UNTITLED(무제)

707 36 5
                                        

P R O L O G U E

"Aria, sigurado kana ba sa desisyon mo?" Malungkot na tanong ni Veronica habang tinutulungan ang kaibigan na ayusin ang mga gamit nito. Walang patid ang pagluha nito habang mabigat ang katawang inilalagay ang mga damit ni Aria sa malaking maleta na nasa kanilang harapan. Ayaw n'yang nakikitang umiiyak ang kaibigan, ngunit wala naman syang magawa. Walang salita ang pupwedeng magpakalma sa nararamdaman ni Aria. Kahit ang yakapin ito ay hindi sapat upang takpan ang sakit na meron ito.

Huminto sa ginagawa si Aria at malungkot na tumingin sa kaibigan. "W--Wala na akong magagawa kay Ji. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya." Hikbing saad ni Aria. Bigla nalang itong napatigil at napatakip ng mukha at doon humagulgol.

"Pini-pinilit k----ko s----syang i----intindihin Nica, p---pero p---pagod na pagod na ako." hikbi nitong saad. Walang patid ang pagluha nito. Tila ba masakit na masakit sa parte nito ang desisyong umalis pero mukhang wala nang makakapigil sa desisyon ni Aria. Masyado na itong napuno sa sitwasyon nila ni Kwon-- ang kanyang kasintahan.

"P---Palagi kong s---sinasabi sa kanya na k---kung ayaw--- a--ayaw na n--ya sabihin nya lang, k--kasi maiinitidihan k--ko. M--Maiintindihan ko Nica kung wala na talaga. W--Wag lang ganito kasi 'di ko kaya." Mas lalong humagulgol ng iyak si Aria sa mga binitawan salita niya. Hindi na nga ito makapagsalita ng maayos dahil sa matinding pag-iyak. Lalo ring napaiyak si Veronica. Alam nito kung gaano kamahal ng kaibigan si Ji Yong. Lahat ng meron ito ay ibinigay n'ya sa lalaking iyon. Lahat ng pagmamahal na kaya n'yang ibigay kay Ji Yong ay ibinigay nya.

Nang hindi nakatiis si Veronica ay tumayo ito at iniwan si Aria. Mabigat ang mga hakbang nitong lumabas. Hindi n'ya kayang makitang ganon ang kanyang kaibigan-- mahina. Hindi mahina si Aria. Sa totoo nga ay ito ang pinakamatatag na taong nakilala n'ya. Si Aria ang tumulong sa kanyang makarating ng Korea at makapagtrabaho. Si Aria rin ang dahilan kung bakit nakilala n'ya si Bobby, pero sa pagkakataong ito, ibang Aria ang nakikita n'ya.

Mahina.
Malungkot.
Nasasaktan.

Nang makaalis ng kwarto si Veronica ay tuluyang nang bumuhos ang mga luha nito . Buong akala n'ya ay maaayos ang gusot sa pagitan ng kanyang kaibigan at ni Ji Yong. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na sa lumipas na buwan ay may hindi pagkakaintindihan ang dalawa, pero ang buong akala nya ay kagaya rin ito ng mga nagdaang buwan sa pagitan ng dalawa. Hindi n'ya akalain na hahantong sa ganito ang sitwasyon. Kahit kaibigan lamang sya ni Aria ay nasasaktan parin sya sa nangyayari. Si Ji Yong at Aria ay itinuring na n'yang kapamilya.

Ilang sandali n'yang pinakalma ang sarili. Ayaw nyang bumalik doon na hindi handa. Gusto n'yang maging malakas sa pagkakataong ito para sa kaibigan. Nang makabawi ay uminom ito ng tubig. Kumuha narin s'ya ng tubig para kay Aria at muling bumalik sa kwarto kung nasaan ang kaibigan. Naabutan n'yang tapos nang ayusin ni Aria ang mga gamit nito. Nakaupo ito sa dulo ng kama. Ilang beses s'yang napabuntong hininga bago lumapit sa kaibigan at iabot ang tubig.

Kaagad naman kinuha ni Aria ang baso. Sa dulo ng kama kung saan nakaupo ang kaibigan ay umupo rin si Veronica. Sabay nilang pinakatitigan ang litratong nakasabit sa dingding. Kung hindi nagkakamali si Veronica ay litrato iyon ni Ji Yong kasama ang mga kabanda nito pagkatapos ng concert na ginanap sa Australia. Sa picture ay makikita na nasa gitna si Ji Yong ng apat nitong kaibigan. Nakangiti ang mga ito habang ang background nito ay ang mga taong umattend sa naturang concert.

"Pagkatapos ng concert nila dyan ay nagkakilala kami ni Ji. Kakauwi lang nila galing Australia. Umiiyak si Ji nung gabing 'yon, lasing na lasing. Paulit-ulit n'yang sinasabi sa akin na hindi na s'ya masaya sa mundong ginagalawan n'ya. Gusto na n'ya ng simpleng buhay pero ayaw n'yang iwan ang musika-- dahil ito ang buhay n'ya." Malungkot na kwento ni Aria sa kaibigan. Hinayaan naman s'ya ni Veronica at hinawakan ang kamay ng kaibigan. Nang maglandas ang luha ni Aria sa kanyang pisngi ay kaagad nya itong pinunasan.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 06, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

UntitledHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora