Chapter 2

5 1 0
                                    

{Missy's side}

Missy POV

Missy POV

"Ate?" Napatingin ako Kay Angela nasa tabi ko sya nandito ako sa maliit na hugasan sa inuupahan naming bahay

"Bakit?"habang naghuhugas ng Plato

"May kailangan kasi akong bayaran sa school bago daw dapat matapos yung school year mabayaran na yun ate 1 week nalang tapos na school year di parin ako nakakapag bayad" napatigil ako sa pag huhugas ng Plato at napatingin sa kanya

"Hayaan no gagawa ng paraan si ate may isang linggo pa naman eh" sabi ko sa kanya at ginulo yung buhok nya atsaka nagbalik tingin sa hugasin

"Ate sorry ah?" Kunoot noo akong napatingin ulit sa kanya

"Napano ka bat nag so-sorry ka?" Tanong ko sa kanya may ginawa nanaman siguro to

"Nagiging pabigat na yata kasi ako sayo tulad ngayon may babayaran sa school ko tapos wala kang trabaho tapos kakailanganin  mo na naman maghanap ng trabaho para sa bayarin ko" sabi nya at yumuko naluluha ako haysssttt

"Ano ka ba Hindi ka pabigat okey?gusto Kong makapag tapos ka ng pag-aaral kamukha ko okey?maghahanap naman talaga ako ng trabaho para sa gastusin natin pang araw-araw pati na rin yung bayarin mo sa school,,,Angge Tandaan mo Hindi ka pabigat ahh?" Sabi ko sa kanya at niyakap sya hayssstttt and hirap maging ama at ina wala si papa tapos si mama iniwan mami dito sa manila,,"Tulog ka dun sa kwarto wag ka ng lalabas mainit mamayang hapon kana tumambay"sabi ko at tumango naman sya naglakad papunta sa kwarto hayssstttt.

"Missy?" Narinig ko yung boses ni boggy sana naman may maganda syang balita naglakad ako papunta sa pinto para buksan iyon

"Ohh boggy pasok ka" sabi ko ng makita ko sya sa labas

"Kamusta?" Tanong nya sa akin ngumiti naman ako

"Ito naghahanap ng trabaho kailangan Kong magkaroon ng trabaho sa loob ng isang linggo"sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ko yung nga daliri ko " ano nga palang ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya ngumiti naman sya

"Naghahanap kasi ng bagong empleyado yung boss ko ikaw agad yung pumasok sa isip ko" sabi nya dahilan para manlaki ang mga mata ko

"Totoo?" Tanong ko tumango naman sya

"10,000 a month ang sahod ang kaso Hindi lahat ng empleyado ng boss ko eh tumatagal" sabi nya dahilan para mapakunot noo ako,"yung boss ko napaka sungit konting kapalpakan mo lang aalisin ka na nya sa trabaho kahapon yung isang empleyado natapunan nya ng kape yung mga papel na pinapirma nya sa boss ko nagalit yung boss ko inalis sya sa trabaho ako palang yata yung tumagal na empleyado nya,"paliwanag nya juskooo ang babaw naman pala ng boss nito

"Okey lang gusto ko magtrabaho" sabi ko sa kanya tumaas naman ang isa nyang kilay oo nga pala bakla si boggy hehehehhe,,,"kahit halimaw pa yang boss nyo gusto ko parin maka pagtrabaho please!!!!"sabi ko sa kanya at hinwakan ang mga kamay nya

"Hayy naku missy kung di ka lang malakas sa akin"sabi nya at niyakap ako " kakausapin ko muna yung boss ko"sabi nya pa

"Hmmmm,," sabi ko at kumalas sa pagkaka yakap "kung makakapasok ako Hindi agad ako mag sesweldo bakla peram naman ng pera ULIT kasi may babayaran si angge" sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya

"Ito bigay mo nalang kapag may pera ka na" sabi nya at ngumiti

"Thank you talaga" sabi ko sa kanya

"Nukaba wala iyon" sabi nya at tumayo "aalis na ako may gala akets later" sabi nya at tumawa naman ako

"Mag ingat ahh" sabi ko sa kanya ng nakalabas kami sa bahay

"Osyah babush miss" sabi nya at nag beso beso naglakad palayo sa bahay

Papa god tulungan nyo po ako sa paghihirap ko sana po bigyan nyo ng sign si mama na naghihirap na ako kasi gusto ko na pong sumuko pero pilit akong lumalaban dahil gusto Kong makapag tapos yung kapatid ko lord sana po makapasok ako doon sa trabaho ni boggy para naman po may pang gastusin kami araw-araw nakakahiya na po kasi sa kanya tuwing wala kaming pagkain lagi syang nadyan Lord kung pwede lang po bumalik sa panahon na buo pa kaming pamilya babalik po ako pero wala na pong pag asa eh wala na yung isa tapos iniwan pa kame lord tulungan nyo naman po ako!!!

To be continued.......

[MY DANGEROUS BOSS] {BY:FIGHTING_ALONE}Onde as histórias ganham vida. Descobre agora