Bigla ko na lang narining ang mga huni ng ibon. Napabalikwas ako sa kama.
Alam ko pupunta ako sa mall para makipagkita kay Edrea eh. Tiningnan ko yung orasan at 6 pa lang pala ng umaga. Mga 8 siguro ako aalis since malapit lang naman kitaan namin.
Napatingin ako sa bintana at hindi pa masyadong nakakasilaw ang araw. Dumiretso na lang ako palabas ng kuwarto at dumiretso sa kusina.
Oo, summer ngayon. Actually, tatlong linggo na lang, pasukan na. Pero feel na feel ko pa rin magbakasyon since di pa ko nakakaenroll sa eskwelahan ko. Ni hindi pa nga ako nakakabili ng mga gamit ko eh.
Napansin ko si kuya sa sala na naglalaptop, naghahanap nanaman siguro ng mga condo malapit sa ospital niya. Sa siyudad siya nakakuha ng room sa isang ospital as an optalmologist kaya sa malapit doon na siya titira. Baka doon rin siya magtatayo ng clinic, or maybe drugstore.
Syempre bunso ako, nahila nanaman ako, para raw mabilis raw niya akong puntahan kung sakaling may problema.Lilipat naman ako ng eskwelahan. Sabagay, college na rin naman ako.
Kumuha lang ako ng isang pirasong pandesal at isang basong tubig at saka kumain ng matiwasay. Pagkatapos noon ay nagkulong na ako sa kuwarto ko.
Nagsimula na akong maglaro ng video games. Noong nasa kalagitnaan ako ng laban, biglang nag ring yung phone ko.
From : bibi♡
Are you awake?
Don't skip your meals, eat well! I love you so much♡
Binaba ko agad yung phone ko.
Si Vance Feo. Di niya ako pinagtitripan, legit na boyfriend ko siya. Ingles first language niya pero nakakasalita naman ng tagalog. Atleast naman hindi chinese, hindi kqmi magkakaintindihan noon.
Napa buntong hininga ako at napaisip.
Hindi naman niya deserve masaktan. Hays, dapat pala nireject ko na lang yung offer niya.
Kaso talagang naipit lang ako sa isang sitwasyon. Sa sobrang higpit, hindi na ako makalabas.
Kailangan ko lang kasi siyang protektahan. Kailangan lang talaga.
Oo, tama. Kailangan lang talaga. Wala nang iba pang rason.
To : bibi♡
I love you too. Don't eat too much, okay? XD
Hays, kung pwede sanang ibalik yung nakaraan.....
Sa rami ko nang naisip, hindi ko na pansin na nakatitig na lang ako sa kawalan. Tiningnan ko yung screen ko. Abayga- talo na pala ako.
Oh well, papel. Humiga na lang ako sa kama at tumitig sa kisame.
*kriiing**kriiing*
Oo, phone ko iyon. Babaliwalain ko sana kaso napansin ko na ringtone ni mama pala iyon. Agad ko itong sinagot.
"Hi ma." Bati ko sa kanya.
"Ah anak, pwede bang pumunta ka ng airport bago mag 3, papunta na kasi yung kumare ko diyan. Eh alam mo na...." medyo napatigil siya.
"Opo ma, ako na bahala. Goodluck diyan sa work mo ma, wag ka magpakapagod." Sagot ko.
"Thank you nak, buti na lang talaga naaasahan ko na kayo...wag ka mag-alala, bibigyan kita ng siomai pag uwi" at ibinaba na niya yung phone niya. Kahit hindi naman ako bigyan ng siomai ni mama susundin ko parin yun.
Kilalang fashion designer si mama, model naman si papa. Pareho nilang gusto yung trabaho nila kaya di sila maka tigil, isabay mo pa yung fans ni papa.
Oo, gurang na si papa pero pogi pa rin. Di ko alam kung anong kabalbalan ginagawa niyan para manatiling pogi pero seriously. Anong mahika yon. Tell me.
Nag ayos na lang ako ng sarili ko at nagsuot ng pang alis na damit. Plain black shirt lang naman na tinuck-in sa high-waist jeans yung sinuot ko. Dinala ko na yung sling bag ko at lumabas ng kuwarto.
"Kuya Z, aalis na ko." Sabi ko sa kanya. "Hihiramin ko rin yung kotse kasi may pinapasundo sakin si ma."
"Ah oo, nasabi na sa akin." Sagot niya sabay inom ng tsaa. "Goodluck na lang. Kung nakita mo man si Azi sabihin mo sinisingil ko siyang p*tangin* niya."
"Chill, oo sasabihin ko." Lumabas na ako sa bahay at pumunta sa parking.
°•°•°•°•°•°•°•°
Acosta Cafe
"Ay beshiewap, you're just in time." Sabi sakin ni Edrea, bespren ko. Agad naman akong umupo sa tapat niya.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Papunta na rin kasi si Vance yieeee" sabi niya na may halong kilig.
Abayga- nakakatuwa ba yon? Iniiwasan ko na nga siya for God's sake.
"Nakakatuwa?" Tanong ko na may halong pagkairita.
"Come on beshiewap, bat mo naman siya poprotektahan sa mga nangaapi sa kaniya kung hindi mo naman siya gusto in the first place?"
"Besh, have you heard of 'act of kindness'.....Besides, kaibigan ko pa rin yon,ayoko siyang nasasaktan lalo pa't alam ko namang may magagawa ako para tulungan siya." Sabi ko.
"Ang problema Fleur," buntong hininga niya "may gusto si Vance sayo. Ngayong napatalsik na yung mga nang bubully kay Vance dahil napakita mo yung mga ebidensya na ginamit nila para mabugbog siya, ano nang gagawin mo sa kanya?"
Bakit ba kasing pinanganak akong bobo. Ang rami ko talagang regrets sa buong high school year ko. Ang una ay jinowa ko si Vans para hindi siya pakielaman nung mga bubwit na yon na ang kinakatakutan lang ay si chairman, which is yung tito ko. Kaya ang bait sakin nun lagi. Ayaw naman ni Vance na isumbong sila since girlfriend nung isa ang ate niya, na kinakamuhian rin si Vance....siguro kasi pogi siya? Baka. Pero mahal parin siya ni Vance kahit ilang sampal at balibag ng upuan na yung natamo nun sa ate niyang si Vynia.
Second, nakisali pa yung mga anak ng mga buisness partners nung dad niya. Hindi si chairman ang kinakatakutan nila kung hindi yung mga magulang ko. Si dad kasi ang nag aadvertise ng company nila, kaya kung nag back-out si dad, bababa ang sales nila ng malaki.
Noong naging kami na ni Vance, naging matiwasay na yung buhay niya since pamangkin ako ni chairman at wala nang ganoong mga pangyayari. Meron na siyang sarili niyang condo unit dahil nagtatrabaho na siya sa isang modeling agency.
Ngayon na mapayapa na siya, pwede ko na siyang hiwalayan, kaso head over heels yun sakin. Kaibigan niya rin ako, kaya ayoko siyang masaktan.
So eto ako ngayon, nag hahide and seek sa kanya.
"Pwede bang ibang topic na lang." Napapikit ako. "Ah, oo nga pala, musta naman kayo ni Leo?" Tanong ko sa kanya.
Biglang nawala lahat ng enerhiya na pumapalibot sa kanya kanina."ah. Yon ba." Parang nawalan na ng gana yung boses niya. "Ayon. Friends parin ahahahaha. Superfriends raw kung gusto ko pa raw ng more than friends."
Saklap naman. Tinapik ko na lang yung likod niya.
Napagisipan na lang namin mag shopping at mag makeup hunting. You know, magdidiscover ng mga sulit na brand.
Pagkatapos namin mag lunch, tiningnan ko yung orasan sa phone ko.
2:30 PM.
May nakalimutan ata ako. Oh well.
DU LIEST GERADE
Mingyùn
Jugendliteratur"Hindi masayang makipaglaro sa tadhana. Pero ibang uspan na pag pinaglalaruan mo ang tadhana ko." Dalawang tao ang magtatagpo ang landas, sa realidad ay sila'y tatakas. Ngunit hindi matatakasan ang tadhana at haharapin nila ang masalimuot nilang hin...
