Sa bayan ng antipolo, may isang lalaking nagngangalang Roman. Mahirap at mag-isa lang sya. Sya ang nagtataguyod sa sarili nya dahil wala na ang mga magulang nya, pero nagsumikap syang magtarabaho at pinagsabay nya ang pag-aaral.
Nasa bakery sya para mag-apply ng trabaho. Nakakita kasi sya ng poster na "WANTED: PANADERO" Kaya naisip nyang magtrabaho para makapagtapos ng pag-aaral.
"Magandang umaga po, gusto ko po sanang mag-apply ng trabaho dito" sabi ni Roman.
"Sige dahil wala akong katulong dito" sagot ni John.
Pinapasok sya at dinala sa gawaan, may mga harina, itlog, asukal, asin at baking powder.
"Kaya mo ba magbake?" Tanong ni John sakanya.
"Opo" sagot ni Roman.
"Sige mag simula ka na" Sabi ni John
Inuna nya ang harina, itlog, baking powder, asukal, at asin nilagyan nya ito ng konting tubig at hinalo nya ito ng mabuti.
Pagkatapos nun ay minasa nya ang pinaghalo-halo nyang mga sangkap.At niluto na nya ito sa oven.Pinatikim nya ito Kay John at nagustuhan naman ito ni John at araw- araw na syang nagluluto doon.
Kada buwan ay nakakasahod sya ng 250 at napapagsabay nya ang pag-aaral nya. Grade 10 na si Roman. Tuwing umaga ay nagtratrabaho sya sa bakery at sa hapon naman ay nag-aaral sya. Ang kinikita nya sa trabaho ay iniipon nya at ang iba naman ay ginagamit nya sa pagkain, bagong damit at Kung ano-ano pa pati rin sa kanyang baon pang eskwela.
Isang taon ang nakalipas.Grade 11 na si Roman malapit na syang makapagtapos ng pag-aaral.
Nagtratrabaho parin sya sa bakery walang pasok ngayon si Roman at may bumiling artista sa kanya Di nya Alam na artista pala iyon dahil wala naman syang tv sa kanilang bahay at ang pangalan ng artista ay si Jenny.
Bumili si Jenny sa bakery at nung tinikaman ni Jenny ito nagulat sya dahil napaka sarap ng bake ni Roman.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Jenny sakanya.
"Roman po" sagot nya naman.
"Ito ang number ko tatawagan kita kung gusto kong bumili ng tinda nyong mga tinapay" Sabi ni Jenny.
"Sige po" Sabi naman ni Roman.
"Masarap po ba ang tinapay"? Tanong ni Roman.
"Oo sobrang sarap", "Sino ba ang nagluto ng tinapay na ito?".
"Ako po" sagot ni Roman.
"Masarap ka palang magluto"Sabi ni Jenny.
"Maraming salamat po" sabi ni Roman.
Tumawag si Jenny kay Roman at nag order ng mga tinda na tinapay.
"Hello po" sagot ni Roman sa telepono.
" Hi gusto ko sanang omorder ng tinda nyo."
"Anong ba ang tinda nyong tinapay dyan tanong ni Jenny?".
"Meron po kaming pan de coco, makabayan, putok, insaymada, buns, at tasty bread po". Sagot ni Roman
"Ah okay paorder naman ako ng isang balot na buns, isang balot na tasty bread, limang pirasong putok, limang pirasong pan de coco, at limang insaymada". Sabi naman ni Jenny.
"Ano ba ang itsura ng makabayan?". Tanong ni Jenny kay Roman.
"Ang itsura po ng makabayan ay hugis po ng sombrelo". Sagot naman ni Roman.
"Sige pabili nga ng limang pirasong makabayan". Sabi ni Jenny
"Idedeliver ko nalang po ang inorder nyo". Sabi naman ni Roman
"Ano po ba ang address nyo?". Tanong ni Roman.
"Blk.2 Lot.9 Barangay San Roque San Lorenzo Ruiz Antipolo City. Sagot ni Jenny.
"Sige po pupunta na po ako dyan". Sabi ni Roman.
Pumunta na si Roman sa bahay ni Jenny at namangha si Roman sa bahay nila Jenny napakalaki at napakaganda ng bahay nila Jenny. Kumatok si Roman sa bahay nila Jenny at binuksan ito ni Jenny at pinapasok ni Jenny si Roman sa loob ng bahay nila. Pinaupo ni Jenny si Roman at binigay na ni Roman kay Jenny ang inorder nya na mga tinapay.
"Ito na po yung inorder nyo pong mga tinapay". Sabi ni Roman.
"Magkano lahat ito?". Tanong ni Jenny.
"100 po lahat". Sagot ni Roman.
Binigyan ni Jenny si Roman ng 200.
"Oh ito bayad ko". Sabi ni Jenny
"Sobra po yung bayad nyo". Sabi ni Roman.
"Sayo na yung sukli". Sabi ni Jenny.
"Maraming salamat po". Sabi ni Roman.
Umalis na si Roman sa bahay nila Jenny at nakauwi na sya sa bahay nya. At ang binigay ni Jenny kay Roman na 100 ay inilagay nya sa alkansya nya.
Kinabukasan pumunta na si Roman sa bakery at nakita nya nanaman si Jenny at bumili ulit si Jenny sa bakery at magkalapit na ang loob nilang dalawa at naging magkaibigan na silang dalawa.At minsan ay pumupunta na si Roman sa bahay nila Jenny at pinakilala ni Jenny si Roman sa mga magulang nya. Ang pangalan ng mga magulang nya ay sina Daddy Franco at Mommy Ruby.
"Daddy, Mommy pinapakilala ko nga po pala si Roman kaibigan ko po nagkakilala po kami sa bakery". Sabi ni Jenny.
"Hello po ma'am Ruby at Sir Franco". Sabi naman ni Roman.
"Wag mo na kaming tawagin na sir at ma'am. tawagin mo nalang kaming tatay Franco at nanay Ruby". Sabi ni Franco.
"Sige po sasanayin ko na po na tawagin po kayong tatay Franco at nanay Ruby". Sabi ni Roman
Umuwi na si Roman sa bahay nya. At natulog na sya pumunta na si Roman sa bakery maagang-maagang gumising si Roman dahil may pasok pa sya. Habang naglalakad sya nakita nya si Jenny na may kasamang lalaki at pumunta si Roman kay Jenny at tinanong ito.
"Hi po ma'am Jenny.Sabi ni Roman
"Hello Roman may kailangan ka saakin?". Tanong ni Jenny.
"May itatanong lang po ako hindi po sa nakekealam Sino po ba yung kasama nyo?". Tanong ni Roman.
"Ahhh ito si Jeffrey kapatid ko sya sinabi ko nga sakanya na masarap ka magluto eh". Sabi ni Jenny.
"Hello po sir Jeffrey ako po si Roman kaibigan po ako ng kapatid nyo". Sabi ni Roman.
"Hi ako si Jeffrey kapatid ni Jenny at ako ay isang reporter gusto mo ba na ireport ko na masarap ka magbake?". Tanong ni Jeffrey.
"Sige po pagiisipan ko po muna at ipapatikim ko po sainyo yung bake ko bukas na po tayo pumunta sa bakery kasi po sirado na po iyon". Sabi ni Roman.
"Bago yung wag mo na kami tawagin na sir at ma'am tawagin mo nalang kaming kuya at ate ayon lang ang gusto kong sabihin mo saamin at good night ingat ka sa pag-uwi".Sabi ni Jeffrey.
"Good night rin po ingat rin po kayo sa pag-uwi".Sabi ni Roman
"Bye Roman good night at ingat". Sabi ni Jenny.
Umuwi na si Roman sa bahay nya at pumunta na sya sa bakery nakita nya si Jeffrey at Jenny pinatikim ni Roman kay Jeffrey ang luto nyang mga tinapay.
"Tama ka nga Jenny masarap magbake si Roman".Sabi ni Jeffrey.
Binalita na ni Jeffrey sa mga tao na masarap magbake si Roman lumago ang bakery ni John at sumikat naman si Roman at nagpatayo na si Roman ng sarili nyang bakery lumago ng lumago ang bakery ni Roman mayroon na si Roman na 5 bakery at nakapag tapos na si Roman ng pag-aaral ang kinuha nyang course ay chef.
YOU ARE READING
The Bakery Man
Short StorySi Roman ay gustong magpatayo ng isang bakery kaya nagsumikap syang magtrabaho cover: floerud (ate ko) #117 on bake (May 21, 2019) #55 on bakery (May 26, 2019) #388 on bakery (June 9, 2019) #41 on bake (August 4, 2019)
