Chapter 14:The War is Starting

1.9K 42 0
                                    

Tamara Pov

-After 2 weeks-

Nakontrol ko na ng maayos ang mga kapangyarihan ko na hindi nawawalan ng malay,sa mga nagdaang training ko ay nawawalan ako ng malay pagkatapos kong gumamit ng malakas na kapangyarihan,"hey Babies how is your sleep,"tanong ko sa tatlo ng maalimpungatan sila.

"Okay naman mama,"ang tanging naging sagot ni Rence ang bunso ko habang kinukuskus ang mga mata nya,"mama I saw papa in my dreams."

"Me too/me three,"sang-ayon nung dalawa hindi ko alam kong panu nila nalaman ang itsura ng kanilang ama pero nagulat nalang ako nung idescribed nila ang itsura ni Andra mou na tumugma naman,"he said the monster is comming,"nabigla ako dahil sa sinabi ni Law.

"Tamara----kailangan mong sumama sa akin,"natarantang hingal na hingal na wika ni Freya ng makapasok sa silid ng mga babies ko.

"Anong merun?,"tanong ko ng makarating kami sa balcony ng palasyo,nandito ang mga royal kings and Queens at mga guardians.

"Paparating na ang digmaan Empress at paparating na ang mga kalaban,"nagulat ako hindi ko inaasahang ganito kaaga,"hinihintay namin ang iyong utos."

"Sabihan nyo na lahat ng estudyante at mga kawal ng mga bawat palasyo na maghanda na,"kanya kanya na silang alis pumunta ako sa silid namin ni Andra mou at naghanda na,"bantayan mo ang mga prinsipe Alesya huwag mong hahayaang may mangyari sa kanila habang wala ako,"wika ko ng maramdaman ang prisensya ni Alesya sa kwarto namin ni Andra mou.

"Masusunod Empress,"sagot nya lumabas ako sa silid at tinahak ang silid ng mga babies ko tig-iisa ko silang hinalikan sa noo nila at tahimik silang pinagmasdan bago nilisan ang palasyo kasama ang guardians.

Hindi ko hinayaang sa sakup ng kaharian ni Emperor gaganapin ang digmaan kaya binuo namin ang mga kawal at nagtungo sa isang malawak na lugar kong saan dadaan din ang mga kampon ni Satan.

Biglang yumanig ang buong paligid hudyat na malapit na ang mga kawal ni Satan hindi kami gumalaw at tahimik lamang na naghihintay sa mangyayari.

Third Person Pov

Sa di kalayuan may pitong taong tahimik na nanonood at pinagmamasdan ang mga mangyayari,unti unting lumitaw ang mga naglalakihang mga halimaw sa harap ng mga maliliit na nilalang.Wala man lang ni isang reaction o gumalaw sa kanila.

Mas lalong yumanig ang lupa at nabiyal ito dahil sa paglabas ng hari ng kadilim,"bwahahaha mga hangal,"malademonyong sabi nito nabalot ng maitim na hamog ang buong paligid.

Ilang sandali pa ay nagsalpukan na ang dalawang grupo madaling nasira ang paligid at madami naring sugatan,sa likuran ng pitong tao naglabasan ang mga healer fairies at kanya kanya silang kuha ng mga estudyanting may sugat na.

"Luci manunuod nalang ba tayo rito?,"inamoy ng lalaki ang bulaklak na hawak nito sa mukha nya mapapansin na parang wala itong ganang panuurin ang nangyayari sa ibaba.

Hindi nagsalita ang lalaking nasa unahan nila na natatakpan ng hood ang kanyang mukha,"humahanap lang si Luci ng tamang tyempo,"Sagot ng babaeng parang nakaupo sa hangin at nagbabasa parin ng libro.

Parang hindi nababawasan ang mga halimaw dahil tuloy tuloy parin sila sa paglitaw habang ang mga estudyante naman ay unti unti nang nauubos,sa di kalayuan lumiwanag ang katawan ng babae naging gold ang buhok nito,ang mga mata nitoy naging blue at red habang lumabas naman ang pangil nya merun ding blue flames wings na lumabas sa likuran nya,"she's beautiful,"tanging sambit ng batang babae.

Sa kanyang katawan lumabas ang pitong lords ng element at sinugod ang mga halimaw,mabilis naman na nakatakbo ang babae sa harap ni Satan at sinugod nya ito gamit ang ispada nya pero madaling nasangga ito ni Satan at binasag ang ispada ng dalaga.

Lumikha ng maitim na mahika si Satan at sinuntok sa sikmura ang babae tumilapon naman ito sa malayo.

Freya Pov

Patakbo na sana ako para tulungan yung mga estudyante pero isang babae ang lumitaw sa harap ko nababalot ang katawan nya ng maitim na inerhiya,"oppss huwag ka ng sumali roon tayo na lamang ang maglaban,"nakakalokang sabi nya.

Sa likuran ko nagpakita ang titans na gawa sa apoy,namangha naman ito pero nainis ako ng parang nang-iinlusto ang tawa nya,"haha maganda sya pero merun din akong ipapakilala sayo," nagsimula na siyang maglabas ng itim na enerhiya niya at sa lupa lumabas ang itim na titans,"hayaan natin silang maglaban at tayo naman."

Sumugod sya pero agad ko ding naiwasan,"mabilis ka,"nakangisi nyang sabi,tumakbo ako palayo sa kanya at lumika ng fire tornado sa kinaroroonan niya,"pasensya na pero nandito ako,"pabebeng sabi nya tumingala ako sa ere at andun sya.

Lumikha ang itim na inerhiya ng salamin at binasag nya ito tyaka pinatamaan ako,napangiwi ako ng matamaan ang braso ko pati narin ang binti ko,"hays ang hina mo namang guardian ka,"nanlilisik ang mga mata nito habang tumatawa.

Gumawa ako ng fire ball mula sa kanyang itaas pero agad nya din itong naiwasan,napasigaw ako dahil isang itim latigo ang dumamplis sa isa ko pang braso.

Tawa lang sya ng tawa,inipon ko lahat ng inerhiya ko at gumawa ng malaking bulang apoy,nagsimula naring kumalat ang apoy sa buong katawan ko,namangha ang babae sa nakita nya pero agad din syang ngumisi,dahil sa inis ko ibinato ko sa kanya ang bulang apoy sinundan ito ng fire arrow at fire blade.

Pero mali yata ang ginawa ko dahil inilagan nya lang ito kaya ang naging resulta tumama lahat ng yun sa titan ko sabay kaming napasigaw sa sakit nanghihina narin ang buong katawan ko wala bakit ganun parang kulang pa ibinigay ko na lahat ng lakas ko.

Gumawa yung babae ng isang maitim na black sword pinanood ko lang ang papalapit na black sword hanggang sa isang lalaki ang biglang nagpakita sa harapan ko,"divine gate"sambit nya.

Nakita kong tumama ang black sword sa binti ng babae,"at sino ka namang hangal ka?,"galit na galit na sabi nung babae.

Hindi nya pinansin ang tanong ng babae at may mga salitang binigkas nya,"come to me symbol of power worthy of the crest of the winged,"hindi ko makita ang mukha at ginagawa nya dahil naatalikod ako sa kanya,"Dragon let us soar with the rose-WYVERN."

Biglang nagliwanag ang buong katawan nito at binalut ng parang robot ang katawan nya,"Do you want me to introduce myself?,"tanong nya sa babaeng parang nang-iinsulto pa,"I'm Lux one of the dark Gehenna."

Nashocked ako anong ginagawa ng member ng dark Gehenna rito bakit nya kami tinutulungan,saglitang pagpikit ng mata ko ay nakalutang na ako sa ere may mga fairies na lumapit sa akin at ginamot ang mga sugat ko.

"Ows I want to use my divine rider too,"nanlaki ang mata ko nang mapalingon sa nagsalita,nandito ang mga member ng dark Gehenna at pinapanood lang kami sa ibaba.

Pero isang nakablack na nakahood ang nakaagaw ng pansin ko bakit parang familiar ang awra nito sa akin,nakita ko yung lalaking nakaarmor sa kamay nito naglabas sya ng malaking ispada at lumikha ng thunder slash naiwasan ng babae ang una pero nung sumunod hindi na,nawasak ang katawan ng babae.

Nawala yung nag-ngangalang Lux at lumitaw sa tabi ng isang lalaki wala narin ang armor nito sa katawan,"how's the feeling to fight a girl Lux?,"tanong ng isang babae.

"Boring"sagot nito,lumabas ang isang kidlat sa ulunan nito pero nawala din ito at tumama sa mga grupo ng halimaw,malaki ang nawasak nito dahil tumalsik sa malalayong parti ang mga halimaw,ganito ba kalakas ang mga dark Gehenna o mas higit pa?

Mated To The EmperorWhere stories live. Discover now