1. Heartbreak

2 0 0
                                    


hi~!! heto na ang first part...

enjoy~!!

================

"Brie, c'mon! We'll be late," sigaw ni Sejin mula sa pinto.

Pinsan ko siya. Nakapangasawa kasi ng Korean ang kapatid ng daddy ko, and dito na sila tumira sa Korea since ikasal sila. At dahil doon, Korean at English lang ang alam ng pinsan ko na languages.

Tama kayo ng nabasa. Nasa Korea ako ngayon. Call it vacation or whatnot. I just need some time off.

"I don't know why we'll be late. We're just going to the mall."

Mahalig kasi sa shopping itong pinsan ko...

"Still! I dont want to be late for a sale!"

"Ah! I knew it. You just can't resist any sales."

...medyo masinop nga lang pagdating sa pera. Namana siguro niya kay Tita Jean.

Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan. Ako nga pala si Brianna Sofia Lozano. Nicknames? Brie, Anna, Pia, Sofie. 23 years of age. Hobbies? Singing, dancing, book-reading. Also known as Sofia Miranda, the singer. And I came from the beautiful country where high-end smartphones are very cheap, PHILIPPINES!!

Nandito na kami sa mall at dumeretso na si Sejin sa pinakaunang store na nakita niyang may sign na SALE. Ako, nakasunod lang. Tingin-tingin din ng mga sale. Ililibre naman daw niya ako eh. So, why not coconut?

After three straight hours ng pakikipag-agawan ni Sejin sa stores, meron na kaming hawak-hawak na mga shopping bags. Si Sejin, 7 ang hawak. Ako, 8 lang ang dala.

Uy! Hindi naman sa sinulit ko yung panlilibre ni Sejin. Lima naman sa mga hawak ko, kay Sejin. Ako na ang nagdala. Nilibre na nga ako eh, eh di tulungan na sa pagbitbit.

Ang gentlewoman ko, noh?

Nasa isang restaurant na kami ni Sejin at kaka-order lang namin ng pagkain. Kaya usap-usap naman.

"Thank you for finishing the torture of my feet."

"You're welcome dear cousin. I should be the one thanking you. You're the only person who can put up with my craziness. My friends don't understand my pull on bargains. So, how are you?" seryosong tanong ni Sejin.

"I'm okay. Excited to get back home."

"No. I mean, how is your heart?"

Ah. Ayun pala ibig sabihin niya.

"Well, same I think. As long as I don't see it myself, I wont believe those rumors. I trust he won't do such thing."

Meron kasing kumakalat na rumor sa station na nandito sa Korea ang dating boss ko noong hindi pa ako artista. Bakasyon daw. Indefinite leave. Very important.

Hep! Hindi ako stalker ng boss ko. I admit gusto ko siya. I love him dahil he's none other than my boyfriend.

Okay. Siguro stalker nga ako. I was curious kung anong ginagawa ng boyfriend ko dito sa Korea. Hindi niya sinabi sa'kin ang reason kung bakit siya magbabakasyon. C'mon! We've been together for almost three years already. He should've at least told me the reason for his vacation.

Naglalakad na kami palabas ng mall nang biglang tumigil si Sejin. She looks shocked at something.

"Brie, please turn around and face me."

Ginawa ko ang sinabi niya.

"Don't look behind you. Just walk ahead and we'll go around to the parking lot."

"Why are we doing that? The parking lot is just up ahead."

"Just...don't. Please Brie. I don't want you to go through this exit."

Okay, weird ang inaakto ng pinsan ko.

"Sejin, I don't want to walk farther. My feet hurts walking around this jungle of a mall."

"Please, Brie. Don't go through this exit."

"If you want to go around to the other exit, fine, go ahead. But my feet hurts, so I will go through this exit and I'll see you on your car."

Tumalikod na ako at naglakad palabas.

Ang hindi ko inaasahan, paglingon ko sa may exit, nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaluhod ang isang tuhod sa harapan ng isang lumuluhang babae na may hawak ng bouquet of red roses.

"Yes!" umiiyak na sabi ng babae. Sinuot na ng lalaki ang hawak na singsing sa kamay ng babae.

Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko. At parang dinudurog ang puso ko.

How could he?! Bakit?! I trusted him!

Nagyakapan at nag-kiss ang dalawa. Sa ingay ng palakpakan ng mga tao sa paligid, hikbi at iyak lang ang ginawa ko.

Bakit pa ba ako nandito? Iniiyakan ang masayang couple sa harapan ko. Obvious na nga ang pagtataksil sa iyo ng boyfriend mo. Mag-propose ba sa isang Koreana.

No offense, hindi ako galit sa mga Koreana.

"Brie, lets go." Narinig kong sinabi ni Sejin.

Hinila na niya ako palayo sa masayang eksena ng taksil kong boyfriend at ng fiancée niyang Koreana.

"Ang sama niya! Ang kapal ng mukha niya! Ang sabi niya bibisita lang siya sa parents niya. Ang sabi niya ako lang! Ako lang! Ako lang ang mahal niya! Sinungaling siya! Sinungaling!" sigaw ko habang nakaupo na sa loob ng kotse ni Sejin.

Buti na lang hindi na nagsalita pa si Sejin. Pinabayaan na lang niya akong iiyak lahat.

Umiiyak pa rin ako hanggang makauwi kami sa bahay nina Sejin. Buti na lang wala sina Tita Jean dito sa bahay, kundi malalaman ng parents ko sa Pilipinas at kukulitin ako ng mga yun kung anong nangyari.

The rest of the day, nagkulong lang ako sa guest room. Umiyak lang ako ng umiyak. Lumabas lang ako kung kakain kami.

Tatlong araw na ang nakalipas. Sinubukan kong kontakin ang boyfriend... ex-boyfriend ko. Pero naka-off ang phone niya.

I just want a proper closure kaya ko siya sinusubukang kontakin. I'm giving him a chance to explain kung bakit niya ginawa yun.

Fourth day after the said incident, sa wakas, tamang tunog na ang narinig ko. Nagri-ring na ang phone.

Sumagot ka please.

Yoboseyo?

Babae ang sumagot.

"H-Hello?"

Oh. Hello. Jun cannot answer the call. He's in the bathroom. Who is this?

"P-Please tell him, its his gi... tell him its Sofie. Its important."

At mabilis kong tinapos ang tawag.

====================

ang sakit nun ah. ikaw kaya makita mo na mag-propose ang boyfriend mo sa ibang babae, sino kaya hindi iiyak?

sa tingin niyo, anong pumasok sa utak ng boyfriend ni Brianna at nag-propose sa ibang babae?

heyniweys~ VOTE and COMMENT kung nagustuhan niyo...

#UnexpectedHeartbreak

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

First published: September 2016
Re-published: April 2020

UnexpectedWhere stories live. Discover now