Chapter 4 - Preparation

7 0 0
                                    

Sooyoung's POV

Yow guys, Choi Sooyoung pretty here. Well, ako lang naman ang pinaka maganda at pinaka sexy sa lahat. HAHAHAHA sshh lang kayo at pag nalaman ng mga katulong ko ay este kaibigan ko ay mag iinaso nanaman sila.

Actually ngayon ang Opening ng bago naming Supermarket at kahapon pa napadala ang mga damit na galing sa shop ng mama ni Sica, and ang ganda guys, lalo na yung akin.

Syempre maganda ako eh kaya wala lang, wala kaming ginagawa. Walang gumagalaw samin, kahit  si ppanyang walang ginagawa kasi naman may chika ako guys.

Alala nyo nung nag mall kami? Syempre ang ulyanin nyo naman kung agad nyong naka limutan diba? So yun nga, nag hahanap kami ng makaka inan ng makwento ni Maknae yung nakita nila.

Simula nun guys, hindi an umimik si Taengoo, hindi na rin sya kumakain tuwing gabi, tapos naririnig daw nila ppanyang at sica na humihikbi si taengoo tuwing gabi hanggang madaling araw.

Isa lang masasabi ko, masakit. Masakit pa sa kanya ang nang yari, samin naman lahat pero minahal nya kasi ng sobra si Baekhyun, first Boyfriend nya eh kaya siguro ganun na lang ang sakit na naidulot nun.

"Ok girls, mag ayos na tayo at baka ma late pa tayo sa Opening ng CEE market, we don't want to be late right?" palakpak na sabi ni Tiffany na pilit kinukuha ang attention ng lahat, "Sige na at aayusan pa namin kayo" cold na sabi ni Sica, at umakyat na maliligo na siguro yun.

"So sino mauna satin maliligo?" tanong ko sa mga kasama ko sa kwarto, "Ikaw na at aayusin pa namin ni Sunny yung damit namin eh" ani ni Hyoyeon at umakyat na sila ni Sunny.

Paakyat ako ng hagdan ng mag ring yung telepono namin, dahil malapit sya sa hagdan ako na din ang sumagot,

"yes hello?"
"..."
"Hello?"
"..."
"anak ng, kung man ti-trip ka wag kami ok?"

at inis ko na binaba yung tawag, abnormal ba yun? Tatawag pero hindi mag sasalita, nag sasayang sya ng load.

"sino yun Soo?" tanong ni Yoona habang may hawak na chips, "ayaw mag salita eh, penge nga ako" at dudukot sana ako ng bigka nyang ilayo yung chips, damot.

"akin to, kuha ka don dami pa don" parang bata nitong sabi at umakyat na sa taas.

Eto pa guys may chika pa ako, alala nyo yung dapat na mag kikita kami with BTS? Hindi natuloy 😟 kasi ayaw sumama samin ni Taengoo eh bawal naman yun, ayaw namin umalis na hindi sya kasama at baka ano pa mang yari doon.

Patakbo akong umakyat at pumasok sa kwarto namin, naabutan ko naman sila na inaayos na yung mga damit nila kaya pumasok na ako agad sa banyo at ginawa ang aking daily routine sa loob.

"Soo, asan daw yung mga make-up na binili nyo?" tanong ni Sunny habang kumakatok sa pinto ng banyo, binuksan ko ng onti yung pinto at sumilip roon "Nasa Study table kamo ni Yoona, don ko nilagay" at sinara kona yung pinto.

Siguro may tapos na at may aayusan na sila Ppanyang at Sica unnie, nag tu-toothbrush ako ng may masagi ang paningin ko.

Andito pa pala to? Letchugas naman, itatapon kona sana yung towel na couple namin ni Panda pero hindi ko kaya.

Hindi ko pa kaya, siguro next time na lang alam nyo guys hirap pa sakin ang lahat pero ayaw kong ipakita sa mga kaibigan ko na nasasaktan pa ako at umiiyak pa ako ng dahil sa mga bwisit na tao.

Mas lalo lang sila masasaktan at dadamayan ako at iiyak nanaman sila, ayaw ko ng makita yon kaya nga ng malaman ko na darating sila Dasom, halos mapa mura ako dahil pano pag andun din ang mga bwisit na yun?

To The Guys We've Loved BeforeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin