Prologue

8 0 0
                                        

CLUSE

Habang nagmamasid ako sa mga tao, hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ako kapatid ko.

"Ang saya siguro maging tao no Cluse" walang emosyon niyang sabi

Pano ka nakakasiguro? Ilang taon ko nang pinagmamasdan ang mga tao. May mga taong nagdurusa at may mga taong nagsasaya. Sa buhay nila hindi nila alam kung anong mangyayari kinabukasan

"Kasi kahit saang bagay pwede sila maging masaya. Hindi tulad natin kahit gustuhin man natin na maging masaya kung ayaw ng ating mahika hindi tayo magiging masaya. Kaya nga ako ang pinaka malungkot sa Ziylo "malungkot na sabi ng aking kapatid

Mas maswerte parin tayo kesa sa mga tao. Dahil tayo ipinanganak na may mahika at marangyang buhay hindi natin kailangan magtrabaho katulad nila, hindi natin kailangan humanap ng pera dahil ang pagkain sa lugar natin ay hinding hindi mauubos, kailangan nalang natin maging mabuting nilalang.

"Ayun yung gusto kong ipunto, tayo kailangan natin maging mabuting nilalang, ang tao kung anong gusto nila gugustuhin nila, Mapasama man sila o mapabuti" aniya

"Hindi mo sila masisisi dahil yun ang nakatadhana sakanila. Zeqy makinig ka, wag na wag kang gagawa ng bagay na ikakasama ng loob ng ating mga magulang" payo ko sa aking kapatid at bigla nalang siyang naglaho sa aking tabi

Kailangan ko nang pumunta sa aking pupuntahan at may susunduin pa akong isang tao.

Andito na ako sa napaka raming batang naglalaro at may nabasa ako sa karatula na isa daw itong parke. Nakita ko na, nakita ko na ang kailangan kong sunduin. Mukang masaya siya at ang kanyang anak na hawak hawak niya sa kamay. Kawawa naman ang bata na maiiwan niya, muka itong masiyahin. Pero ito ang misyon ko ang magsundo ng mga taong mamamatay na.

Tumingin ako sa aking aklat at pabura na ng pabura ang pangalang Hazel Lyn Queseda mukang malapit na siyang mamamatay.

Pagtingin ko sa gawi ng mag-ina naka upo ang bata sa upuan at mukang kinakausap niya ng masinsinan ang kanyang anak. Ayokong makinig sa pinaguusapan nila kaya hindi ako lumapit dahil hindi naman nila ako nakikita.

Iniwan niyang nakangiti ang kanyang anak sa isang upuan at dahil patawid na siya sa kalsada sinulyapan niya ang kanyang anak at yun na ang huling sulyap dahil nabundol na ito ng nagmamadaling truck.

Lumapit na ako sa aking susunduin at napagtanto ko na malungkot ang enerhiya niya napakalungkot kaya imbis na ako ang maghahatid sakanyan papunta sa Ziylo ipinaubaya ko na ito kay Zeqy. Dumating naman agad ang aking kapatid at naglaho sila ng ilang segundo lamang at ang bangkay ng babae ay kinuha na ng ambulansya.

Aalis na sana ako nang mapansin ko ang kanyang anak na nakangiting nakaupo parin kung san niya ito iniwan kanin. Kawawang bata walang ka alam-alam sa sinapit ng kanyang ina.

Nilapitan ko ang bata at tinanong, Kailangan kong gamitin ang aking mahika upang makita niya ako" Sinong hinihintay mo dito?" mausisa kong tanong

"Hi kuya, hinihintay ko po si mommy ko. Sabi niya may bibilhin lang daw po siya e. kaya po hanggat hindi siya dumadating sabi niya sakin dito lang ako." nakangiti niyang sabi

"Asan ba ang mommy mo't bakit kanina kapa nag aantay dito" tanong ko na parang wala akong alam sa nangyari

"Sabi niya po kasi sakin po basta naka smile siya okay lang po siya, pero nakita ko po siya dinala ng puting car na may ilaw na red tapos tumutunog ng wangwang. Umalis na po sila kaya dito ako maghihintay kay mommy. Nag promise ako kay mommy na hindi ako magiging makulit at hihintayin siya baka po kasi ibalik siya ng puting car na may ilaw na red e, kaya po kapag narinig ko na ang wangwang baka si mommy na yun" nakangiting sabi ng bata

Kinurot ang puso ko, ano nalang ang mangyayari sa batang ito habang lumalaki siya. Kailangan ko ulit gamitin ang aking kapangyarihan at bigyan siya ng buhay na maayos. Masiyahin siyang bata kaya hanggat kaya kong tumulong tutulungan ko ito

"Neng ilang taon ka naba" tanong ko sa bata

"Five po" at ipinakita niya ang limang daliri niya

"Okay ganito aalis muna tayo saglit dito at ipupunta kita sa maraming bata na katulad papalakihin ka nila ng maayos don" Sabi ko

"Sorry po ayoko po hihintayin ko si mommy ko po" naka ngusong sabi ng bata............... Ngunit hindi ko mabasa ang kanyang emosyon dahil sa itim niyang mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Buried SecretsStories to obsess over. Discover now