Prologue

7 0 0
                                        

Napatalon ako nang bahagya nang mas lalong lumakas ang nakakabinging musika sa loob nang bar. Habang hawak ang aking inumin ay muli kong iginala ang aking mata sa kabuuan nang napakalaking bar.

Maraming mga tao ang nasa dance floor. May mga nagwawala, magkayakap, naghahalikan at mga taong ineenjoy lang ang gabing ito, bahagya pa akong natawa dahil sa lalaking pinagtitripan nang kanyang mga tropa.

Hanggang sa tumigil ang paggala nang aking paningin, dahil may nahagilap ang aking mata
Sa bandang gitna ay may isang babae na nakasuot nang maikling itim na dress at nakalugay ang mahabang buhok nito halata sakanya ang pagkalasing dahil nakapikit na ito at mistulang walang pakialam sa paligid.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatingin sakanya pero isa lang ang masasabi ko. Hindi nakakasawa.

"‎Mara!" rinig kong tawag nang kaibigan kong si jerome.

Nagtaas ako nang kilay na para bang sinasabi na anong kailangan mo saakin para gambalain moko sa pagtitig sa isang magandang tanawin.

"Kanina pa kami naglalaro akala ko ay nakatulog ka na dahil hindi ka na gumagalaw" natatawa nyang sabi.

Binaba ko ang aking baso at pinatunog iyon sa lamesa, kaya naman napatingin ang lima ko pang kasama.

"Kilala nyo ba yun?" sabi ko sabay turo sa babaeng kanina ko pa tinatanaw.

"Yung naka-itim? Pamilyar. Parang nakita ko na sa picture" sabi ni alex habang nakaturo sa dance floor

"Kilala ko yan" sabi ni Cj kaya agad akong napabaling sakanyan.

"Anong pangalan?" mariin kong sabi.

"Hindi ko maalala pero sigurado akong siya yung kabatchmate ko last last year"

"Bago ka nagtransfer?" tanong ko.

"Oo sikat yan sa school namin dahil sa maganda sya at madalas na siya ang representative nang school sa larangan nang sports." pagpapaliwanag nya.

"Kaya pala maganda katawan."

"Type mo mara?" tanong ni aika.

Ngumiti lamang ako. Di pa ba halata?

"Straight yan mara" sabi ni Cj kaya natawa ang lahat sa table.

"Dalwang taon na tayong magkakaibigan di mo parin kilala si mara mas matinik yan sa chiks kesa sa mga kalalakihan sa school" natatawang sabi ni chloe.

"Mara binabalaan lang kita nanakit yan pag may mga lalaking nangbabastos kasi ayaw nyang nilalapitan sya satingin ko ay hindi ka uubra dyan" depensa ni Cj.

"Mara oh! Pakitaan mo nga" pangaasar ni jerome

Agad akong tumayo at naglakad patungo sa babae na hindi parin umaalis sa gitna, narinig ko pa ang mga tawanan nang mga kaibigan ko at alam kong papanuorin nila ang lahat nang mangyayari.

Nang makalapit ako ay agad kong hinawakan ang kanyang bewang agad itong napadilat at napatingin saakin pansamantala siyang natigil sa pagsayaw.

"Hi." bulong ko sa kanyang tenga at sinimulang ang pagsayaw,alam kong apektado sya dahil bahagyang napatalon ang katawan.

"Sino ka?" iritadong tanong nito.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy saaking pakay. Dahil malapit ang bibig ko sa kanyang tenga ay pinababa ko ito at kinagat ang kanyang leeg. Agad syang napadaaing.

"Ah.."

Inasahan ko na pagkatapos ko iyong gawin ay itulak niya ako o di kaya'y sasampaling. Ngunit paglingon ko dito ay mga inaantok na mata ang sumalubong saakin at malalalim na hininga marahil ay nanghina sya saaking ginawa.

Hindi na ako nakapagpigil, Agad ko itong hinalikan at pinagpalit ang pusisyon namin para makita nang mga kaibigan ko ang kanyang likod nang sinagot nya ang aking mga halik ay pinagapang ko ang mga kamay kong nasa kanyang bewang pababa papunta sa kanyang pang upo at marahan ko itong pinisil.

Napaungol sya sa loob nang aking bibig alam kong nanunood ang akin mga kaibigan at kitang kita nila ang aking ginagawa. Huhulaan ko na sa mga panahong ito ay inaasar na nila si Cj.

Ako ang lumayo dahil nagawa ko na ang gusto ang mapamukha kay Cj na nagkakamali siya saakin iniwan ko siya na nakatayo at naglakad sa mesa namin magkakaibigan kahit gusto ko pa, gustong gusto ko pa.

Umupo ako nang nakangiti hindi ko alam kung dahil kay Cj oh sa masasarap na halik na kani kani ko lang natikman.

"Manok ko talaga to eh" natatawang sabi ni aika.

"Akala ko ba palaban cj? Parang hindi naman." mayabang kong sabi.

At muli nagtawanan ang aming mga kasama.

Muli kong nilingon ang babae ngunit wala na sya, inasahan kong magpapatuloy siya sa pagsasayaw ngunit nwala na ito.q

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MondayWhere stories live. Discover now