"Time of death, 2:05 am"
May 24, 2xxx
8:00 a.m.
*
Birthday ko na bukas. Sobrang excited na ako.
Nakangiti akong tumayo mula sa pagkakahiga sa aking kama. Naiimagine ko na kung anong mangyayari bukas. Gagala kasi kami ng mga kaibigan ko sa umaga at sa gabi naman ay mag si-swimming kami nila mama at papa. Siguradong napakasaya ng araw ko bukas. Sabi kasi nila, babawi sila.
"Magandang um—" naputol ako sa pagsasalita nang makita kong walang tao sa buong bahay.
Asan sila mama at papa?
Pumunta na lamang ako sa ref upang tignan kung may pagkain silang iniwan.
Pero bago ko buksan ang ref ay may nakita akong sulat.
"Nak, pasensya na hindi kami nakapag-paalam ng papa mo ha? Kailangan kasi kami sa trabaho. Pasensya na rin kasi hindi kami makakapunta sa kaarawan mo bukas. Pero pangako, sa susunod na taon, babawi kami ng papa mo."
Napatulo ang luha ko nang mabasa ko ang sulat. Trabaho na naman ang inuna nila. At nangako na naman sila. Pangako nang pangako, lagi namang napapako. Ako ang anak nila pero hindi ko naramdaman na ako ang prayoridad nila. Kahit isang beses lang.
Naalala ko yung mga panahong kailangan ko sila pero mas pinili nilang unahin ang trabaho nila. Yung graduation ko nung grade 6, tita ko yung umattend kasi nasa trabaho sila. Tuwing kaarawan ko ay wala sila dahil na naman sa trabaho. Kahit anong importanteng okasyon sa buhay ko, wala sila. Lagi silang wala. Pakiramdam ko nga naging nanay at tatay ko lang sila dahil iniluwal ako ni mama at naibibigay nila ang luho ko. Pero yung pagmamahal na kailangan ko sa isang magulang, wala. Sa trabaho nila inaalay lahat ng oras nila. Pero sakin? Wala. At kapag sinubukan kong hingin ang oras nila, ako ang mali. Kasi ginagawa daw nila yon para sakin. Para sa magandang buhay ko. Kaya daw dapat ay intindihin ko sila. Paano naman ako? Ba't hindi nila ako maintindihan? Ba't hindi nila maintindihan na sila ang kailangan ko at hindi pera. Kailangan ko ng magulang na susuporta sakin. Magulang na magpaparamdam ng pagmamahal at magulang na laging nandyan kapag nahihirapan ako o nasisiyahan. Kailangan ko ng magulang.
Umiiyak lang ako at hindi ko na naisipang kumain. Hapon na, wala akong umagahan at tanghalian. Nakatingin lang ako sa labas at pinapanood ang mga batang naglalaro kasama ang mga kaibigan nila.
Kaibigan.
Meron pa pala akong kaibigan. Sana lamang ay makakapunta sila bukas. Sa kaarawan ko.
Nabuhayan ako ng loob. Binuksan ko ang aking selpon at agad na binuksan ang gc naming magkakaibigan.
Pero napangiti na lamang ako nang mapait sa mga nabasa ko.
"Mhiandraaaaa, sorrryyyyy hindi ako makakapunta bukas. Aalis kami ng pamilya ko eh. Pasensya naaa. Promise babawi ako sayoooo! Sorry talagaaa."
"Mhiiiii ako den hindi ako makakapuntaaaaa! Burol kasi ng lolo ko. Kailangan namin pumunta. Sorry. Babawi kami promise"
"Hala Gen, Sho, hindi kayo makakapunta? Hindi na rin ako pupunta. Kasi marami palang hindi makakapunta. Mhi sorry ah."
