"nako!h-hindi...hindi ako magnanakaw...naliligaw lang ako."

"naliligaw?!sa gantong oras?!"

Bakit kailangan ba may oras kapag naliligaw?kagigil much si ateh ah.

"A-no kase...may humahabol samin kaninang mga lalaki nung beshy ko...eh nagkahiwalay kami...di ko alam kung nasaan na yung bahay nila dito sa Saint Claire."

Mahabang paliwanag ko.sana naman naintindihan nya.gusto ko ng kumain ng ice cream at matulog.

"bakit ako maniniwala sayo?!"mataray nyang sabi.nyeta yan.di wag kang maniwala!

"Sige...ganto na lang...may kilala ka bang Karen Choi dito?"

Tinignan nya ko at...sabay sara ng gate.powta lang?

Wala kong choice.kundi ang matulog sa labas.kagigil.

...............................

Karen's POV

Natigil ako sa pagtakbo ko ng makarating ako sa tapat nung bahay namin.

Shet!ano na kayang nangyare kay Doreen?

Agad akong tumakbo papasok sa bahay namin.

"DAD!"sigaw ko.

Napatingin sila sakin ng takang taka.

"Why your shouting?is there a problem?"takang tanong ni Dad.

Tinignan ko sya.kung alam nyo lang.

"si Doreen po kase...naglahiwalay po kami...di ko alam kung nasaan na sya..."

"WHAT?!How?"

"may humabol po kase samin kanina habang pauwe na po sana...eh sakto na nadapa sya.ayun naiwan ko po.kasama yung mga lalaki."

"saan banda mo sya naiwan?"

"pwedeng hanapin na lang po natin sya?baka kase nakatakas na rin sya...tsaka di nya alam yung bahay natin...baka maligaw."

"okay"

Lumabas kami ng bahay nila dad at mom.sana lang walang masamang mangyare kay doreen.

Mabagal na pinaandar ni Dad yung kotse nya.10:30 na masyado nang gabi baka nilalamok na sya sa labas.

Agad akong napatingin sa di kalayuan at may nakita akong parang babae na nakaupo.baka si Doreen!

"Dad...did you see that?"agad kong tanong kay daddy.

Napatigin sya dun sa tinuro ko.

"wait...i think that's doreen."sabi ni mommy.

"puntahan mo Dad."

Pinuntahan namin yung babae na nakaupo.tumpak kang palaka ka!si doreen nga.

Di ko alam kung napansin nya yung ilaw ng kotse namin pero agad akong bumaba at pinuntahan sya.tinapik tapik ko sya sakto naman na syang pagdilat nya.nakatulog na tuloy.

"Doreen...let's go nilalamok ka na dyan oh."

"K-Karen?"

Bigla nya kong niyakap.narinig ko rin na humihikbi sya.luh umiiyak?pero di ko sya masisi kahit man ako iiyak.

"let's go?uwi na tayo ng makapagpahinga ka na."

"Sige...salamat ah?"

"welcome...and sorry...sorry for leaving you."

"okay lang yun."

Nangiti ako dahil sa sinabi nya.truelalu talaga syang beshyy.

Love Me BackWhere stories live. Discover now