Bagong araw na naman pero hindi pa rin ako nakakatulog. Hindi naman ako katulad ng ibang tao na mahilig mag-puyat. Ang totoo niyan antukin talaga ako, sobra.
"Alam mo kanina pa kitang hinahanap," Hindi na ako nagulat sa kanya. Ayaw ko na kasi marinig ang boses niya. Ayaw ko nang may mararamdaman pa rin ako sa kanya kasi ilang taon na rin ang nakalipas magmula noong bigla na lang niya akong hindi kinausap.
"Pinagdalhan kita ng paborito mong calamares kanina pero hindi mo kinain." Hindi ko siya pinapansin. Pagod na rin akong umunawa.
Umupo na siya sa tabi ko. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ayaw ko na nito. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kakayanin pa.
"Bakit?" Napatingin siya sa akin pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil alam kong kapag nakita ko ulit ang mga mata niya, masasaktan lang ako. Hindi ko na naman siya natiis. Bakit ba kasi ang lakas niya sa akin tapos ang hina ko naman sa kanya. Nasaan naman ang hustisya doon. Diba?
"Madaling araw na kasi tapos hindi ka pa rin natutulog. Nag-aalala lang naman ako sayo. I'm just -- not used to what you're doing recently." Napagod na ako sa sarili katulad nang ginawa mo sakin. "Ano ibig mong sabihin?" Napabuntong hininga siya. Narinig ko iyon kasabay nang paghampas ng alon dito sa dalampasigan.
Tumingin ako nang diretso sa kanyang mga matang nakakapanlambot ng aking pagkatao. He would always look at me that way and it kills me. Mga ilang segundo yata kaming nagkatitigan bago siya umiwas ng tingin. His eyes were tired but he's still here. Damn. Gusto ba niya na maguilty ako sa ginagawa kong ito? Bakit parang ang sakit sa puso ng mga magdadaan na segundo. I want to leave but I can't. I don't want to.
"Hindi naman tayo ganito dati. Anong nangyari?" Nainis ako sa sinabi niya at napailing. Sarkastiko akong tumawa at iniharap ang sarili sa kanya kaya napatingin ulit siya sa akin.
"Nagpapatawa ka ba o ano? Kailangan ko pa bang sabihin sayo yung ginawa mong pag-iwas sa akin noon? How dare you say those words!" Hinawakan niya ang kamay ko pero tinanggal ko rin kaagad. Nararamdaman ko na tutulo na naman ang mga luha ko pero hindi ako papayag na makita niya ito.
"Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin noon--- sa atin. Bigla na lang kasi nawala. Ugh, hindi ko alam. Sorry." I don't believe him. He knows why. He knows it well.
"Paanong hindi mo alam? Magkaibigan tayo, Brandon. You can always tell me why. Alam kong alam mo kung bakit." Lalong lumalakas ang tunog ng alon na kasabay na rin nito ang paglakas ng simoy ng hangin. Parang binubulungan na ako ng mga ito na umalis na ako dahil masasaktan lang din naman ako dito.
"It's still her, Jach. Siya pa rin hanggang ngayon. I wanted to forget her, that's why." Damn these tears. I looked away and stared at the ocean as I tried to stop my heart for breaking into pieces.
"You should not have done that. Hindi mo man lang namalayan na pati kami kinalimutan mo dahil sa kanya." Nandito naman ako palagi para sayo pero bakit siya pa rin.
"I'm sorry for being such a fool, Jach. Hindi ko ginusto ang nangyari. Sobrang pagsisisi ko nung iniwan ko kayo sa ere. Wala akong mapuntahan kasi I am guilty and sorry." Tumingin ako saglit sa kanya pero umiwas na rin kasi rinig ko sa boses niya na umiiyak siya and I don't want to hear his voice like that. Nadudurog lalo ang puso ko. Binibigyan niya ako ng rason para hindi umalis. Ugh.
"Alam mo ba nung mga panahon na iyon, wala rin akong mapuntahan pero naalala pa rin kita. I needed someone back then and akala ko kahit anong mangyari hindi ka makakalimot kasi hindi kita kinalimutan. Hindi kita iniwan. Tapos ganon na lang? Dahil sa kanya, lalayo ka na lang basta? Can you atleast let her go and get rid of the feeling you got for her." Ayaw ko na magtanong sa kanya kasi hindi rin naman niya ako papakinggan sa sobrang tigas ng bungo niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
Balang Araw (Tagalog One Short Story)
RomansaAng maikling istorya na ito ay hango sa kanta ng I Belong To The Zoo na Balang Araw.
