"Hi." I heard his voice said clearly like he's standing in front of me, dahilan para agad akong mapalingon pabalik sa harapan ko. There he was, standing in front of me, tray in each of his hand.

"Hi," sambit ko pabalik at saka agad napatayo nang hindi malamang dahilan.

"Please, sit." sambit agad ni Anya tapos ay umusog para bigyan ng mauupuan si Elordi.

Ngumiti si Elordi sa akin at saka naupo sa tabi ni Anya. I got back in my seat, and now he's the one I'm facing, not Anya.

"Please eat, the both of you." sambit ni Elordi tapos ay agad inabot sa akin ang unang tray, habang ang isa naman ay kay Anya.

"Thanks!" ngiti ni Anya tapos ay agad nang kinuha ang spoon sa tray na inabot sa kaniya ni Elordi at nagsimula nang kumain.

"Thanks." sambit ko rin kay Elordi at saka hinila ang tray nang mas malapit sa akin bago ako nagsimula nang kumain.

"I'm Anya Martel, by the way. Nursing student." pakilala ni Anya kay Elordi. Agad napatango si Elordi at saka nilingon si Anya, "Elordi Phelps. College of Surgery."

"Wow." sambit ni Anya.

Namilog talaga ang bunganga niya na parang gusto ko agad takpan ang bibig niya, dahil nakakahiya siya kung matatapon ang puno ng pagkain niyang bibig. Pero agad niya akong minatahan patungkol kay Elordi na hindi ko na lamang pinansin. Panigurado, mamaya ay itutusta ako niyan.

"So, what, like, you're half foreign? You also look like half foreign." dagdag pa ni Anya, sabay lagok ng tubig matapos niyang lunukin ang lamang nginuyang pagkain ng kaniyang bibig. Matamang nakatitig siya kay Elordi.

"Yes." sambit agad ni Elordi sabay tango, "My mother's an American."

Kumunot ang noo ng kahit kailan ay napaka mausisang si Anya, "Diba dapat Filipino ang surname mo kung mother mo ang American?"

Kita ko ang pagkadiskompurtable sa mukha ni Elordi nang itanong iyon ni Anya, pero bago ko pa man mapatahimik si Anya, o masabi kay Elordi na hindi naman niya kailangang masagot iyon, ay nauna na siyang sumagot.

"Actually, I was unwanted. My father has a family here when he got my mother pregnant in States. They weren't a couple, I don't know. She gave birth to me, went here and left me on the doorsteps of my father's house."

Napatikom ang bibig ni Anya nang marinig ang casual na sagot ni Elordi. Ngumiti lamang ng bahagya si Elordi para ipakitang hindi siya apektado, but Anya, being an insensitive bitch, ay muli na namang umandar ang bunganga. "Pretty amazing how your mother found your dad, huh?"

Sinamaan ko na ng tingin si Anya dahil sa nakakairita niyang ugali. Kaso, hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi niya rin alam na nakakahiya na ang ginagawa niya. If it was another person, malamang ay kanina pa siya nasampal sa kakapalan ng balat niya. Napaka inconsiderate niya talaga kahit kailan—maging sa akin na matalik niyang kaibigan.

"He's kind of famous on the internet actually. Willem Derego, may-ari ng DRG Malls."

Halos mailuwa ni Anya ang kinakain niya nang marinig niya ang sagot ni Elordi, "Goddammit, sana nag-business management ka."

Napailing lang si Elordi habang napapatawa kay Anya, "He has three successors. He has a daughter and two sons as his rightful heir. Ang gusto ko lang, for once, malayo sa field nila. Ikatutuwa ng asawa niya 'yon."

Now, Anya felt the discomfort na kanina ko pa nararamdaman. Her face was grim when she glanced at me.

"Anyways, kumain ka na ba?" casual na tanong ni Anya nang sabay niyang tinira ang salad na side dish ng kaniyang lunch na tila ba wala nang epekto sa kaniya ang huling sinabi ni Elordi.

Tipid na tumango si Elordi at saka niya ako nilingon, "So, may klase kayo after lunch?"

"Si Anya meron, ako wala." that's my cue to answer, dahil kanina ko pa sila pinagmamasdang dalawa at hindi man lang ako umiimik.

"Great!" wala sa sariling nasambit ni Elordi at agad in-adjust ang kaniyang salamin nang biglang nangunot ang noo ni Anya at tumigil sa pagkain.

"Pinopormahan mo ba si Hal?"

Napaikot ko na lamang ang mga mata ko sa kabuangan ni Anya kahit kailan.

"Will there be a problem if I do?" casual na sagot ni Elordi tapos ay binalingan niya ako ng tingin.

Napatikom ako ng bibig. Hindi ko alam ang isasagot. Napaka direkta kasi niya. Mataas rin ang kompiyansa sa sarili. Hindi ko siya masisisi, dahil may ipagmamalaki naman talaga siya. Mukha pa lang, palung-palo na.

I know I initiated the move last night, but now that I'm far from a club house, far from smoke and strobe lights, I can now think clearly—at alam kong magulo ang pinasok kong ito.

"She's staying with her ex, that will be your only problem." flat na sagot ni Anya na tila ba kausap ang mga kasama niya sa thesis nila at naglalapat siya ng ideas about sa strengths and weaknesses.

Nanlaki agad ang mga mata ko sa lantad niya.

Fuck you, Anthania Martel. Magbabayad ka sa kadaldalan mo.

Insensitive bitch!

“Oh.” was the only word that escaped from Elordi’s mouth. Tila ba ang buong kompiyansa niya ay biglang napompiyang.

Glitter & Crimson (Ursula State Series, 2)Where stories live. Discover now