Ramdam ko ang pagkurot ng kung ano sa puso ko ng maisip na baka hindi ko na siya makita ulit. Pakiramdam ko'y bigla na naman akong sinasalakay ng lungkot sa isiping baka iyon na ang huli naming interaksiyon. Na babalik nalang siya kapag wala na ako rito... Ipinilig ko ang aking ulo at tinapos nalang ang pakikipag-usap kay Skyrene.

Pagkatapos no'n ay sinubukan ko namang tawagan si Tiya Mercy pero maging siya ay hindi rin ako sinasagot. Natatakot man akong pati siya ay galit sa akin pero wala akong karapatang pigilan siya doon. Ang mga babaeng katulad ko ay dapat naman talagang unahin ang kapakanan ng anak kaysa sa sarili at doon ako pumalya.

Kahit na alam kong umpisa palang ay magtatapos rin ang lahat sa amin ni Jaycint sa masalimuot na paraan ay hindi ko nagawang huminto. Mali mang iadya ang sarili ko sa bangin ng pagmamahal niya pero wala akong nagawa... Kahit itanggi ko ay alam kong nahulog rin ako. Nakakatakot mang aminin pero iyon ang totoo. I like him, I care for him at oo, mahal ko siya. Mahal na mahal rin.

Kinagabihan ay binisita ako ni Ramiel at labag man sa loob niya ay ginawa na rin ang gusto kong kunin ang lahat ng mga gamit kong natira sa mansion.

"Thank you, Ram."

Bumuntong hinga siya at maingat akong hinarap.

"Are you really sure about this?"

Tumango ako. "Okay na ako dito kay Tiya Winny at mas ayos 'yon para kapag malapit na akong manganak, may makakasama ako."

"May kasama ka rin naman sa mansion, ah? Marami namang kasambahay doon at kung gusto mo, papabantayan kita ng mas maayos kay-"

"Ram," hinuli ko't pinisil ang kanyang kamay. Alam kong walang madali sa lahat ng desisyon ko pero kaunting tiis nalang naman ay pare-parehas na kaming makakahinga ng maluwag. Kaunting panahon nalang ay matatapos na ito at magiging malumanay rin ulit ang agos ng lahat para sa amin. "Ayos na ako dito. Isa pa, hindi na rin naman ako magtatagal rito. Babalik at babalik rin ako sa West Side. Maghahanap kaagad ako ng trabaho para-"

"That's fucked up."

"Ramiel..." I swallowed hard at the bitterness of his tone.

"Hindi ko inisip na magiging ganito lahat. Ano ba kasing nangyari? Siguro naman pwede niyo pang pag-usapan kung ano 'yung pinag-awayan niyo. Lahat naman nadadaan sa maayos na pag-uusap."

Napatitig ako sa mukha niyang walang kaalam-alam sa nangyari at sa mga nakaraan ko. I feel bad about that. Isa si Ramiel sa itinuring kong kapatid pero ni minsan ay wala siyang naging ideya sa ilang parte ng buhay ko. Gano'n naging sikreto ang lahat sa pagitan naming tatlo nila Skyrene kaya maswerte akong hindi nila ako kailanman binigo. Ako lang talaga ang palpak palagi.

"Magiging maayos rin kami ng pinsan mo. Siguro hindi ngayon pero alam kong balang araw ay magiging maayos rin." positibo kong sambit na nagpailing sa kanya.

"Bakit hindi pa ngayon? Bakit ba kasi gusto mo pang bumalik doon kung pwede namang dito ka nalang?"

Hindi ako nakasagot. God knows how much I wanted to be with him. Kung gaano ko kagustong pagbigyan siya at mahalin gaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin pero hindi iyon magiging madali dahil mas kailangan ako ng anak ko. Iyon ang mas dapat kong isipin.

"Alam ko kung gaano niya kagustong manatili ka dito kasama ang bata. Akala ko maayos na ang pag-uusap niyo kaya nalilito ako kung saan kayo nagkamali? May nangyari bang hindi ko alam?"

"Huwag mo ng isipin 'yon, Ramiel. Ang mahalaga ay maayos kami ng baby. Iyon naman ang pinaka-importante sa lahat, 'di ba?."

"But will you stay here, please?"

Sana Bukas (West Side Series 1)Where stories live. Discover now