"Tala bumangon ka na!"
"Lola, di ko pa po naririnig yung alarm."
"Dyaske kang bata, mahuhuli ka na."
"Lola, 10 mins pa po. Please gusto ko pa pong matulog." kumakawag pang litanya ni Tala.
Hinila ng lola nya ang comforter na nakabalot sa dalagitang ginigising.
"I'm telling you Tala, if you do not get up, wala kang almusal." sabay hila ulit ni lola Beatriz sa comforter.
"Lola, lola please po. 10 mins pa po." nagmamakaawang sagot ni Tala habang nakapikit at nakakuyumos ang mukha.
"Im giving you 10 mins. If you dont get up walang maghahatid sa iyo sa school!"
At tuluyan na ngang lumabas sa kwarto ng dalagita si lola Beatriz. 610am pa lang naman. At 830am ang oras ng first subject ni Tala. Pero dahil mas madalas sa hindi na mabagal syang kumilos, mas maaga syang ginigising ng lola nya.
Si Tabitha Lana Ong, mas kilala bilang si Tala, bunso sa 3 anak nina Engineer David Ong and Doctor Hania San Isidro-Ong. Graduating sa high school at favorite ni Lola Beatriz Marasigan Ong.
Masasabing mayaman ang pamilya but were never capricious. Namuhay na pinaalam sa mga anak ang halaga ng pagsisikap at respeto sa kapwa at kalikasan.
Tala is the familys favorite. Nagiisang babae kasi. Si Kuya Jigger at Kuya Hans, pinapamper sya ng husto. Si Jigger architect sa company ng papang nya. Si Hans naman one year resident sa hospital kung saan nandoon din ang mamang nya. Tala was born 10 years after Hans was born. Kaya naman ang atensyon ng mga tao sa bahay nila ay nasentro sa kanya.
She is not considered beautiful. Charming and smart, yan ang description ni lola Beatriz sa kanya. Pero ang mga kuya nya parehong pogi. Kaya tuloy madalas din syang lokohin na ampon. Mas hawig sya kasi sa lola nya sa side ng kanyang mamang. Slightly wavy hair, long limbs and deepset eyes. Although di naman sya nagingitim ng todo kahit panay laro ng volleyball, gawa na din siguro ng lahi ng lolo nya sa papang nya na Chinese. Salamat sa magandang genes.
Habang nagsusuklay si Tala napatitig sya sa sarili. Ok naman ako ah, di naman magkalayo ang mga mata ko. Nakasara naman bibig ko pag di ako nagsasalita or tumatawa. Nasa tamang sukat naman ang tenga ko. Pero bakit walang nanliligaw sa akin?
Si Katrina na seatmate nya naka 2 na boyfriend. Eh kakapiranggot lang si Katrina. Di pa nga umabot sa balikat nya. Eh 5'7 sya. Si Brenda na secretary ng classroom nila eh nililigawan ni Jack na kaibigan nya. Bago si Jack naging bf na din ni Brenda si Art ng kabilang section, si Jason na mas bata sa kanila ng isang taon at si Tom na anak ng History teacher nila at kaklase nila.
Aba eh ilan na lang sila sa klase nilang babae ang di pa nagkabf. Hindi naman sa nagmamadali sya. Pero kasi nga 17 na sya. Pero di pa nakaranas man lang mabigyan ng bulaklak. Well not counted un bigay ng 7 apog na barkada nya at ng mga kuya nya. Saka ni Mang Carling na driver nila at ni kuya Aton na hardinero nila.
So ayun na nga, What Is Wrong With Tala?
YOU ARE READING
What Is Wrong With Tala
General FictionSi Tala, one of the boys. Graduating salutatorian na sa highschool pero dipa nagkaka bf. According to some people, puro lalaki kasi kasama. Paano kasi 7 na lalaki sa class nila ang kagrupo lagi. Si Jb-student council rep Si Mark-star player ng bask...
