Chapter 2

10.3K 119 1
                                    

"JOLLI!"

Natigilan si Jolli sa akmang paghakbang ng kanyang mga paa pagkarinig sa baritonong tinig na iyon. Hindi rin niya maintindihan kung bakit lumakas ang tibok ng kanyang puso. Huminga siya ng malalim. Kung anu-ano ang sumasagi sa isip niya.

Wearing her sunglasses she slowly looked back and there she saw the man she knew for a long time. He's standing firmly near to her looking so serious. His dark round eyes are looking at her. Lalo lamang yatang lumakas ang tibok ng kanyang puso sa mga matang iyon. His heart shaped lips is so beautiful and his nose is so pointy. Alam niyang namana nito iyon sa ama nitong banyaga. His appearance is a tall, white and handsome. Kaya hindi na siya magtataka pa kung isa itong modelo.

Sinaway niya ang sarili. What in the heck she's analyzing his figures? He doesn't like this man. Iyon ang paalala niya sa sarili.

"Romeo," mas mahina pa yata sa bulong ang pagkabigkas niya sa pangalan nito. Really, she must be insane on her actions.

Lumapit ito sa kanya at mabilis na kinuha ang kanyang dalang bagahe. He's a real gentleman. Hindi na siya magtataka pa roon.

"Kanina pa kita tinatawag," seryoso ang mukha nito. "Why are you day dreaming in this hot weather?"

Kumunot ang kanyang noo ng makuha ang ibig nitong sabihin. "Excue me," mataray na sabi niya. "Hindi ako nagde-day dream."

"Kanina pa ako nangawit sa kakatayo rito. Sino bang tinitignan mo at hindi mo ako napansin?" nayayamot na tanong nito. Halata sa mukha nito ang pagkainip.

"Malay ko bang nandito ka?" ganting tanong niya. "At isa pa, kararating ko lang sa bansang ito kaya 'wag mo muna akong inisin Mister Garzon, kung pwede lang."

Umiling ito, "Hindi ka pa rin nagbabago Miss brat slash Miss taray Jollicar Dimacali."

Sumimangot siya. They know each other very well. Ito lang naman ang tanging lalaking gustung-gusto ng kanyang mga magulang. Madalas noon sa kanilang bahay si Romeo dahil magkaibigan ang kanilang mga ama. Na parehong mahilig sa negosyo kaya nagkakasundo ang mga ito. At doon ay palaging sinasabi ng kanyang daddy kay Romeo kung gaano nito kagusto ang huli. Her father even supported him in modeling that Romeo loves the most. Nalungkot ang kanyang daddy ng sabihin ni Romeo na sa Pilipinas na ito maninirahan para maging isang full time model ng isang sikat na agency. But none the less, her father was proud of him. Na hindi nito naramdaman man lang sa kanya. Mapait na isip niya.

Parang anak na rin ang turing ng kanyang ama rito. Dahil marahil nag-iisa lamang siyang anak. Nahanap nito kay Romeo ang isang lalaking anak na hindi nakayang ibigay ng kanyang mommy. Dahil maselan ang pagbunbutis ng kanyang mommy kaya siya lang ang naging anak ng mga ito.

Unang kita pa lamang niya kay Romeo noong high school siya ay alam na niyang ayaw nito sa kanya dahil pilya siya at pasaway. Madalang lang siya nitong kausapin. At kapag ang-uusap sila ay palaging nauuwi sa away. Tahasan rin niyang ipinapakita ang disgusto rito. Ayaw niya rin dito dahil pakiramdam ng kanyang batang pag-iisip noon ay inaagaw nito ang kanyang daddy mula sa kanya. She's a daddy's girl kaya madalas siyang magtampo noon kapag kinakampihan nito si Romeo kaysa sa kanya. Hanggang sa dalhin niya iyon sa kanyang pagtanda.

Natatandaan pa niya noong nasa high school siya kung saan pinahiya niya si Romeo sa babaeng gustung-gusto nito sa kanilang pinapasukang eskwelahan. Marahil bata pa lamang siya noon kung kaya kung anu-ano ang mga bagay na naiisip niya. Kagaya noon ay ginawa niya iyon para makaganti rito sa pagseselos niya sa atensyong binibigay ng daddy niya rito.

Say You'll Stay (COMPLETED)Where stories live. Discover now