang intindihin yun Elle.” Bilang pangako nga ni Brae kay Prince Hollace, wala siyang pinagsabihan tungkol sa nalalaman niyang pangitain.

Natuloy ang kasal ni Prince Hollace kay Alisia. At kasabay nun, itinalaga sila bilang bagong leaders ng Auserwalt, ang bagong Hari at Reyna ng Otherworld.

= = = = =

Five years passed.

Kasalukuyang nagpupulong ang Ministry of Lux sa great hall ng Auserwalt Palace. Ito ay binubuo ng ilang leaders at great elders ng Five Lux Families, kabilang na si King Hollace. They are talking about an issue concerning the present queen.

Wizard's Tale Guidebook ✔Where stories live. Discover now