Moreno ito at charming.

"Uhm, ano kasi eh." Hindi ako nag bibigay ng number kung kani kanino.

"She's taken." Umalingawngaw ang baritong boses at sabay sabay kaming napalingon sa direksyong pinanggalingan noon.

Papalapit si Scor at dire diretso itong umakbay sa akin. Hindi ako nakahinga nang maramdaman ko ang init ng katawan niya sa tagiliran ko. Topless kasi ito at board shorts lamang ang suot.

"T-totoo ba, miss?" Baling sa akin nung lalaking may gusto daw sa akin.

Itatanggi ko sana pero sa dahil mas hinapit niya oa ako palapit at hinaplos ang balikat ko ay parang magic na nakalimutan ko ang gusto kong sabihin.

"Di ka makaintindi, boy? Anong gusto mo?" Tiningnan niya ng maangas yung lalaki.

Parang puppy naman ang lalaki at tahimik na umalis. Parang gusto ko pa silang habulin dahil ayokong maiwan dito kay Scor! Hoy! Ano ba? Wala ba kayong paninindigan? Bumalik kayo dito! Hindi ba ako worth it ipaglaban?

Kinalas ko ang pagkaka akbay sa akin ng walang hiyang insekto at saka siya tiningnan ng masama.

"What the hell? Anong pinagsasabi mo diyan?" Untag ko sa kanya.

Inis na inis talaga ako ngayon pero hindi ko alam kung sa kanya ba ako naiinis o sa sarili ko. Mas malaki ata ang inis ko sa akin! Ganito na ako karupok? Inakbayan lang ako bumigay kaagad?

"Totoo naman ah? You're taken." Parang wala lang na sabi nito.

Ayan nanaman siya. Dinadaan niya nanaman ako sa pa cool cool na sagot niya.

"What? No! Single ako. Single din siya! I was gonna give him may number! Panira ka." Dinuro duro ko siya.

Nag sinungaling lang naman ako. Hindi ko naman talaga ibibigay iyong number ko. Pero gusto ko lang naman ipamukha sa kanya na hindi lang siya iyong pwedeng may iba, kaya ko rin.

"We both know you're not." Tinitigan niya ako ng mata sa mata at hindi ko iyon kinaya. Ako ang unang umiwas.

Here he comes again with his stupid charades. Paanong hindi ako single? Eh siya nga itong may kasamang babae mula pa kahapon.

"You see, relationships require two persons, Scor. Ano iyon? Taken ako? Nino? Ng sarili ko? Hah!" Malakas akong bumuga ng hangin at hindi makapaniwalang tumingin sa langit na ngayon ay kulay violet na.

"Taken ko." Sabi niya.

Bumagsak ang panga ko sa pinag sasasabi niya. Wala akong nasabi at natameme lang ako. Ilang sandali pa ay sinara ko ang bibig ko at nilunok ang laway ko kahit hindi naman kailangan. Gumuhit ang inis at galit sa buong sistema ko.

"Oh, shut up! Will you? I'm so tired of your bullshit. So please, just leave me alone." Halos tili ko na.

Napansin kong lahat ng tao sa veranda ay nanonood sa munti naming eksena. Well done Scorpion Valbuena! You freaking humiliated me in front of your friends. Again!

"Wait- Tosca!" Sigaw niya nang tumalikod ako at naglakad pabalik sa villa.

Mabibigat ang paa ko nang makabalik ako doon. Halos sipain ko pati ang mga buhanging dumikit sa paa ko. Binanlawan ko iyon sa labas bago pumasok.

Nagagalit ako kay Scor. Paulit ulit niya akong pinapaasa. Iyong tipong papasakayin niya ako sa trip niya at kapag on board na ako ay bigla niya iyong babawiin. Was it just all power tripping to him? Nag eenjoy ba siya sa ginagawa niyang torture sa akin?

Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil kahit alam kong pinag lalaruan niya ako ay nandoon pa din ang parteng umaasa sa akin. I don't know what he did to me. Ang lakas lakas ng tama ko sa kanya. The truth is, I really like the douchebag. Heck, baka nga mahal ko na. But I won't know that, will I? I will never have a chance with him because he decided to reject me even before I tried.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now