Magkaiba

7 2 1
                                        

Ang isang malinis na bagay ay hindi pwedeng ipares sa maduming bagay dahil magkaiba sila. Hindi bagay.

Ang bagong sapatos ay hindi pwedeng idikit sa lumang sapatos dahil hindi kaaya-aya. Ayon sa kanila.

Ang pag inom ng malamig na tubig pagkatapos uminom ng mainit ay hindi pwede dahil makakasakit lang sa iyo. Sasaktan mo lang ang sarili mo.

Ngunit bakit kami ang magkapares sa mundong ito kung kami ay magkaibang magkaiba?

Hindi bagay. Hindi kaaya-aya. Hindi nararapat........ang isang tulad ko sa kaniya.

"Ay putspaa!", muntik na akong madapa dahil sa lalim ng iniisip ko. Paano ba naman kase,iyan ang iniisip ko habang naglalakad ako sa daan. Iyan ang bumabagabag sa aking isipan kaya hindi ko namalayang may humintong sasakayan na sa aking harapan.

Mainit. Maalikabok. Magulo.

Ito ang aking kapaligiran bago ako pumasok sa sasakyang nasa harapan ko.

Malamig. Malinis. Mabango.

Iyan ang kapaligiran na aking naranasan sa pagpasok ko sa kaniyang sasakyan. Katulad ng pagpasok ko sa kaniyang mundo, parang hindi ako nararapat dito. Magkaiba kase kami ng mundo........magkaibang- magkaiba.

Nilingon ko ang lalaking katabi ko sa sasakyan. Napangiti lang ako dahil paglingon ko ay nakangiti na siyang pinagmamasdan ako. Ang kaniyang mga matang tila panganib ang isinisigaw, ngising tila may balak ngunit may maamong mukha kapag hindi tumatawa. Hindi talaga ako makapaniwala. Suot- suot niya ang isang itim na polo na itinupi hanggang siko, itim din na pantalon at tila mamahaling sapatos na simple pero ang lakas ng dating kapag siya ang may suot. Napatingin tuloy ako sa aking isinuot ngayong araw na ito. Simpleng white t- shirt, luma kong pantalon na kasya pa naman ahehe at ang maayos ayos kong sapatos. Kung ipagdidikit ay hindi kami bagay. Nahiya tuloy ako kaya dumikit nalang ako sa may bintana. Nagtataka siyang napatingin sa akin. Ibinaling ko nalang ang aking tingin sa bintana. Ngunit hinila niya ako papunta sa kaniya nang may simangot sa mukha.

"You're thinking that again?"
sabi niya habang hindi ako tumitingin sa kaniyang mga mata.

Baka kase makita ko na naman ang malaking agwat ng aming mundo.

"Bakit kaya hindi pwedeng ipagtabi ang magkaibang bagay? Bakit kaya hindi kaaya- ayang ipares ang magkakaiba ang mundo? Bakit sa kabila ng lahat tinanggap mo pa rin ako?"
Bigla kong nasabi.

"Dahil hindi hadlang ang pagkakaiba sa dalawang taong nararapat sa isa't isa. May mga bagay na magkaibang magkaiba ngunit hindi nararapat sa isa't isa dahil magkakasakitan lang sila at may mga magkaibang bagay na nararapat para sa isa't isa dahil sila ang kukumpleto sa buhay ng isa't isa." Sabi niya na may malalamlam na mga mata.

"Ngunit bakit kahit may mga humahadlang, nagkakatuluyan pa rin ang dalawang magkaibang magkaiba?"
Tanong ko upang matigil na ang kung ano - anong naiisip ko.

Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang isang tindahang ang pangalan ay........
"Tadhana" sabay naming binigkas ang salita habang nakatingin sa mga mata ng isa't isa.

Hinding hindi ka siguro mananalo kapag ang tadhana na ang kinalaban mo.

***WAKAS***

MagkaibaCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang