Soobin
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad papunta sa opisina ni Manager hyung dito sa buulding ng Big Hit. Medyo malaking favor kasi ang hihingin ko sakanya kaya naiiisip ko na baka hindi kami payagan dahil rookie group palang kami.
Pero sa tuwing naiiisip ko yung hardwork ng members ko, mas determinado ako na mapa-oo si Manager Hyung na payagan kaming mag-bakasyon sa Pilipinas.
Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ni Manager hyung ay napabuntong hininga muna ako at inalis ang kaba.
Woooh Soobin, kaya mo 'to.
Bubuksan ko na sana ang pintuan nang bigla itong bumukas at nasorpresa ako sa kung sino ang nagbukas ng pintuan.
"A-Ah, annyeonghaseo Jin sunbaenim!" pag-bati ko kay Seokjin Sunbae.
"Annyeong!" pag-bati naman ni Sunbae sa akin.
WAAAAAAAH ANG IDOL KONG SI SEOKJIN HYUNG SUNBAE-NIM!
"Anong ginagawa mo rito? Pupunta ka sa Manager hyung mo?" tanong ni Sunbae.
"Ah ne Sunbae, ipapaalam ko po sana sakaniya kung pwede kaming magkaroon ng 2 months vacation sa Philippines." sagot ko. Omg buti nalang hindi ako na-utal!
Bahagya namang natawa si Sunbae at tinapik ang balikat ko, "Nako 'wag ka nang mag-alala. Sa totoo lang kaya ako nandito eh hiniling naming Bangtan sa manager hyung ninyo na bigyan kayo ng 3-month-vacation dahil napaka-successful ng debut ninyo dito sa SoKor at yung promotion ninyo sa U.S. Proud kaming Big Hit family sa inyo kaya you deserve a vacation."
Speechless ako sa sinabi ni Jin Sunbae. Grabe, hindi ko 'to ine-expect!
"S-Salamat po, Sunbae---"
"Hyung nalang itawag mo sa akin kapag wala tayo sa mga music shows at kapag tayo-tayo lang ang magkakasama. Sunbae kapag nasa public tayo, arraseo?"
Naka-ngiti akong tumango, "N-ne, hyung."
"Nga pala Soobin, may kondisyon 'yun."
"A-ano po 'yun hyung?"
------
"HALA, TOTOO TALAGA HYUNG?!"
"Totoo nga, mukha ba akong nagbibiro?"
Nagtata-talon na sa tuwa ang apat habang ako dito, nakatingin lang sa kanila. Sa bagay, hindi ko naman sila masisisi dahil ang ganda nga namang balita ang hatid ko sa kanila kaso nga lang, may medyo hindi ata sila magugustuhan.
"Teka lang, bago kayo mag-saya may isa pa akong sasabihin."
Natigil naman sila sa pag-talon at nagtataka akong tinignan.
"May kondisyon sila Jin hyung sa atin since sila ang nag-request nun kay Bang PD."
Nilapitan naman ako ni Hyuka at inakbayan, "Anong kondisyon, hyung?"
"Magte-take raw tayo doon ng summer class sabi nila since marami kayong absences na tatlo dahil sa debut natin." sabi ko habang nakatingin kina Beomgyu, Hyuka, at Taehyun.
"Eh paano tayo?"
"No choice, sasamahan din natin silang mag-aral." sagot ko kay Yeonjun hyung.
Ineexpect ko na magrereklamo sila pero nagulat ako nang bumalik sila sa pag-talon dahil sa saya. Well, gustong-gusto nga pala nilang mag-aral.
"Eh hyung, kailan daw ang alis natin?" tanong ni Taehyun habang kumakain ng chips.
"Bukas daw kaya mag-impake na---"
YOU ARE READING
Our Summer • 투모로우바이투게더
Fanfiction"Tara, bakasyon naman tayo sa Pilipinas!" It is the new generation. New set of problems, New set of friendship, and lastly, New set of love stories. Ating tunghayan ang panibagong henerasyon.
