Wow. Tinitira ba nila lahat ng school dito?

I remained silent. Matamis at masarap itong niluto ni manang pero parang pumapait sa pang lasa ko pero nagpatuloy lang ako sa pagkain at pananahimik.

"How about Krisha? Akala ko mas nagiging close na kayo," si Chloe naman.

"Oo nga! Nag usap daw kayo diba, kinabukasan ng pagkatapos mo malasing?"

Sabi niya hindi naman si Krisha ang dahilan. Sabi niya ako. Pero nag usap sila? Hindi niya ata nasabi sa akin iyon. Sumulyap ako kay Xander at hindi na ako magugulat kung makita siyang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin.

Is that necessary? No. Stop Jessica. Ang mapait na spaghetti ay wala nang lasa sa dila ko ngayon. Sumimsim na lamang ako sa tubig ko. I hate this.

Hindi ako tumayo kahit tapos na akong kumain. Baka kasi sundan na naman ako ni Xander. Mas okay nang ganito at nakapagita kami sa mga pinsan namin at kapatid ko. Nagpatuloy ang mga pinsan ko sa pang uusisa sa napakaraming babar na nalilink kay Xander. Hindi naman siya sumasagot. Nitong huli na lang siya sumagot.

"Hindi ba kayo napapagod sa pang uusisa sa love life ko?" dinig ko ang pagka aliw sa boses niya kaya sumulyap ako. Nakangisi siya pero nakatingin sa akin. Ang saya mo ha.

"Hindi ka ba napapagod mambabae?" natatawang balik ni Ayana.

"Oo nga naman. You're old enough to settle for a serious relationship," si Kelsey.

"But he's still young to play and enjoy!" Maligayang sinabi ni Kuya Ken na nakipag apir pa kay Travis na katabi ni Xander.

Umirap ako. Is that their principle? Kung sa bagay. Mas mabuti nang maglaro habang bata para kung mahanap na nga nila ang taong gusto nilang makasama habang buhay, sawa na sila sa mga laro.

"Shut it, boys. Isipin niyo na lang na kami yung mga babaeng pinaiyak at pinaasa niyo. You wouldn't like that right?" ngayon ko lang narinig na sumabat si Chantal.

"Hindi namin pinapaasa, Chan. Masyado lang kasing clingy ang mga babae kaya nakakasawa," si Travis.

"Well kung hindi mo naman pala gusto in the first place, why flirt? That's how girls do when they arenin love. They are clingy. At least most of us. It's normal." si Kelsey. I agree.

"I agree," sumagot ako. Kumindat sa akin si Kelsey.

Nagkatinginan kami ni Xander. Nag taas siya ng kilay. Somehow this new topic lightens my mood. Mas okay na kaysa kanina.

"That's why it's called flirting." simpleng argumento ni Deo.

"No. Malandi ka lang talaga. Ikaw, ikaw, ikaw, kayong lahat!" mataray pero nagbibirong itinuro ni Chloe ang lahat ng lalaki na narito sa harap namin.

Nagtawanan kaming girls. Nag high five pa si Chloe at Ayana. Umarteng parang sumasakit ang dibdib si Kier samantalang nagpipigil naman ng ngiti si Kuya Marcus. Okay na sana kung hindi lang ibinalik ni Kelsey ang usapan.

"Hoy! Nililihis niyo ang usapan. So, Xander. Sino nga yang katext mo? Girlfriend na ba?"

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit mga pinsan ko kuryosong kuryoso kay Xander.

"Wala akong girlfriend." seryosong sagot ni Xander.

"So it's another fling?"

Umiling si Xander.

"Ano ka ba? Hindi mo talaga mapipiga yang si Xander. Ganyan din si Deo pag tinanong. Silang lahat! Sasabihin walang babae, walang girlfriend. Kasi nga fling. Dapat ang itinatanong sa kanila e kung sino ba talaga yung mga gusto nila," si Chloe.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now