Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay nagsitakbuhan na sila papunta sa mga kwarto nila. Tsk tsk tsk, mga excited.
Nagpunta nalang din ako sa kwarto ko para mag-impake.
Ito ang unang beses na makakapunta ako ng ibang bansa, promise! Ah, except sa U.S. hehehe. Sobrang excited din ako dahil sa Pilipinas pa kami pupunta na talagang isa rin sa mga bansa na gusto kong puntahan.
"Bin, saan nga pala tayo sa Pilipinas?" tanong ni Yeonjun hyung na nakasilip dito sa kwarto ko.
"Ah, 'yan ang hindi ko alam hyung eh. Basta ang sabi, 3 months para makahabol 'yung tatlo sa mga na-miss nilang lessons." sagot ko habang kinukuha ang maleta ko na nasa ilalim ng kama.
"Ah sige sige, impake lang ako ulit." paalam ni hyung kaya itinaas ko ang kamay ko at nagpakita ng 'like sign'.
Napa-buntong hininga ako, matagal-tagal na pag i-impake 'to.
Taehyun
"AAAAAHHH EXCITED NA TALAGA AKO!!!!!!"
Napailing nalang ako nang marinig ang sigaw ni Huening pagkalabas namin ng dorm. Taas ng energy kahit na alas-dos palang ng madaling araw.
"Uy manahimik ka nga, marami pang natutulog! Madaling araw palang!" pabulong na saway ni Beomgyu hyung sakaniya.
Napakamot naman siya sa ulo niya saka nag-pout. Maknae things.
"Tara na sa baba, hinihintay na tayo nila Soobin at Yeonjun hyung." sabi ko sa dalawa pero lumapit sa akin kaagad si Beomgyu hyung.
"Ah Taehyunie, teka may nakalimutan lang ako sa loob. Kunin ko lang ah?"
Tumango ako at kasunod nun ay dali-dali siyang pumasok ng dorm.
Lumipas na ang limang minuto at hindi pa rin bumabalik si hyung kaya naman sinundan ko na rin siya sa loob pero napatigil ako sa paglalakad nang makita ko siyang nakatalikod at may kausap sa phone.
Tahimik akong nagtago sa may pader at mas nanlaki ang mga malalaking mata ko sa narinig,
"Oo love, magkikita na tayo ulit diyan. Wait for me, okay? Okay, I love you. Ibaba ko na 'to, aalis na kami."
Love? May jowa na si Beomgyu hyung?!
------
Nang makarating na kami rito sa airport ay agad kaming naupo sa mga benches na nakita namin at sabay sabay na napa-hikab. Inaantok pa kami, ang aga kasi masyado ng flight pero ayos na rin 'to, para hindi kami pagka-guluhan.
Nagsimula na silang mag-kwentuhan pero hindi ako sumali. Hindi pa rin kasi ma-process ng utak ko 'yung mga narinig ko kanina. Hindi naman siguro ako nananaginip nun diba?
"Oh Taehyun, tahimik mo ah."
Nagkibit-balikat lang ako nang kausapin ako ni Yeonjun hyung. Ayokong magsalita, baka kasi masabi ko lang 'yung mga narinig ko kanina. Ayoko namang mapagalitan si Beomgyu hyung 'no.
"Baka inaantok lang 'yan, diba Taehyunie?" napalunok naman ako nang sumali si Beomgyu hyung sa usapan namin.
Dahan-dahan akong tumango at kunwaring humikab bago tinakpan ang mukha ko ng dala dala kong maliit na unan.
"In two hours, tatawagin na 'yung flight natin. May oras pa tayo para kumain. Saan niyo gusto?" rinig kong tanong ni Soobin hyung saamin.
"Doon nalang sa mini store, hyung. Mag-ramyeon nalang tayo." rinig ko namang sagot ni Huening.
"Paano 'tong si Taehyun? Mukhang tulog." tanong ni Yeonjun hyung sa kanila.
"Samahan ko nalang siya. Bilhan niyo nalang kami ng ramyeon hehe." Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ni Beomgyu hyung. Maiiwan siya rito kasama ako?! Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong!
Makalipas ang ilang segundo ay nagulat ako nang tanggalin ni Beomgyu hyung ang unan na nakatakip sa mukha ko kaya naman agad akong pumikit at nagkunwaring tulog.
"Hoy Taehyun, alam kong gising ka. 'Wag ka ng magkunwari diyan."
Agad kong namang minulat ang mga mata ko at umayos ng upo nang sabihin iyon ni Beomgyu hyung. Ngumisi siya kaya naman napaiwas ako ng tingin.
"Narinig mo 'yung kanina kaya ka tahimik 'no?" tanong niya na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung anong isasagot.
Inakbayan naman niya ako, "Ayos lang 'yun sa akin. Pero secret lang muna natin 'yun ah? Pakilala kita sakanya pagdating natin ng Pilipinas." Bulong niya sa akin kaya napatango nalang ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.
"Matagal na kaming magkakilala. Alala mo 'yung nabanggit ko na nakapunta na ako ng Pilipinas noon? Doon ko siya nakilala. Nagbakasyon kami ni Papa noon sa Magic Island, sikat 'yun na bakasyunan eh tapos ayun, isa siya sa mga nakatira doon. Nung una, magkaibigan lang talaga kami pero syempre nung tumagal, mas lumalim hanggang sa sinagot niya ako last year."
Napapatango nalang ako sa kine-kwento ni Beomgyu hyung. Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin. Hindi pa naman kasi ako naiinlove eh, sa kanta at magic lang. Saka wala akong balak mainlove. Ang bata bata ko pa para diyan at may pangarap ako. Doon ako magfo-focus ngayon at isa pa, mag-aaral kami. Kailangan naming makahabol sa mga na-miss namin kaya I should focus talaga.
"Dibale, ipapakilala kita doon sa mga kaibigan niya. Baka may magustuhan ka." Pabirong sabi saakin ni Beomgyu hyung sabay ngiti ng nakakaloko.
Umiling naman ako at tumawa, "Nako, no thanks hyung. Wala sa isip ko 'yan."
Nagkibit-balikat nalang siya, "Okay, sabi mo eh."
Nako, sabi ko talaga. Wala akong oras para ma-inlove. Wala.
-------
how's the first chapter? 🤗
YOU ARE READING
Our Summer • 투모로우바이투게더
Fanfiction"Tara, bakasyon naman tayo sa Pilipinas!" It is the new generation. New set of problems, New set of friendship, and lastly, New set of love stories. Ating tunghayan ang panibagong henerasyon.
OS 01 ~ Wish granted!
Start from the beginning
