Pare, mahal mo raw ako

198 5 3
                                    

Marahil ay hindi na bago sa inyo ang mga katagang "weather weather lang" ni Kuya Kim. Isa ito sa mga pinakasikat na kataga sa balat ng telebisyon. Pero hindi ako pabor sa pananaw na ito. Na huwag kang magtataka kung minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa itaas ang buhay mo. Dahil ang katwiran ko, kapag gusto mong nasa itaas at palaging panalo, gawin mo naman ang lahat. Huwag iyong kung talo ka, ikakatwiran mo'ng "ganoon talaga." Kaya nga hindi ako naniniwala dito, kasi hindi mo naman maisisisi ang mga maling desisyon mo sa tadhana ng buhay mo kundi sa sarili mo mismo. Sabi nga ng guro ko noong nasa hayskul pa ako, "ang tadhana ay mawawalan ng kahulugan kung hindi ikaw mismo ang gagawa." At ito na nga ang pinakamagandang salaysay na narinig ko sa tanang buhay ko. Ako kasi iyong klase ng tao na hindi naniniwala sa manghuhula. Hindi naniniwala sa mga prediksyon. At sa madaling sabi, hindi naniniwala sa destiny. Lalo namang hindi ako naniniwala sa mga kasabihan o paniniwala katulad ng "the more you hate, the more you love" kasi nga ang kuwento ko ay "the more you love, the more you love" oo, mahal ko, na mahal ko at nungkang naging hate ko siya. Pero tulad ng sabi ko, ang mga pinagdedesisyunan mo sa buhay, maging maliit pa ito, ay may epekto pa rin sa magiging buhay mo sa mga darating na araw. Sa sitwasyon ko, hinding-hindi mo sasabihing may naitadhana pa sa aking lalaki sa kasaysayan ng hula. Ganito iyon:

"Maria Juana Cristina Paula!!!!!!!!" Sigaw ng kanyang yaya. "Nandito na ang lalaking pinaglihi kay Daniel Padilla! Sinusundo ka na naman!" Mula sa silid niyang nasa second floor ay dinig na dinig niya ang tila naka-mikroponong boses ng kanyang yaya Puring. Nangiti siya nang maisip na libre na naman ang gasolina niya kasi nandito na si Hunyo! Nakaharap siya sa salamin, halos isang oras na nga siyang handa ngunit hindi pa siya makababa dahil hindi siya sigurado sa bihis niya. Naka-polo shirt siya at naka-skinny jeans na parang kay Daniel Padilla, na idol ni Epey Herher (iyong nanalo sa that's my tomboy ng showtime). Nag-gel pa siya para sa buhok niyang maihahambing na sa bulkang mayon sa ayos. Guwapong-guwapo na siya ngunit hindi pa rin siya komportable. Hindi niya alam kung bakit. Oo, tomboy siya. Marami ngang nagkakagusto sa kanyang magagandang babae ngunit hindi niya alam kung bakit wala siyang magustuhan sa gayong dalawang taon na siya sa kasarian niyang iyon. Hindi naman sa nasaktan siya kaya siya naging tomboy (kasi kadalasan, ito ang kasaysayan ng mga tomboy), ito lang talaga ang nakasanayan na niya mula noong magkasalubong ang mga landas nila nitong lalaking sumusundo sa kanya ngayon. Oo, dahil sa lalaking ito na anak ng mama niya na pakiramdam naman ng mommy niya ay kontrabida sa kanyang buhay. Magkaaway na mortal ang mga ina nila, sa madaling sabi. Oh sige na nga, nagsimula ang lahat labinlimang taon na ang nakalilipas:

Dahil sa ang pamilya nila ay parehong nagmamay-ari ng malalaking kompanya ng clothing line, nagtagpo sila sa business party ng isa ring businessman. Doon ay tila naging fashion show ang party. Naging sentro ng atensyon ng madla ang kanilang mama at mommy. Magpabunggahan ba naman ng gown ang dalawa? Kaya nga ng wala ng patalo sa kanila, bigla na lamang sinabi ng mama ni Hunyo ang mga katagang "ito ang tatandaan mo, hinding-hindi magiging maganda ang iyong anak paglaki nito!" At ang sagot naman ng mommy niya "sigurado ka? Tandaan mo rin ito ha! Maaakit ang anak mo sa anak ko!" Minsan nga napapaisip siya, hindi kaya nag-usap ang kalangitan at lupa kaya naging sumpa sa kanila ang mga binitawang mga salita ng kanilang mga nanay? Heto at hindi nga siya naging maganda, kasi, guwapo siya. (Naks!) At ito namang si Hunyo, naaakit na nga yata sa kanya kasi halos araw-araw na lamang siya nitong sinusundo. Ni hindi na nga nagka-syota si Hunyo dahil sa kanya. Hindi naman sa pinipigilan niya ito pero lahat ng gusto ni Hunyo na babae, sa kanya nagkakagusto! Pero siyempre, wala naman siyang nagugustuhan sa kanila. Hindi naman sa ayaw niya iyong mga nagkakagusto sa kanya, talagang wala lang siyang maramdamang kakaiba sa mga ito. Iniisip na nga lamang niya na baka wala lang talaga siyang type sa mga ito.

Samantala, sa baba naman ay nakaupo sa sala nila si Hunyo. Oo, hinango sa kapanganakan niya ang kanyang pangalan. June kasi ang kaarawan niya. Magkaibigang-matalik sila ni Mj o Maria Juana Cristina Paula. Mula magkaisip ay sila na ang magkasama. Magkaaway na mortal ang kanilang mga magulang dahil pareho silang may-ari ng clothing line pero hindi rin nila alam kung bakit magkasundong-magkasundo sila samantalang ang mga magulang nila'y parang mga aso't pusa. Ngunit iyon na rin marahil ang dahilan kung bakit sila nagkalapit ng husto. Palagi silang nagkikita sa mga business parties ng mga magulang, kahit pa sabihing hindi na magkasundo pa ang kanilang mga ina. Noong mga bata pa sila, inaamin niya, nagagandahan siya kay Mj. Mahaba ang buhok nito, magaganda ang damit at ang ganda niyang ngumiti. Pero ngayon, nabago na ang lahat. Pareho na sila ng gusto. Ang damit niya, damit na rin ni Mj. Ang porma niya, porma na rin ni Mj. Kaya ba naiinis na rin siya minsan kasi mas guwapo na rin ito kaysa sa kanya. "Hoy! Baka gusto mo mag-isip na lang tayo dito, huwag na tayong lumabas no?" Pukaw sa kanya ni Mj. Hindi niya namalayan ang paglapit nito dahil sa pagmumuni-muni niya. "Naku! Mj naman! Iniisip ko pa nga lang kung paano kita malalamangan, hayan at wala na naman. Mas guwapo ka na naman tol!" sabi naman niya kay Mj na totoo namang guwapong-guwapo sa ayos nito. Kaya ba napapakamot na lamang siya ng ulo kasi alam niyang ito na naman ang magiging bida sa lakad nila. "Ya! Alis na po kami!" paalam ni Mj kay yaya Puring. "Ano'ng oras na naman kayo uuwi? Ikaw pogi," turo ni yaya Puring kay Hunyo, "iuwi mo ng maayos 'tong alaga ko ha. At huwag na huwag mong palalapitin sa maraming chiks!" sabi nito sa kanilang dalawa na ngumingiti. Si yaya Puring ang nakasaksi kung paano lumaki ang dalawa. Alam niya na darating ang panahon at magbabago rin ang ihip ng hangin. Siya ngang kinikilig kapag magkasama ang mga ito kahit pa pareho sila ng ayos.

Pare, mahal mo raw akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon