“Nope, when a man falls in love.” Inilapit niya ang sarili kay Elvin.

“Huwag na po muna tayong mag-usap. Nahihirapan po kaming kunan kayo.” Pagtataray ng photographer.

Magsasalita sana si Elvin pero nauna si Kathryn. “Ikaw naman, Kuya, may galit sa mundo? Masarap main-love! Gorabells!”

Napaka positive talaga ng Sintas niya. One attitude that he likes. Napangiti siya. Hinalikan ulit ito sa noo.

Nung tinawag na ang mga groomsmen ay napasimangot si Elvin, paano ba naman, tumabi sa asawa niya si Scanver! Eh di ba ang mga groomsmen, tatabi sa groom, ang mga bridesmaid eh sa bride. Anong kalokohan itey!

Binulungan niya si Kathryn. “Sintas, akembang jan, ditey ka.” Hindi na niya hinayaang makareact ito, siya na ang gumawa ng paraan. Tinignan ng masama ang photographer.

Kitam! Akala niya ha.

Suntukan, gusto nila?

*************************

“Grabe, Kathryn, sobrang sweet ninyo, halatang in- love na in-love sa isa’t isa.” Kinikilig na sabi ni Candice sa kanyang bff, kasama si Loise na buntis na naman.

“Ang guwapo talaga ni Elvin, bagay kayo friend.” Sabi naman ni Loise, si Candice at Aron Miguel lang naman ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Elvin, mas kokonti ang may alam, mas maganda.

Samantala ay panay naman ang pagbati ng mga kalalakihan kay Elvin, present ang mga ex crushes niya, Aron Miguel at Carlos, pero emerghed, wiz na talaga silang appeal sa kanya! Nung biglang hinanap niya si Sintas eh mukha ni Scanver ang bumulaga sa kanya.

Ang jinit-jinit talaga ng dugo niya sa otokong itey.

“Congratulations, Elvin. You just don’t know how lucky you are to have her.”

“I know I am so lucky to have her. You just don’t know how happy I am to have her. She’s now mine, officially mine. Sa mata ng Diyos, sa mata ng tao. Bukas na bukas rin, ipapa NSO ko ang aming marriage certificate.”

Natawa si Scanver. “Mapagbiro ka rin pala, Elvin.”

“Mukha ba akong nagbibiro ha? Nakatawa ako? Nakangiti ako? Hindi!”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Scanver. Siya namang dating ni Kathryn.

“Sinta, don’t scare him.”

“Joke lang, Pare. Hindi ka naman mabiro.” Sabay lagay ng F-A-K-E na ngiti.

Saka lamang ngumiti si Scanver. “Sige, enjoy your day.”

“Sinta, huwag masyadong nagseselos kay Scanver. Mabait naman yung tao.”

“Da who? Wiz akembang no. Selos? Wititit!”

“Halata.”

“Whatever.”

Maya-maya pa ay tinawag na sila ng emcee. Salamat naman, medyo nangangalay na kasi ang mga paa ni Kathryn sa kaka-table hopping. Ngiti rito, ngiti roon. Ang dami naman kasing pumunta na talaga namang ikinasiya nilang mag-asawa.

“Now let’s hear a message from the newly married couple! Mr. and Mrs. Fernandez! A round of applause please!”

Tumayo si Elvin. Ang guwapo talaga ng Sinta niya, proud wifey here!

Nagpasalamat ito sa lahat ng dumalo,sa lahat ng nakisaya, sa lahat nang taong nandiyan para sa kanilang dalawang mag-asawa.

“I also thank Candice, you’re the reason why I met Mrs. Fernandez, mabuti na lamang pala at hindi tayo nagkatuluyan, at may isang Aron Miguel na sira - ulo na sobrang in-love sa iyo.” Nagtawanan ang mga nakarinig.

“….and to my Kathy, Sintas, you are such a wonderful person, you are fun to be with, you are so sweet, so caring, so optimistic, so in-love with me…” nagtawanan na naman ang mga nakarinig.

“But let me tell you this, I promise, Sintas, that I will be here for you, no matter what, I will try to be a good father, if not the best to our baby, babies if I may say.”

Kinikilig si Kathryn. Kulang na  lang ang three magic words.

“I’d like to formally announce to everyone present here, that my lovely wife will be having a baby in few months’ time.  My Kathy, thank you so much! I love you!”

Oh-em-gee!

Wateeeerrrrr!

I love you raw?

Not I crush you?

Not I like you?

But

I love you!

********************************

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon