Prolouge

6 0 0
                                        

"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi nang wala nga akong babae eh!"

"Eh sino yung nakita ko na kasama mo? Sekretarya mo? Na kalaplapan mo? Ano ba naman Alejandro! Hindi ako bulag!"

Punong puno nanaman ng sigawan ang sala. Kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko at isinara ng malakas ang pinto. Kinuha ko lahat ng mga damit ko sa cabinet at inilagay sa maleta. Nagulat ako nang biglang mag ring ang cellphone ko kinuha ko ito nang makita ang tumatawag. Sinagot ko ito.

"Napatawag ka?" Tanong ko.

[Woah? Bad mood ka Bud?] Tanong ng nasa kabilang linya.

"Oo, nag away nanaman sila Papa"

[Hindi ka pa ba nasanay?] Hindi pa nga ba ako nasanay? Ewan ko, basta sawang sawa na ako.

"Uhm, Bud? May alam ka bang pag-stayan sa probinsya nyo?" Tanong ko.

[Meron- wait? Don't tell me may binabalak ka? Maglalayas ka?] Pag hihinala nya

"Wow, nagka idea ka agad?"

[Come on Ivory pinanganak tayo ng sabay, lumaki tayo ng sabay. Kilalang kilala kita kaya kung ako sayo, wag mo nang ituloy yang iniisip mo] pag tutol nya.

"Ivor, ang tagal ko nang nakakulong sa bahay na 'to noh, di ko nga alam kung bahay pa ba ang dapat itawag dito. Samahan mo nalang ako papunta sa probinsya nyo tas maghahanap nalang ako ng matutuluyan ko dun."

[Ivory, listen to me-]

"Sabihin mo nalang kung sasama ka o hindi. Para kung hindi ka sasama ay mag cocommute nalang ako"

[Fine. Sasamahan kita mag hahanda lang ak-]

"Great! See you sa park mamaya Bud!" Binaba ko kaagad ang telepono at kinuha ko na lahat ng gamit ko at bumaba sadly may nakakita saakin.

"Ivory? San ka pupunta ng dis oras ng gabi?" Bungad sakin ni Daddy.

"Basta, malayong malayo. Yung malayo sa'yo" sagot ko at tuluyang lumabas ng bahay.

"Ivory!!" Yun ang huli kong narinig bago ako pumasok sa taxi at nagtungong park.

- - - -

4 years ago..

"Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!~" Pag kanta nila mommy saamin.

"Happy birthday Ivory and Ivor!" Bati nila. Lumapit naman saakin ang nakakatanda kong kapatid

"Happy birthday Ivory!" Sabay hug nya saakin.

"Thank you Kuya Ivvo!" Yakap ko rin sa kanya.

"Happy birthday bud!" Bati ni Ivor

"Thank you Ivor! Happy birthday din!" Yakap ko sa kanya.

Nagulat kami nang makita si Papa na pumasok ng bahay at dumeretso sa taas, sinundan naman sya ni Mama at bigla naman silang nag sigawan

"Alejandro? San ka pupunta?" Tanong ni Mama

"Aalis na ako dito! Ayoko na dito!" Sigaw ni Papa. Pinuntahan ko naman sila.

"Papa wag ka nang umalis please.." pakiusap ko sa kanya unti unting bumuhos ang luha ko. Pero tinitigan nya ako saglit at dumeretso sa pintuan bubuksan na sana nya ang pinto pero nagsalita si Mama

"Alejandro! Pag lumabas ka sa pintuang yan, hindi ka na parte ng pamilyang ito kaya wag mo na subukang lumabas." Pero tuluyang ipinihit ni Papa yung pintuan at lumabas sa bahay, sinundan namin sya at nakita namin na may babaeng naghihintay sa kanya sa kotse nya

"Alejandro!" Tuluyan nang sumakay si Papa sa kotse at umalis. Tumalikod naman ako at nakita ko ang bestfriend ko. Tumakbo nalang ako sa kanya para umiyak. Niyakap naman ni Ivvo si mommy. At mula ng araw na iyon, nag rebelde ako. Bumalik si Papa matapos ang 2 buwan pero hindi ko sya pinansin. Patuloy pa rin ang pambababae ni Papa habang si Mama naman ay patuloy sa pag papakabulag.

- - - - - - - - - - -

Pagkababa ko ng taxi ay nakita ko si Ivor na nakaupo sa swing.

"Ivor." Tawag ko sa kanya.

"Uy Bud, ano tara na? Pero teka bud? Hindi ba tayo mapapagalitan nito?" Tanong nya.

"Anong paki ko kung pagalitan ako? Sanay naman ako eh. Palibhasa mabait ka kasing anak eh"

"Oo nalang ako, tara na nga" napakamot sya sa batok nya. Sumakay kami sa kotse at nagsalita ako.

"So may alam ka nga na pagstastayan ko?" Pagsisimula ko.

"Meron, may bahay naman kami don so dun ka nalang-" pinutol ko sya.

"Seriously? You call that paglalayas? Syempre mangungupahan ako hindi titira sa bahay nyo" puno ng sarcasm ang sinabi ko.

"Aish, meron akong alam.. sa may bayan ng San Alfonso meron" sabi nya.

"Sige, dun mo ako dalhin. Malayo dito, malayong malayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Was It Really Destiny?Stories to obsess over. Discover now