CHAPTER TWO
" Master nakahanda na po ang lahat ! kayo na lang ang hinihintay " Rico .Matapos bumuo ng plano ang Tha Black Community , nakahanda na silang sugurin ang kampo nila Michael , hindi biro ang mga magaganap , dahil sa galit na nararamdaman ni Arthur ." Sige simulan niyo na !! " Arthur
" A-a--nong nangyayari ? !! " Michael . " Sinusugod po tayo ng The Black Community , hi-hindi ko po alam kung paano nila nalaman ang kuta natin..A-ano na po ang gagawin natin ." Kailangan kong makatakas dito , kumuha ka ng sasakyan , bilisan mo !! " Michael..
Hindi niya ngayon alam ang gagawin , alam niyang wala siyang laban kay Arthur , kaya wala siyang pag-pipilian kundi ang tumakas.
" Michael nauubos na ang mga tao natin !! paano yan !! ?? " Ngayon nalaman na ni Michael kung paano magalit si Arthur ." Lumaban kayo , wag kayong titigil hanggat hindi niyo napapatay si Arthur !"
" paano namin siya mapapatay kung nag-tatago ka diyan !! " hindi na nila alam kung ano ang mga natitirang paraan kung paano mapipigilan si Arthur..Desidido ang Leader ng The Black Community na ubusin silang lahat ..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
" Master alam ko na kung saan nag-tatago si Michael maari niyo na po siyang puntahan !! " Rico
" Sige , wag kayong magtitira ni isang buhay sa grupo nila,,ubusin niyo pati ang mga nag-traydor sa atin !! " Arthur
" makakaasa ka Master !! " Rico . Nagtagumpay ang plano nilang ubusin ang grupo nila Michael , pero hanggang ngayon ay walang pang balita kung ano na ang nangyayari kila Arthur at Michael
" Saan ka pupunta ? " Arthur .Gulat na gulat si Michael nang makita niya si Arthur
" A-Arthur , sige na ibibigay ko sayo itong pera , basta't buhayin mo lang ako , na-napag-utusan lang ako ng The White Dragon na gawin to!! maawa ka !! " Michael .
Masyadong delikado ang gabing iyon dahil nasa bangin sila Arthur at Michael , madilim at umuulan pa maaaring mapahamak ang isa sa kanila .
" Sige papatawarin kita..ibigay mo sa akin ang pera " Arhur.Balak niyang linlangin si Michael , papatayin niya rin naman ito matapos niyang makuha ang pera,subalit tumaliwas ata ang takbo ng pangyayari , bigla siyang itinulak ni Michael sa bangin,dahilan para siya ang mahulog sa dagat.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
" Kristel , kamusta na ang pinapagawa ko sayo , tandaan mo ikaw lang ang maaasahan ko pagdating sa mga ganitong seryosong bagay " Chief Antonio Ibarra
" wag po kayong mag-alala , malapit na naming makita ang kuta ng The Black Community , nabalitaan naming nakabase sila ngayon sa Batangas , kasama ng Leader nilang si Arthur Lobregat.Hindi na ako makapag-hintay na makaharap siya , Chief " Kristel
" mag-iingat ka, hindi siya basta -basta , wala siyang awa Kristel " Chief . Nakahanda na ang buong team nila Kristel na pumunta ng Batangas upang harapin ang The Black Community , kasama niya si Jayson ang mag-sisilbing back-up niya.
" kapag nahuli ko ang The Black Community , isusunod ko na ang The White Dragon , patawarin mo ako papa pero wala na akong magagawa kundi ang kalabanin ka " Kristel
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
WAIT FOR THE CHAPTER THREE
