Sa ilaw ng poste malapit sa bahay ay naaninag ko ang isang Van. Dinalaw kaagad ako ng kaba. Sinilp ko kung sino ito,mabuti at malaki ang punong pinagtaguan ko malapit lang sa Itim na Van.

Lumabas mula doon ang mga unipormadong lalaki. Nakasout sila ng mga sunglass. Sino naman kaya sila? Bakit ganyan ang mga suot nila? Wala namang liwanag ah?

Halos mapatalon ako sa gulat ng bumulagta si Luigi sa tapat ng bahay ko. Lahat ng unipormadong lalaki ay napatingin sa kanya.

Patay.

"Sino kayo?" Takang tanong ni Luigi.

Lumapit sa kanya ang isag unipormadong lalaki,sinusuri siya. Nanlakbay ang mata ko sa kanya,b-bakit may dala siyang baril sa kabila niyang kamay? Sino ba talaga sila?

"Where is she?"

"Sino ba ang tinutukoy niyo? Mga trespassing kayo ah!" Sumigaw na siya. Hay! Hindi niya ba nakikita ang baril na hawak-hawak nung taong nasa harapan niya?

"Gusto mo bang mamatay? Nasaan ang babae?" Ulit ng kalbong unipormado.

Ako ba ang tinutukoy nila?
Pero ano namang kailangan nila saakin?
Sino ba sila?

"Hindi ko nga alam kung sino iyang deputang hinahanap niyo!" Diyos ko,umatungal pa.

Namilog ang mata ko ng tinutukan na siya ng baril ng mga unipormadong lalaki.

"Nasaan ang babaeng nakatira dito?" Nagkulay suka ang mukha ni Luigi,nangi-nginig na rin ang kanyang mga mata.

"S-si B-bobang ba k-ka n-niyo?" Nauutal niyang sabi.

"Yes,where is she?"

Napapalunok si Luigi.

"B-bakit? A-anong kailangan nyo sa a-asawa ko?" Pakshet! Mamatay talaga siyang duling! Papatayin ko sya.

Nakita kong kumunot ang mukha ng kalbo. Tumingin siya sa ivamg kasamahan,nag kibit ila ng balikat,tumingin ulit siya kay Luigi para kumpirmahin ang sinabi.

"Are you sure?"

"O-oo,a-asawa ko nga s-siya." Napasinok pa ang gago.

Nanunuri ang mga titig nila kay Luigi. Kumunot ang noo ko. Ano ba talaga ang kailangan nila saakin?

Pagka sandali ay may kung ano siyang pinindot sa tainga niya,habang nasa ulo parin ni Luigi ang baril niya. Manginig-nginig ang tadyang ng lalaki.

May kung ano siyang sinabi at pinakinggan ang nasa tainga.

"Rigt away,sir."

Saka ito tumingin kay Luigi. Binaba nito ang baril na nakatutok sa ulo ng lalaki. Parang nawala ang malaking bagay na nakadagan sa dibdib ni Luigi.

Sumenyas ang kalbo sa mga kasamahang naka uniporme.

"Take him." Tumango ang mga kasamahan at dinakot ng walang kahirap hirap ang payat na si Luigi.

"Ibaba niyo ako!" Napatihaya si Luigi ng tutukan ulit siya ng baril sa noo.

"Tumahimik ka,o mamamatay ka." Natarantang hindi umimik si Luigi.

Ano bang kailangan nila!? Bakit nila kukunin si Luigi?

Kung sino man ang nag-utos sa kanila,puwes pakyu siya. Tama bang tutukan ng baril sa ulo ang kung sino nalang? Walang awa ang pwedeng gumawa o mag-utos nito. Isa siyang baliw.

Kusang naglakad an mga paa ko papalapit. Biglang nagkaroon ng tapang sa dibdib ko,parang gusto kong lumaban. Hindi porket mayaman at maganda iyng suot nila,ay mananakit na sila ng tao!

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now